Chapter 11.

2.2K 74 10
                                    

Mission Accomplished

Third Person Point of View

Kunot na kunot na ang noo ni Ace habang hindi mapakaling palipat-lipat ang tingin sa kaniyang relong pambisig at sa pintuan ng kanilang opisina, ang Supreme Student Office. 


Siya lamang at ang kaniyang mga kaibigan maliban sa dalawa–na sina Axten at Cyara– ang nasa silid na iyon dahil hinihintay nila ang pagdating ng kung sino na inutusan niya upang tawagin ang mga taong ipinunta nila roon.


"Why aren't we doing anything Ace? What are we waiting for?" Thea asked as her forehead wrinkled in confusion while observing their leader, Ace.


"We're waiting for someone," mahinahon man ang pagkakasabi niyon ng lalaki'y hindi nito matatago ang pagkainip at pagtitimpi sa kaniyang boses at ekspresyon sa mukha.


"And why is that?" Tanong naman ni Ethan habang abala ito sa panggugulo ng buhok ni Jinea—na siya namang kinaiirita ng huli kaya't nakakatanggap ng hampas ang lalaki ngunit hindi naman tumitigil sa pang-iinis.


"Dahil siya ang inutusan kong gumawa sa inyong misyon dito. Any moments from now ay dapat nandito na ang babaeng iyon pero hanggang ngayon, wala pa rin siya. That girl, she's testing my patience. Sa gwapo kong ito ay nakukuha pa niya akong paghintayin," nanahimik na lamang ang kaniyang mga kasama at itinuon ang pansin sa kaniya-kaniyang gawin dahil sa kaniyang sinabi, "Damn it."


"By the way Eiron, did you already call Cyara? Kanina pa siya wala ha?" Jinea asked Eiron who is busy on his phone, tapping something nonstop pero umiling naman ito bilang tugon, "E ano pang ginagawa mo diyan magmula kanina? You jerk! Hindi ka man lang ba nag-aalala para sa kaniya?" Naiiritang tanong nito sa kaibigan na nagkibit-balikat at hindi siya pinagkaabalahang tignan.


"Malaki na siya Jinea. Alam na niya ang gagawin niya at alam din niya kung paano protektahan ang sarili niya. Atsaka bakit ako pa ang tatawag 'e bakit hindi niyo ba kaya?" Antipatikong sagot nito bago seryosong nagtipa muli sa kaniyang telepono.


"E putang-ina mo ka pala—" hindi na natuloy pang muli ni Jinea ang kung ano pang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto ng opisina na kinalalagyan nila, nabibiglang tumayo din si Ace na nabakasan ng pagkadismaya ang mukha nang makitang ang kaibigan nitong si Cyara lamang ang dumating at hindi ang tao na kanina niya pang inaasahan.


"Sa'n-sa'n ka ba nagpupupunta ha, Cyara? Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap dahil bigla-bigla ka na lang nawawala?" Pambungad na tanong sa kaniya ni Jinea na humalukipkip pa't tinaasan pa siya ng kilay, "Isa, Ethan..." she warned when Ethan started to bite her shoulders sa kabila ng pagkakatakip ng kaniyang uniform ay nararamdaman niya pa rin ang diin no'n.


"If you really hinanap me, edi sana wala kayo here doing nothing," mas napataas ang kilay ni Jinea nang maging ganoon ang sagot sa kaniya ng bagong dating, maging ang kanilang mga kasama sa silid na iyon ay napatingin sa kanilang dalawa na nagtititigan: si Cyara ay mahinahon at mukhang pagod ang binibigay na tingin habang si Jinea naman ay halatang nagtataka't naiirita sa kaniya.


Bago pa man makapagsalita si Thea upang sagutin ang kausap ay pumagitna na si Thea, "Jinea huminahon ka dahil totoo naman ang sinabi ni Cyara, if we are really looking for her edi sana di tayo nagmumokmok dito though nag-stay tayo dito dahil sa napakagaling nating leader na sa iba pinasa ang trabaho natin still, hindi natin siya hinanap sa labas," bumaling naman ito kay Cyara na nakapikit na kaya't siya'y bumuntong-hininga, "Cyara, where did you go? Are you fine? Bakit ang tamlay mo?"

Behind Her Nerdy Eyeglasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon