Chapter 6

255 3 0
                                    

October 2004, nalalapit na ang exam na naman namin, sympre review review at group study, pinagtuunan ko talaga ng pansin ang Math ko, kasi alam ko dito ako mahina, I will try my best na nga lang, kapag hindi paren pumasa eh bahala nalang.

So 1 week ang takdang examination namin sa lahat ng subjects namin, maayos naman at lahat ng nireview namen eh lumabas sa exam. So last week ng October eh birthday ko, 28 October, sem break din namin so tambay tambay mode sa mga bahay bahay ng barkada, isang araw nga, nasa bahay kami nila RC, eh boring wala man lang mapaglibanngan, hanggang sa nakaisip si Cha ng gagawin for the week……….

"Guys, guys tutal naman diba sembreak naten at wala tayong gagawin, bakit kaya hindi tayo mag ghost haunting." - Cha.

"GHOST HAUNTING?!" Sabay sabay na sabi namin ni Erika Jhosella at RC.

"Are you crazy Cha?" Sabi ko.

"Ang lakas ng loob mo ano."- RC

"Oo nga magandang idea yun Cha, ngayon pa mag hoholoween, sympre dami spirits na lalabas sa school naten."- Gwen.

"Oo nga! Exciting yun!." Ana.

"Baliw ka ba? Birthday ko nalang ang pagusapan natin, sa Sunday na yun oh, anu na ngayon Friday na." Sabi ko.

"Oo nga, in ako." - RC

"Hay salamat may nag agree din saken." Natutuwa kong sabi.

"In ako sa sinasabe ni Cha. haha."- RC

"Langya naman RC oh."

"Sige in din ako dun sa sinasabe ni Cha." Ana.

"Well I guess ako na ren." CJ.

Hanggang sa ako nalang ang nagbubukudtangging hindi umaagreeeeeeeee.

"Joyce sige na sumama ka na! Hindi kumpleto ang ghost haunting pag isa sa barkada ang wala."- Jhosella

"Oo nga Joyce, saka ayaw mo man lang ba makakausap o makakita ng multo o magparamdam man lang ang mga multo ??!- Ana

"Id rather stay at home, kesa mag ghost haunting noH!"

"You will miss half of your life kung hindi ka sasama sa amin."- Cha.

"I don't care if I miss those out! Basta matutulog nalang ako sa bahay, while you people ghost haunting!"

"JOYCE! Sige na! Please, malay mo pagtapos nito wala ng gagambala sa atin sa school, you know what I mean."- Gwen.

"Gwen naman! Basta ayaw ko. TAPOS!"

8pm sa may gate ng campus.

"Oh bakit may susi kayo ng campus? “

"CJ, san nyo nakuha yung susi?" Sunod-sunod ko na tanong habbang binubuksan nila CJ ang gate ng campus.

"Kami pa ni RC hahaha, sisiw samen yun." -CJ.

"Bilisan nyo naman CJ, baka may makakita saten dito eh."- Cha.

"Ewan ko ba sa inyo kung bakit nyo gustong gusto ang mag ghost haunting. Bahala kayo aalis na ako." Sabi ko at maglalakad na sana ako palayo sakanila

"Hoy Ms. Leigh-anne Joyce Salazar hindi ka pwede umalis, kasama ka na dito oh nakuhanan ko na kita hahaha."- Jhosella at tinapat sakin ang video cam na dala nya.

Hindi naman talaga ako kasama sa mga toh eh, pero sa pangungulit sakin napapayag din nila ako, pero nagdadalawang isip parin ako hanggang sa nabuksan na nila CJ ang gate ng campus.

"Grabe ang dilim naman dito kakatakot pa." Anggal ko.

"Umasa ka pa na maliwanag dito gabi na noh."- Cha.

"Pamela Garcia: Mystery"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon