Chapter 3

255 3 0
                                    

Kinabukasan Friday, half day lang lagi ang mga lessons namen, after nun may club meetings kami, after lunch nga dumeretso na kami sa gym para sa sport club meeting, kasama ko ang mga barkada ko maliban kay Valerie na hindi pumasok ngayong araw na ito. Sympre nagalala kami para sakanya pero super eager ako na malaman kung anong gusto ng Pamela na iyon kay Val o sa akin, kaya naman di na ako nag sayang ng oras at pinuntahan ko si Ate Joan na nandoon din sa sports club namin.

Habbang hinihintay namin si Ms. Pura, PE teacher naman at sports coordinator din, tinabihan ko si Ate Joan.

"Anong ngyare sayo kahapon? Nabalitaan namin nadala ka daw sa clinic ha?"- Ate Joan.

"Ewan ko rin, basta na kwento saken si Val tapos bigla nalang daw ako nahimatay."

"San si Val ngayon? Bat di nyo kasama?"- Ate Joan.

"Hindi pumasok eh." Sagot ko, natahimik si Ate Joan at napatitig saken.

"Ate, bakit ka nakatinggin saken ng ganyan?"

"Kamukha mo kasi si........-" Ate Joan.

"Sino si Pamela?????" Nanghula ko na tanong.

"Ay shit Joyce, you remind me of her. Mahaba nga lang buhok nya at medjo maputi." - Ate Joan.

"Sheila, shiela lika dito titigan mo si Joyce diba magkamukha sila ni Ate Pamela??" - Ate Joan. Tumingin si Ate Shiela at iba pa nilang kaklase at napatitig saken at natahimik silang lahat.

"Uy ano ba kayo, finifreak out nyo ako. Nag punta ako dito para itanung kung sino talaga yun sinasabe nyo.

At nag umpisa na ngang magkwento si Ate Joan pati narin ang nakakaalam ng story.

Pamela Garcia, 16 years old noong mamatay sya. Maganda, maputi at mahaba ang buhok, mga panlabas na katanggian nya. Matalino, mabaet at masunurin syang estudyante. Nasa fourth year si Pamela noon at sila Ate Joan naman ay nasa gradeschool noon. Ka BEC( Bibble study) group ni Ate Joan si Pamela kaya naman medjo kilala nya ito.

Sa kagandahan ni Pamela, maraming nabibighani sakanya na mga tibo sa loob ng school, pati na rin mga lalaki sa labas ng paaralan. Noon daw kinukuha syang isang model ng beauty product sa isang station ng TV pero hindi sya pumayag kasi pagaaral ang inaatupag nya. Wala rin napabalitang boyfriend si Pamela kahit maraming nanliligaw sakanya na lalaki at miskina ang mga tibo.

Everymonth may iba't ibang okasyon ang ginagawa ng mga estudyante hanggang sa ngayon, katulad nalang ng August ay ang sabayang bigkas, sa mga ganitong pagkakataon ay lagi laging sumasali si Pamela at nananalo nga ang grupo nila. December daw ng mangyare ang di inaasahan.

December ang buwan ng foundation day sa school, meron contest ang tawag ay 'The Next St. Loiuse ', bahagi parin ito ng foundation day, dahil sa matataas na grado at walang bahid ng kahit anong kalokohan si Pamela eh sya ang napili ng section nilang St. Catherine na lumaban sa contest na ito.

Bago pa noon, November ng nakaraang buwan ay araw araw nag papracktis ang buong highschool para sa Cheerleading competition, apat na squad ang maglalaban para sa prize, ito nga ang Year 7- Year 10, lahat kailangan mag participate napili rin si Pamela na isa sa mamaging dancers.

Dahil nga nakakapagpractice lang ang mga estudyante after class eh minsan ginagabi na sila umuwe. Maganda rin naman ang naging resulta ng kompetisyon at nanalo daw ang Seniors, masaya at nag diwang sila. Lumabas nag celebrate sila. Kinabukasan pumasok ang mga estudyante para naman sa St. Louise competition, lahat ay kinakailangan manuod nito kaya naman nandoon sila Ate Joan ng maihayag ang mga nanalo.

Kahit ba alam na ng section ni Pamela na sya ang mananalo nanatiling maging humble at go with the flow lang sya. Sa gabi ng corronation night si Pamela Garcia ang nanalo bilang St. Louise. After nun nagyaya ang isa sa mga barkada nya na gumimik sila, pero hindi sya sumama dahil susunduin sya ng kanyang magulang dahil may pupuntahan silang importante. Hatid sundo si Pamela at may sarili syang driver kaya naman hindi rin sya marunong na mag jeep pauwe sa bahay nila.

Umuwe na ang lahat ng barkada nya at sya nalang ang naiwan sa school, well medjo marami parin tao kasi naghihintay rin sila ng sundo ang mga guro rin ay nag stay up late para hintayin ang mga magulang na susundo sa mga estudyante, pero si Pamela ay bumalik pa sa classroom nila dahil kinuha nya pa ang libro nya sa Physics dahil nga sa susunod na lingo ay magkakaroon sila ng quiz at kailangan nya magaral.

Medjo nahirapan sya sa paghanap dahil hiniram ng isa nyang kaibigan ang libro na iyon, hinanap nya pa sa locker ng friend nya na yun, ng mahanap nya agad naman syang bumalik sa may hallway kung saan nya hihintayin ang magsusundo sakanya, pagdating nya rin doon wala na rin tao dahil nagsiuwihan na ang lahat.

10pm na at halos tatlong oras na sya naghihintay sa sundo nya, tinawagan nya rin ang bahay nila pero walang sumasagot, kaya naghintay parin sya. Walang takot syang naglibot libot sa buong campus magisa lang habbang hinihintay nya pa si Manong driver, ng mag 11pm na pinagpasyahan nya na kung hindi man sya susundin na eh babalik sya sa room nila para doon nalang matulog, sa pagod at antok na rin siguro nawalan sya ng pagasa na makakauwe pa ng gabing iyon kaya naman nagpunta na sya sa classroom nila.

Kung saan si Manong Janitor ay naglilinis parin ng classroom nila. Agad nyang nilapitan ito at kinausap, mabaet naman daw si Manong Janitor, ihahatid nalang daw ni Manong si Pamela sa bahay nila tutal doon din banda ang bahay nila, so hinintay nalang ni Pamela na matapos si Manong Janitor, nagkwentuhan muna sila at nagtawanan pa. Makalipas ang isang oras na paghihintay natapos din si MAnong J. na maglinis.

"Iha ibabalik ko lang itong mga gamit panlinis ko sa back room doon sa college building."- Manong Janitor.

"Ay ganun po ba!"- Pamela.

"Halika sumama ka na sa akin para deretso na tayong umuwi at hindi na ako pupunta dito."- Manong J.

"Sa bagay nga po malayo pa naman ang college building dito sa highschool building sige ko sasama ako."

Sumama si Pamela kay Manong J. Mejo malayo nga ang buildin ng hs sa college building, may kalakihan din ang campus kaya naman sa paglalakad palang ay inabot sila ng halos 10 minutes.

Napapasarap na ang usapan ni Pamela at ni Manong J, nakarating na din sila sa college building at naihatid na ang mga gamit panlinis, pero kukunin pa ni Manong J ang mga gamit nya sa locker room nila na nasa elementary building pa, pero on the way naman ito patunggo sa Gate.

Masukal at madilim ang papuntang locker nila, pero pinilit parin ni Manong J na isama si Pamela sa loob locker room dahil natatakot daw sya, sa sobrang bait ni Pamela ay napilit sya ng stranger na ito.

At doon na ngyare ang kalagimlagim na sinapit ng dalaga.

To be Continued...

"Pamela Garcia: Mystery"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon