Chapter 7.

2.5K 111 6
                                    

Handkerchief

Zandra's Point of View


"It's time for you to transfer..." may pinalidad na lahad kaagad sa akin ni Dad nang makaupo ako sa upuang nasa tapat ng kaniyang office desk.


Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niyang iyon ngunit, hindi muna ako nagsalita dahil ramdam kong may mga sasabihin pa siya at hindi naman ako nagkamali.


"They are after you again. You need to transfer sa lugar kung saan ka talagang nararapat," seryoso ang kaniyang mukhang tumitig sa akin gayundin ang ekspresyong mababakas sa mukha ni Lea na nakatayo sa gilid ni Dad, "You have to go to another world. Where you really belong."


Much better to say that he don't want me here.


Napatagilid ang aking ulo sa kaniyang sinabi na wari'y nakatingin sa taong nababaliw. Gusto ko man tumawa sa kaniyang sinabi ay hindi ko magawa dahil matagal ko ng nakalimutan kung paano yun magagawa.


"You're kidding right?" wala mang kababakasang emosyon sa aking mukha nang tanungin yun ay halata naman sa aking boses ang pagiging sarkastiko dahilan upang makaani ako ng masama at nagbabantang tingin mula sa aking ama.


"I'm not kidding Zandra, and we both know na may alam ka na about this matter. Afterall, nandoon ka naman noong mga oras na nawala siya," naging malambot ang kaniyang ekspresyon nang mabanggit ang tungkol sa bagay na yun ngunit hindi nakatakas sa aking mga mata ang mabilis na pag-alpas ng isang luha mula sa kaniyang kaliwang mata na agad niya rin namang pinunasan kasabay ng pagsandal niya sa sandalan ng kaniyang kinauupuan.


Well, afterall. He still value her though.


"Tsk," bumaluktot ang pagkakaupo ko dahil sa pagkainip sa aming pinag-uusapan dahilan upang ang kaniyang tingin ay halos patayin na ako ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang ito't ikinibit balikat.


"Si Tita Leah mo na ang bahalang mag-asikaso ng pagtransfer mo pero if you want to ay pwede ka pa namang pumasok bukas para makapagpaalam ka pa sa kaibigan mong si — " hindi na niya nakuha pang ituloy ang kaniyang sasabihin nang pabalya akong tumayo't walang ano-ano'y umalis ng kaniyang opisina.


Out of sight, out of mind.


"ZANDRA!" narinig ko pang sigaw nito dahil sa iniwan kong bukas ang pintuan ng kaniyang opisina.


"Thank you very much for everything Miss Montreal. Having you as a student here in our school was a great privilege..." and many more such things about me being a great student and lahat ng aking nagawa para sa school.


I'm not bragging but mula grade 7 to this year grade 10 ay marami na akong naidistribute para sa ikauunlad ng school namin. Mapa-academic and sports competitions ay napapanalo ko at ako din ang representative ng school when it comes to introducing and promoting our school to different big companies na makakapagbigay ng shares and donation para mas lalo itong mapalago. Just like last time, I attended and proposed a business proposal to one of the biggest company in the country and it end up so well na naencourage ko sila na maging isa sa mga investor ng aming school.

Behind Her Nerdy Eyeglasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon