Chapter 7

217 2 0
                                    

The Video

Nag umpisa ang video sa pagpasok namin sa campus, ang inggay ko nga at nagtawanan kami lahat. Tawanan lang ang ngyare noong unang part ng video, pero naging seryoso na lahat ng mapadaan kami sa class room at toilet ng gr10, natatandaan na ito ang oras na unang nagpakita ang isang Kaluluwa na buong gabi ay nakasunod sa amin sa buong camus.

Sa isang room nga din ng mga gr10 eh may something na record ng vid. cam, hindi kami sure kung ano ito kaya naman pinapause and rewind ni Jhosella ang vid. para malaman namin at makita namin kung ano ito, at nazoom pa nga ito, ng zinoom ni Jhosella, sa tabi ng locker ay may narecord na isang babae na nakauniform tulad ng uniform namin, mahaba ang buhok pero duguan ang babaeng ito. So hindi man kami sure, pinangalanan namin na si Pamela na ito, nakwento ko nga ren sakanilang lahat na sa buong gabing paglilibot namin sa campus eh may nakasunod sa amin at para bang binabantayan kami.

Finastforward namin sa may toilet, 3 cubicles lang ang toilet na ito maliit lang kaya naman nagpasya kami na si Jhosella, RC at Sheena nalang ang pumasok at kuhanan ng video doon, at ng mga oras nga naiyon eh naiwan kami sa labas ng toilet, tahimik na hinihintay sila, walang nagsasalita kung baga, nagulat nalang kami ng nasa video na eh boses ng isang babae na umiiyak, basta ang alam namin ay nasa loob sya ng toilet at umiiyak.

Sa totoo lang, maganda ang video cam ni Jhosella, malinaw at clear ang boses o narerecord na boses doon, kaya naman nagulat nalang kami ng ifastforward namin sa vacant room sa gr8 na hallway eh yung audio nya nasira pero ayus naman ang picture, so pinaulit ulit namin ito, dahil akala namin eh nagalaw lang, pero halos 5 beses namin inulit ulit eh ganoon parin ang tunog, mataas ang frequency at hindi marinig ang sinasabe kung baga. Binagalan ni Jhosella ang pag play muli nito at binabaan din ang frequency hanggang sa narinig namin ang mga words na "UMALIS KA!" At "LAHAT". Natatandaan din ito ang oras na may bumulong sa akin na ang sabi ay "UMALIS KA NA DITO BAGO MAHULI ANG LAHAT".

Sunod noon ang music room, kung saan may narecord na nag pplay ng piano, eh samantalang ni kaluskos eh wala kami narinig sa music room. Ng pag daan namin ng chapel, sa video narecord nanaman na boses na may humahagulgol, sa may AVR naman ganun parin humahagulgol at nghihinggi ng tulong, pag dating namin sa speech room lalong lumalakas ang hagulgol, pero ng nandoon kami wala kami narinig ni anong inggay.

Sa may auditorioum may nakuhanan si Jhosella na kumakanta sa may stage, ang nakakatakot pa nun eh nakatinggin ang babaeng kumakanta na ito sa video cam at para bang napahaamo ng mukha tapos may pula pula ang buong katawan. Napadaan din pala kami sa locker room ng mga janitor at janitress sa school kung saan naganap ang kalagim lagim na panyayare.

Doon may nakuhanan ang video na babaeng umiiyak, para bang napadaanan lang ng video cam, pero inulit ulit ko ito hanggang sa makuha ko ang clear na kuha at na mukhaan ko ang babaeng nasa video at babaeng sumusunod samin ay iisa lang, pati ang kumakanta sa stage ng auditorium. Doon din sa video on and off ang ilaw sa may locker room ng janitor gayung naka on lang naman ang ilaw doon ng kuhanan namin ito.

Ang iba sa takot eh umalis na sa sala at lumabas sa bahay, ang natira nalang ay ako, CJ at Sheena inulit muli namin ang video na iyon at pinagaralan namin masyado, nirewind ko ito sa may classroom ng 4th year at nakita ko pa na sa tabi ng babaeng duguang babae eh para bang hawak hawak nya ang isang

pugot na ulo..................

Sa gulat nga, napatayo kaming tatlo..............

"Ayos lang ba kayong tatlo dyan? Masyado nyong kinakarir pagtinggin dyan sa video ha."- Ekai.

"Bhie, lika tignan mo nga toh, anong nakikita mo."- Sheena.

Pumunta naman si Ekai na nasa kitchen lang at tinitigan nya rin ang umano'y anino na nakita namin. Maya maya pa....

"Pamela Garcia: Mystery"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon