Chapter 9.

2.2K 72 5
                                    

The Book

Zandra's Point of View.


"Manang ang sarap po talaga ng luto niyo. Lalo na po ngayon. Thank you very much," ngingiti-ngiting sabi ni Dad at pinagpatuloy ang magana niyang pagkain habang si manang naman na nasa gilid lang namin at binabantayan kaming kumain ay nag-aalinlangan ang mukhang tumingin sa akin dahilan upang taasan ko ito ng kilay.


"Ahm...sir sa totoo lang po niyan sir—" walang gana kong binitawan ang kutsara't tinidor at nagpunas ng bibig gamit ang table napkin bago tumayo matapos magpaalam na busog na ako ngunit hindi naman ako hinayaang umalis ni ng aking ama.


"Not yet. Wait until we are all done eating ng Tita Leah mo," istriktong sabi pa nito habang nakatutok pa rin ang atensyon sa pagkain, "Pag-uusapan na rin natin ang tungkol sa pagtransfer mo after this, " dagdag pa nito bago sunod-sunod na sumubo ng pagkain dahilan upang mapairap na lamang ako sa kaniya kahit di siya nakatingin.


Ganun ba talaga kasarap ang luto ko para maging ganiyan siya kaganang kumain? Tsk.


"Are you really full na, hija? What about deserts? Masarap ang ginawang strawberry cupcake ni Manang," pagbigay naman ni Leah sa akin ng kaniyang atensyon bagaman magana rin siyang kumain katulad ni Dad, I just shrugged my shoulders as an answer.


Tumikhim muna ng bahagya ang aking ama bago nito ibinaling sa akin ang atensyon at sumeryoso habang ako naman ay naiinip lang siyang tinitigan, "You will transfer sa isang boarding school, meaning to say ay doon ka magsstay sa buong school year. So I told Manang Fe a while ago to help you pack your things dahil tomorrow at 3:50 am ay ihahatid ka na namin sa magiging school mo," I boredly nodded my head as a respond to him, and when I'm about to leave ay bigla naman nagpahintay si Leah.


As if I did not know that once I arrive there, there's no turning back.


"I'll help you too, " sabi pa nito bago bumaling sa aking ama bago sila nagtanguan dahilan upang mapairap na lamang ako sa hangin bago walang ano-ano'y naglakad upang umalis ngunit dahil napakadaming kachenahan ng mga kasama ko sa tahanang ito ay pinatigil na naman nila ako sa pag-alis.


"By the way Zandra, thank you for cooking tonight," napakibit-balikat na lamang ako sa sinabing iyon ng aking ama at hindi na sila hinayaang muli na naman akong pigilan sa aking pag-akyat patungo sa aking kwarto.


"Zandra, wait up!" minadali pa ni Leah ang kaniyang mga hakbang upang makahabol sa akin at nang makatabi ako ay nagsimula na itong magsalita ng magsalita ng kung ano-anong bagay, and I did not bother myself to listen.


"Leah—" natigilan ito sa aking sinabi kung kayat tumikhim muna ako bago muling nagsalita,  "Tita, thanks," sinserong nginitian lamang ako nito bago niya ako iniwang mag-isa sa aking kwarto at kasabay niya na ring lumabas si Manang dahil natapos na namin ang pag-aayos ng aking mga gamit.

Behind Her Nerdy Eyeglasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon