Nakwento narin ni Val sa buong barkada ang ngyare sakanya, pero ni isa samin para bang walang naniniwala sakanya. Umabot na rin sa kabilang section, sa Goretti at Regina. Dito ren nagsimula ang madaming palaisipan sa school, si Pamela.
Every Thursday morning nag bbible study kami kasama ang iba't ibang baitang simula sa elementary, may mga isa kung minsan ay dalawang representative bawat year sa isang grupo. Sa grupo ko nandoon si Ate Joan at Ate Sheila parehas silang forth year, si Ate Reese, third year at si Jena, second year, ako naman sa firstyear, medjo close kaming ng mga tinuring ko na Ate nayon. 1 Thursday morning, maaga kaming natapos sa bible study namen at nagkwentuhan nalang, nakarating pati sa ibang year ang ng yare kei Val, kaya naman ako ang tinanong nila.
"Joyce, anong ngayare kay Val?" - Ate Sheila. May gusto sya kay Val, kaya concern din sya.
"Eh may bumulong daw, ewan ko dun. Hindi naman ako naniniwala eh, baka nga isa lang sa mga kaklase namen yun."
"Sinabe ba nya kung ano daw binulong?" Ate Joan.
"TULONG Daw. Tapos sa Pa daw nag start yung name. Ewan ko kung tutuo bakit? Grabe naman yung balita, nakaabot sa kabilang building ha."
"PAMELA?" Sabay sabay na mahinang sabi ni Ate Sheila, Joan at Reese.
"Sinong Pamela?" - Jena.
"Haha, baka yung telenobela sa channel2 every 3 or 4pm haha." Sabi ko.
"Sira, wala bang nakakapagkwento sa inyo about kay Pamela Garcia?" - Ate Joan.
"Wala. Sino ba sya?" -Jena.
Hay naku, ayan di na nakwento samen nila Ate Joan kung sino si Pamela Garcia, kasi biglang nag bell, hudyat para bumalik na kami sa pila namin at mag form as a section para pumasok sa classroom. same day nakwento ko kay Val ang sinabe saken ni Ate Joan. Natahimik si Val.
"Valerie Jane Go. Alam mo nagiging weird ka na ngayong past weeks, ano ba ngyayare sayo"
"Ewan ko Joyce, pero natatakot na ako sa mga mangyayare."- Val.
"Anong mangyayare?"
"Basta!"- Val.
"Naku Val, wag mo nalang isipin yun. Tinatakot lang siguro ako nila Ate Joan kanina, hindi rin naman nila nakwento saken eh."
Ng mga oras na iyon, nakita ko nanaman na balisa si Val, hinawakan ang mga kamay ko at naramdaman ko na nanlalamig at nangangatog sya, nag freak out ako kung ano na yun.
"Shit VALERIE ano ba ngyayare sayo?" Pasigaw ko at napatayo. Natahimik ang iba ko na kaklase at natinggin samen. Hinila nya ako pababa muli.
"Umupo ka nga, tangina wag ka mainggay!"-Val.Pabulong nya.
"Ano ba kasi, wag mo nga ako tinatakot." Kinakabahan na ako ng mga oras na iyon.
"Joyce, wag ka matatakot ha." Val.
"Val, shit naman eh, pati ba naman ako gagaguhin mo."
"I'm sorry Joyce, pero kailangan mo malaman."- Val
"Ang alin?" Nagpapanik ko na tanong.
"Nakauniform sya, katulad ng uniform natin, mahaba ang buhok nya." -Val
"Sino?"
"Joyce, nasa tabi mo sya, nakatinggin sya sayo." Sabi ni Val habbang nakatinggin sa kin, sa sobrang takot ko, ang mga susunod na pangyayare ay hindi ko na matandaan.
Nagising nalang ako nasa school clinic na ako, pagmulat ng mata ko, ang saya saya ko dahil si fafa crush yung una ko nakita. (Mr. Gonzales Math teacher namen, super as in gwapo nya.)
"Ok ka lang ba Joyce?" Mr. Gonzales.
"Sir?"
"Kanina bago ako pumasok sa room nyo, nagkakagulo yung mga kaklase mo, nahimatay ka daw dali dali ka naming binuhat papunta dito sa clinic."- Mr. Gonzales.
"Nasan po si Val Sir?"
"Ayos ka na ba?"- Mr. Gonzales.
"Yes sir, pwede na ba ako bumalik sa classroom?"
Kinausap ni Sir Gonzales yung epal na nurse, may crush din yata sakanya, hmmpf ayus na sana eh, hindi ko naririnig pinaguusapan nila eh, pero ilang sandali pa, bumalik si Mr. Gonzales sa kama kung saan ako nakahiga at sinabe saken na.
"Ah Joyce, makabubuti sayo na mag stay muna dito sa clinic para mabantayan ng mga nurse ang kalagayan mo, medjo nahilo ka daw kanina eh." -Mr. Gonzales.
"Ok po. Pero po paki sabe naman kay Val, bisitahin nya ako dito, at kailangan ko ren sya makausap."
"Oh sige, pagkatapos ng klase ko, sasabihan ko na puntahan ka nya dito."- Mr. Gonzales.
"Thanks Sir!"
Kakagraduate lang ni Mr. Gonzales ng college at first year nya ren ng pagtuturo ito, hay naku ang gwapo nya talaga, sana maging kami hahaha joke. Pero hanggang ngayun nasa isip ko parin ang mga ngyare sa room kasama si Val. Ilang minuto pa ang lumipas nag ring na ang bell, tinanong ko ang nurse kung pwede na ako mag lunch, ang bruha sabe hindi daw! Eh Lunch na, hindi talaga ako pinalabas.
So doon ako nag lunch sa clinic, well may special food para sa mga may sakit DAW katulad ko, wala naman ako sakit nahimatay lang ako kanina. Ng matapos ako mag lunch tinanong ko kung pwede na ako lumabas, ang bruha kaya naman pala ayaw ako palabasin dahil babalik si Mr. Gonzales para tignan ako, so ayun nga ng malaman ni Sir na ok na ako, lumabas na ako ng clinic at dumeretso sa canteen kung saan nag lulunch lagi ang barkada.
Hindi pa ako nakakaapak ng canteen, sina Cha at iba pa ay sinalubong ako.
"Joyce, ayus ka na????"- Cha.
"Oo naman, epal lang yung student nurse dun sa clinic ayaw ako palabasin dahil babalik si Sir Gonzales."
"Kumaen ka na?" - Erika. At naglakad kami papunta sa table namin, napansin ko na wala din si Val doon.
"San si Valerie?" Tanong ko. Natahimik ang lahat at meya maya pa.
"Nasa chapel sya, pumunta ren si Sister Letty sa room kanina para kay Valerie tapos pinunta sya sa chapel kasi basta ang weird kanina grabe"- Ana.
"Ano ba talaga kasi ngyare? Last ko naremember eh sinabe saken ni Val na katabi ko daw yung basta ewan."
Nakikita ko si Cha na may nilabas na maliit na sketchbook. Inabot sakin ni Cha ito at binuklat ko, pagkabuklat ko nagulat ako sa nakita ko.
"OH MY GOD, Sino toh?? Ako ba ito???"
"Ewan namin, inabot lang ni Val yan kanina samen ng dinala ka sa clinic ni Sir Gonzales."- Erika. At Patuloy ko pa binubuklat ang mga pahina.
Si Valerie ay super artistic nya, grabe magaling sya mag drawing as in gayang gaya nya ang isang bagay na dinadrawing nya, at ang sketchbook nga na inabot nila saken ay pagaari ni Val, mga drawing ng babae na duguan at para bang nghihinggi ng tulong, the weird thing is that mejo may resemblance kami ng drawing na iyon, ang pagkakaiba nga lang eh mahaba ang buhok nya ako ay medjo maiksi. Tatlong pahina lang ang drawing na iyon, pero bakas sa mga guhit na iyon na nagpapatulong sya kay Val, na nalaman din namin na open ang third eye nya kaya nakikita nya ang invisible sa mga paniggin ng ibang tao.
Doon pumasok sa isipan ko ang kwento tungkol kay Pamela Garcia. Gusto ko sana makausap si Val o kaya sila Ate Joan para malaman ko kung ano ba talaga ang kwento nya, pero busy ang fourth year, si Val naman ewan ko kung nasan sya.
Bakit huminggi ng tulong ang babaeng ito sa kaibigan ko? Ano ba talaga ngyare sakanya? Bakit sa dami daming babaeng magiging resemblance ng Pamela na yan eh ako pa? Bakit hindi sya magpakita saken kung gayu’y ako naman ang parang gusto nya kausapin. Sino nga ba talaga si Pamela Garcia????
To be Continued...