Chapter 12.

2.2K 76 2
                                    

Nth Birthday

Third Person's Point of View

"I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one
I couldn't really justify
How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone
And in the end can you tell me if
It was worth the try, so I can decide..."


Naestatwa na lamang ang tatlong magkakaibigan habang nakatitig at mabuting nakikinig sa bawat lirikong binabanggit ng dalaga sa loob ng naturang silid. Nakapikit ito't hinahayaan na ang mga daliri ang kusang sumabay sa agos ng kanta. 


Sa bawat liriko ng kaniyang musika ay may damdamin kang madarama ngunit may halo itong lamig, marahil dahil ang mismong pagkatao nito ay nagyeyelo. Kabaligtaran nito ang kaniyang tinig kapag kumanta dahil napakalamyos nito at nakakakalma.


"Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until, you learn to forgive..."


Maraming nabighani ang kaniyang tinig at ang kaninang mga estudyante na nagrereklamo - dahil may pasaway na naman na estudyanteng tumugtog - ay ipinagsawalang-bahala nila dahil mas natuon ang kanilang atensyon sa kagandahan ng kaniyang boses at kanta.


"I never thought that I would see the day
That I'd decide if I should leave or stay
But in the end what makes it worth the fight's
That no matter what happens we try to make it right..."


Dahil sa nakatuon ang atensyon ng mga estudyante sa musikang umaalingasaw mula sa mga speakers sa paligid ay hindi nila namalayan ang mga bagong dating.


Napakunot ang noo ng magkakaibigan habang ang mga kasama naman nila ay namamangha sa paligid pati na rin sa tinig na kanilang naririnig. Ang kanilang presensya ay hindi man lamang nabigyang pansin kahit dumaan na sila sa hallway para tumungo sa opisina ni Headmaster Anthony.


Ang ilan sa mga estudyante ay sumabay na sa awitin habang ang iba naman ay ipinagsawalang bahala na ito.


"Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Wounds of the past will eventually heal
And all will be alright in time
'Cause all of this comes with a love that is real
I said all will be alright in time-"


Napahinto sa pagtugtog ang dalaga nang mapagtuonan niya ng pansin si Xie na pilit binubuksan ang kaniyang mga mata. Nang magmulat nga siya ay nakita niya ang tatlong babae na makakasama niya sa kanilang dorm.


"ANG MAJESTIES NAKABALIK NA!!" Nagsigawan ng mga estudyante nang makalabas mula sa main building ang magkakaibigan at patungo sa dining hall.

Behind Her Nerdy Eyeglasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon