<table class="uiGrid fbPhotoPageInfo" cellspacing="0" cellpadding="0">
<tbody>
<tr>
<span class="hasCaption">
Half true and half made up tong story na ito, this happened few years ago back when I’m still in the Philippines. Sa isang Exclusive for girls school ito sa Manila, as the story goes malalaman nyo rin at magegets! But for now lets go back to my past as a student of _ _ _ _ _ _ _ _ _ College.
<span class="text_exposed_show">
Nasasabe ng iba kung pagbibigyan ng pagkakataon ang isang estudyante kung gusto nilang bumalik sa nakaraan ang unang iisipin nila ay ang High school days, katulad. Ako nga pala si Leign-ann Joyce Salazar, Joyce kung tawagin ng nakararami. 18 years old taking up Culinary Arts sa isang kilalang university sa Dasmarinas, Cavite, 3rd year college na ako ngayon. Laking Manila ako pero pinili ko na maniharan nalang sa Cavite dahil ako ang tumatao sa bahay ng Mommy dahil nasa ibang bansa sya.
Ngayon nag OJT ako sa isang hotel sa Makati. Di naman maiwasan madaanan ng kotse ko ang school ko noong hs ako kaya kapag napapadaan ako dito eh naalala ko lahat ng masasaya, malulungkot at nakakagulat na pangyayare sa highschool life ko……
Transferee student ako sa isang girls exclusive school sa manila, mga 10-15 mins. walk lang ito mula sa bahay namin kaya naman kung paminsan minsan pag wala ako sundo or hatid eh nilalakad ko nalang. Anyways madre ang nagpapalakad ng eskwelahan na iyon.
Noong una, nahirapan ako makipag kaibigan sa mga kaklase ko, tahimik at mahiyain ako, kaya naman ayaw ko na ako ang nag aaproach sa mga tao, gusto ko sila ang nag aaproach saken. Well ng una lang yun, ng makalaunan naging maingay na rin ako, napapagalitan na ng mga teacher sa inggay. Pumapasok ng hindi gawa ang homework, rebelious kung baga.
Tatlong section lang ang freshmen noon, so St. Therese, St. Goretti and St. Regina, sa St. Therese ako napunta kung saan nakilala ko ang mga makukulit pero mababaet ko na kaklase. Sympre all girls school school yun, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga kasama sa third gender (tibo), nagkaroon ako ng madaming kaibigan na tibo, mababaet naman sila, isa na dito si Val.
Araw araw kami nag flag ceremony. Pero ng mga nakaraang araw hindi namin nagagawa ito dahil maulan at basa ang quadranggle kaya naman dumederetso kami sa loob nalang ng classroom para hintayin si Ms. Balmes Social Study Teacher namin at adviser.
Noong araw na iyon nag checheck si Ms. ng mga homeworks namin. Nandoon sya sa harapan, sa may flatform sa teachers table, ako naman nakaupo kaharap nya at tatlong upuan mula sa akin ay si Val, doon sya malapit sa Pintuan. Makipot lang ang corridor ng freshmen pero madami itong bintana. Pero sa lakas ng ulan, lahat ng mga binata pati sa room namin ay sinara dahil malamig din.
Ilang sandali pa ay biglang napasigaw ang kaibigan ko si Val.
"WAAAAAHHHH!" Sigaw ni Val at mukhang takot na takot. Hindi naman namin alam ang rason kung bakit sya sumigaw ng ganito pero nakita ko ang takot na takot nyang mukha habbang nakatinggin sa may pintuan ilang steps lang ang layo sakanya. Nagbulunggan at uminggay ang klase, sinabe nya samen na nagulat lang sya kasi natutulog sya ng may biglang parang humipan sa tenga nya. Akala nya si Jess, ang katabi nya pero si Jess eh somewhere in the room, nakikipagdaldalan. Binaliwala namin yun dahil baka binibiro lang kami.
Dalawang oras ang makalipas, breaktime sabay sabay kaming mga magbabarkada sa isang malaking table, ng hindi pa kami satisfied pinagdikit pa namin ang isa pang table. Tinabihan ko ang kanina pang balasang si Val.
"Val, ok ka lang?" Tanong ko habbang binubuksan ang cellphone ko patago.
"OO!" Mabilis naman nya na sagot.
"Ano ba ngyare sayo kanina?" Mausisa ko na tanong, pero hindi sya sumagot sakin, bagkus nakatinggin lang sya sa may vacant table tatlong hakbang malapit samin, tinignan ko kung anong meron doon at walang tao o kung ano man. So tinanong ko muli sya.
"Val, ok la lang ba talaga? Inaantok ka pa ba?"
"HINDI" Agad nyang sagot.
"Uy, girls tignan nyo tong si Val parang tanga. Hindi makausap ng maayos." Sabi ko sa barkada.
"Valerie Go. Ano ba nangyari sayo kanina sa classroom bakit bigla ka nalang sumigaw?"- Cha.
"Oo nga para ka nakakita ng multo. hahahaha." Gwen. At nagtawanan kami pero sya parang takot parin. So hinayaan na namin si Val baka kasi gutom lang yun at antok, hindi sya nakakaen at after few minutes bumalik kami sa room.
Habbang hinihintay namin ang susunod namin na teacher, eh nagkwentuhan muna kami ni Val nakaupo kaming parehas sa flatform, nakalimutan na nya ang ngyare at naging masaya na ang mood nya, So nasaisip ko talaga na gutom nya lang yun, pinaguusapan namin ang crush nya na nasa kabilang section si Lai nasa Regina sya. Hanggang sa.
"Bakit ba kasi napasigaw ka kanina? Naiintriga lang ako."
<span> --------------------------</span>----
"Uy!!! Val Sagutin mo naman ako. Sige ka hindi ko ibibigay sayo tong letter na binigay ni Lai saken." Sabi ko, natakot yata saken at nag kwento ren.
"Maniniwala ka ba sa sasabihin ko?" -Val.
"Depende. Kung gagaguhin mo ako, malamang hindi. Ano ba yun?"
"Kasi diba nakatulog ako, tapos nakasara naman yung window at door?"- Val.
"Oo. Ewan ko di ko nakita eh, kausap ko si Ana."
"Biglang lumamig sa may left side ko, tapos may nag whisper." Pabulong nyang kwento. nakatitig lang ako sakanya dahil akala ko niloloko lang ako.
"Eh baka naman yung electricfan yun, yung nasa wall?"
"Gago ka ba? Wala naman fan doon sa side ko, saka isa pa patay lahat ng electricfan kanina."- Val.
"Oo nga ano, eh teka narinig mo ba yung whisper na sinasabe mo?" PAgsakay ko nalang sakanya.
"Hindi masyado clear pero sabi nya, TULONG, Ako Si Pa???"
"Ewan, basta clear saken yung word na tulong.!- Val.
"Haha, baka naman si Aira lang yun, eh kasi dba hind nya nagawa yung hw naten, nagpapatulong sayo."
"Hay naku Joyce, bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo maniwala saken, wala na ako magagawa pero saken sinasabe ko ang tutuo." Seryosong sabi ni Val at iniwanan ako sa flatform at bumalik sa upuan nya.
HmMmmmp.. palaisipan sa inyo ano? Hanggang ngayon naman eh palaisipan sakin kung tutuo ang sinasabe ni Val or niloloko nya lang ako. Ano naman rason na lokohin ako ni Val, gayung wala naman ako ginagawa saka isa pa magkaibigan kami ni Val.
To be Continued...
</span></span>
<td class="vTop fbPhotoDataCol"> </td>
</tr>
</tbody>
</table>