Isang buwan ang nilagi ko sa England kasama ng Mommy ko, marami din akong napasyalan. Nilagi ko naman sa probinsya nila Mommy ang isa pang buwan kasama ang mga pinsan ko, dalawang linggo bago ang pasukan, pumunta ako sa school para mag paenroll at nakita ko sila Erika, Ana at Gwen. Sabay sabay din kami nag enroll.
Dalawang linggo ngang makalipas ay nagsimula na naman ang pasukan, daming kwento at kung ano ano pa, ngayong year nag decide ako na mag piano at voice lesson imbis na mag music and arts lesson. Akala namin magiging maayos kami nila Val, pero sa mga nagdaang araw eh tuluyan na nagiba ang sinamahan at kaibigan ni Val, kami ganun paren sya lang ang lumayo sa amin.
Pinabayaan na namin sya tutal naman yoon ang ginusto nya at wala na kaming magagawa, pero sympre nagkwentuhan at tawanan pag nagkakasama pero hindi na tulad ng dati. Masaya at malungkot din ako ng malaman ko na teacher parin namin si Sir Gonzales, masaya dahil araw araw ko parin sya makikita, malungkot dahil baka bumagsak nanaman ako .
Ayus lang pinangako ko naman sa sarili ko na pagbubutihin ko ngayong taon na ito. Maayos naman din ang taon na ito sympre di parin mawala na mapagusapan muli namin ang ngyare last year. Mejo mabilis din ang taon na ito, parang nagdaan lang sa amin mga estudyante, ganun parin kahit anong ibigay ko na best sa Math ko, bagsak parin ako at gumawa muli ako ng project para maipasa ito. Kung ganun kabilis ang pagdaan ng taon na ito, ganun din kabilis ang bakasyon, bitin kung baga.
June 2005, Back to school na naman, ganun parin magkaklase parin kami ng kaibigan ko, at yung iba naman nalipat sa kabilang section, pinaghiwahiwalay kami sa inggay namin haha. Pero ayos lang kasi close parin naman kami. People come and go, so kung may umalis may darating. Nahiwalay samin sina Val at si Jani isa ko pa na barkada, pero may nadagdagan ang barkada si CJ, kung tutuosin hindi namin sya pinapansin noong 1st and 2nd year kami, at masasabe mo na DK (DEAD KID) sya hahaha, pero nag evolve ang popularity kung baga ni CJ ng mabalitaan na nanliligaw daw sya sa akin, pero ang totoo ay hindi, naging close lang kami at kilala ko rin kung sino crush nya at isa ito sa barkada ko.
Yun nga lagi kaming magkasama, may free period kami at sa free period na iyon ay Piano lesson ko naman, lagi ko kasama si CJ sa music room, noong araw na iyon pati sila Phebe, Anne, Charice at Maan mga iba ko na kaklase eh sumama saken sa Music Room, sinabe saken ni Ms. Tamayo na wala ang teacher ko at bumalik nalang kami sa classroom, pero kung gusto ko daw mag stay at mag practice ng piyesa ko eh magpraktis lang ako basta hindi mainggay, so kasama ko ang iba ko na kaklase pumasok kami sa isang piano room, tumugtog si CJ ng kantang 'no one else comes close' kami naman eh nag sikantahan, sumunod naman ako, pinalay ko yung 'hope' ni mandy moore at nagkantahan parin kami, pero di parin sapat ang pagkwentuhan at kantahan namin ng isang oras.
Kaya naman nagpasya kami na maglaro doon sa music room, para kaming mga bata at nilaro namin ang taguan hahaha. Anyway unang naging taya si Phebe at nagtago ako vacant room sa music room, meron doon piano at nakatakip ang itim na tela, naisipan ko na doon magtago dahil mahaba ang itim na tela at im sure hindi ako makikita ni Phebe agad. So tagumpay nga ako na hindi ako nakita ni Phebe, naririnig ko na may pumapasok labas sa music room at naririnig ko na nahanap nya na lahat except saken. Nagtaka naman ako na halos 20 minutes na ako nagtatago doon eh hindi parin ako nakikita, wala narin ako narinig afterwards na mainggay, siguro hinanap nila ako sa kabilang room.
Nag bell na rin at nagpasya na ako lumabas, pag labas ko sa room na iyon nakita ako ni Ms. Tamayo.
"Oh Joyce, anong ginagawa mo dito?"- Ms. Tamayo.
"Ah, eh nag practice po ako ng piyesa ko, nakita nyo po ba mga kasama ko ng nagpunta ako dito?"
"Oo kanina paumalis, hinahanap ka nga eh."- Ms. Tamayo.
"Ah ganun po ba, sige po balik na po ako sa classroom." Paalam ko,
Pinagtataka ko lang eh bakit nag sisiuwian na ang mga tao sa school ng paglabas ko sa music room? Eh di pa nga kami nag lulunch eh saka hindi naman Friday ngayon para mag half day, pag dating na pagdating ko sa classroom, nagsitakbuhan mga kaklase ko patunggo saken.