Chapter 14 "The Finale"

278 6 1
                                    

Ng pagkapa ko sa may switch ng ilaw, bubuksan ko na sana ito ng may biglang humawak sa kamay ko, nagulat at natakot ako, pero ang nasa isip ko si CJ lang ito at tinatakot lang ako.

"Gago ka talaga CJ, buksan mo nga...." Sabi ko at napatigil ako ng buksan ng taong iyon ang ilaw at nakita ko si Sir Gonzales.

"SIIIIIIR???!"

"Yes Joyce!". At hawak nya parin ang kamay ko.

Nagpupumiglas ako para makaalis na dito sa room na toh, hindi ko na naiisip kung nasan si CJ, basta ngayun ang iniisip ko kung paano ako makakaalis sa room na ito, kung sisigaw naman ako, I'm sure walang maakarinig saken, tatakbo na sana ako palabas, pero mabilis ang pangyayareng sinarado nya ang pinto.

"Joyce, matagal ko ng hinihintay ito.!!!" Sabi ni Gonzales saken habbang hinahaplos ang aking mukha. Umiiyak na ako noon sa takot.

"Sir, aalis na ako, hinahanap na ako ng mga pinsan ko.!" Humahagulgol ko na sabi.

"Wag muna! Diba naman gusto mo ako matagal na??! Paano ba yan, gusto rin kita eh.!" Pabulong nyang sabe saken habbang inuumpisahan nya na ako halikhalikan, pero iniiwas ko ang mukha ko sa mga labi nya.

"SIR, wag po!" Sabi ko!.

"Joyce, hindi ka ba masaya, after 3 years na paghihintay mo mapapasayo na ako???! Dahil ako sabik na sabik na sayo.!" Sabi pa nya.

Nabitawan nya ako, pero nandoon sya sa may pinto ng room kaya hnd ako makalabas, tumakbo ako sa may mga instrument at nakakuha ako ng something na matulis, hindi ko na tinignan kung anong nakuha ko, basta itinutok ko ito kay Gonzales.

"SIGE subukan mo lumapit!" Sabi ko pa habbang nakatutok ang something knife sakanya.

Pero sya parang di natatakot at tumatawa pa.

"Alam ko hindi mo magagawa saken yan! Mahal mo ako diba???!"- Habbang papalapit sa akin.

"Gago ka ba Kapal ng mukha mo!"- Umiiyak ko na sabi habbang naglalakad papalayo kung saan nya ako pupuntahan.

"Halika na dito Joyce, gagawin na natin ang hindi natin nagawa ng nasa Music Room tayo."-

"Sir, pwede ba, let me out of this room!!!!!!"

"Papalabasin kita sa isang kondisyon!"

"Papayag ka sa gusto ko, or should I say gusto natin dalawa.!"- Sabi nya habbang tumatawa.

"Sir, please palabasin nyo nalang ako dito, at hindi ko kayo isusumbong kahit kanino!"- Sabi ko.

Nagpaikot ikot kami sa room na iyon, hanggang sa nakaabot ako sa may pinto, tinatry ko buksan ito pero mahirap buksan kaya naabutan nya ako at niyakap yakap nya na ako.

"SIR BITAWAN MO AKO!" Sigaw ko, pero parang wala syang naririnig, hanggang sa nabuksan ko ang pintuan at simigaw ng napakalakas, wala na ako pakialam kung marinig ng tao sa quadranggle kung saan nagsasayawan ..........

""AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH HHHH!!! TULONG!"……. Sigaw ko ng malakas.

Hinila nya ang buhok ko at niyakap yakap, sinisipa ko sya pero ang lakas nya at di nasasaktan, naglaban din ako sakanya, pero nagalit sya at sinampal at sinuntok ng malakas ang tyan ko dahilan ng pagbagsak ko sa floor. Napapapikit na ako sa sakit ng tyan ko, pinipilit nya na pumatong sa akin pero nasipa ko pa sya, ayun sinampal nya ulit ako, sa lakas ng pagkasampal nya sa akin naramdaman ko may dugo na sa may lips ko, nakita ko pa sya binababa na nya ang jeans nya, ng biglang.........................

*PAK-PAK-PAK-PAK*

Author's Note

Narating ng mga barkada at pinsan ni Joyce sa oras kaya naman ng makita nila na nakahiga si Joyce sa floor, umiiyak at nagdudugo ang lips, hindi nag dalawang isip sina Kuya Ghie at Iwit na pagsasapakin si Gonzales, nakitulong din si Jason and Marc sa pagsusuntok. Halos di na makilala ang pagmumukha ni Gonzales duguan agad ang mukha at di na nakapagpaliwanag. Si Joyce tinulunggan makatayo nina Jhosella at nilabas sa room, inupo sa may bench sa labas ng room, umiiyak parin hanggang ngayon at iniinda ang sakit ng tyan sa pagkakasuntok sakanya.

"Pamela Garcia: Mystery"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon