Chapter 1.

7.3K 166 21
                                    

BEWARE OF THE ERRORS!

Ps. I kept this and other chapters as they are the starting point of this story before.

'Egg or Chicken'

Thea's Point of View.


"Guys, I forgot to tell you that—"


It really is a big question in my life how I came to be friends with these people, like how they could have the body of a youth with the mentality of a baby? Like seriously?


"Don't you know that the chicken is from the egg? Paano yun magiging manok kung hindi naranasan ang pagiging isang itlog? Sige nga ipaliwanag mo nga," tuloy-tuloy ang bunganga na bulalas ni Jinea kay Ethan na sinamahan niya pa ng pambabatok.


I flinched while looking how much force was put on that hit.


"Wow what a nice joke you have there Jinea. Ha-ha! Isa lang naman ang maitatanong ko sayo kung ganun nga ang dahilan mo na ang itlog ay nauna kaysa sa manok. Where did the egg came from? From the chicken, right? " tumango naman ang kausap, "See? Sumang ayon ka rin sa akin, tsk tsk," maangas naman na paglaban ni Ethan despite the scowl he has on his face after the hit.


"Putang-ina nito! Hindi ako sumang-ayon na nauuna ang manok sa itlog, tanga! Ang tanong mo kasi, saan nanggaling ang itlog, 'di ba sa manok? Yun yung tanong mo diba? Alangan umiling ako sa tanong mo at saguting sayo nanggaling yung manok? Ano, gusto mo?"


Another hit was made.


Putting too much attention to these people's quarrel will drain the life out of me. Masyado ng malawak ang isip nila - sa sobrang lawak pati walang katuturang argumento ay pinaguusapan nila.


Napabaling naman ang aking atensyon sa dalawang tao na nasa harapan namin ng katabi kong si Axten, dahil isa na rin sila sa dahilan kung bakit ang ingay-ingay ng table namin.


"Tama naman kasi si Jinea. Nauuna ang itlog kaysa sa manok. Imagine, the chicken will just suddenly appear out from nowhere. Wow, magic!" Eiron even made a small whirlwind on his finger as reference.


"NO! ETHAN IS TAMA! THE MANOK CAME MAS NAUNA BEFORE ITLOG COULD EXIST 'NO! HINDI, NOT THE ITLOG ANG FIRST KAYSA SA CHICKEN!" Cyara could definitely be the death of anyone just by speaking.


Napailing nalang ang aking katabi dahil mukhang narinig niya pa ang isinigaw ni Cyara kahit na naka-earphone na ito na malakas-lakas pa naman ang volume dahil kahit na nakasalpak pa ito sa kaniyang tenga ay naririnig ko pa rin ang tugtog nito.

Behind Her Nerdy Eyeglasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon