Chapter 8.

2.4K 82 9
                                    

Grave

Third Person Point of View.


Mula sa masikip na lalagyang kinalalagyan ay lumabas ang maliit na nilalang. Humugot muna ito ng malalim na hininga at luminga linga sa kaniyang paligid. Umabante ito ng bahagya upang tignan ang taong umiiyak sa ilalim ng puno na siya ring nagdadala ng maliit na bag kung saan siya nanggaling. Ni hindi man lamang siya nito napansin dahil sa emosyon na dinaramdam nito at patuloy na paghihinagpis.


Pinagkibit-balikat na lamang niya iyon.


Naglalakad na siya papalayo nang bigla na lamang may lumundag papunta sa tabi ng dalagang umiiyak. Nakasabayan niya pa itong nagulat ngunit ang kaniyang pagkagulat ay hindi lamang dahil sa biglaang pagsulpot ng naturang babae kung hindi nagulat din siya dahil sa pag-ilaw ng diyamanteng nasa tapat ng kaniyang dibdib dahilan upang mapaangat ang kaniyang tingin sa taong nakatalikod sa kaniya.


Ito na ang taong kaniyang matagal ng hinahanap.


Kaya nang umalis ito ay dali-dali siyang sumunod dito ng hindi napapansin nino man dahil sa mahikang kaniyang ginamit sa sarili na magkukubli sa kaniya mula sa paningin ng mga tao. Dahil sa isang dangkal lamang siyang tao ay napakaliliit ng kaniyang mga hakbang kaya tumatakbo na lamang siya ng pinakamabilis na kaniyang makakaya upang makahabol lamang sa binibining itinakda.


Sa kaniyang pagsunod sa dalaga ay nakasabayan niya naman ang dalawang lalaking sumabay rin sa paglalakad sa naturang dalaga. Ganun na lamang ang kaniyang inis nang harangan nila ang kaniyang daanan noong huminto sa harap ng isang estudyante ring lalaki ang dalagang sinusundan. 


Ang dalawang lalaki naman na estudyante rin na sumabay sa kanila ay dumistansya ng bahagya at nanatili sa likod ng dalaga at magkatabi pa ang mga ito kaya wala siya madaanan. Naiinis na lamang niyang pinagpapadyak ang mga paa bago humugot ng malalim na hininga upang kumalma.


Akmang ilulusot na ang sarili sa pagitan ng mga binti ng isa sa mga naturang lalaki ay ganun na lamang ang pagkagimbal sa kaniyang pagkatao nang dali-daling tumakbo papaalis ang dalagang sinusundan matapos niyang makarinig ng lagapak ng isang bagay at paghabilin ng kung ano sa mga lalaking nakaharang sa kaniya. 


Walang pag-aalinlangang tinalon na lamang niya at inabot ang palda ng dalagita sa abot na kaniyang makakaya upang makasama dito. Todo-todo na lamang ang kaniyang pagkapit dito upang hindi siya tuluyang makawala.


Dahil siguro sa matinding emosyon na nararamdaman ay hindi nito alintana ang biglaang pagbigat ng bahagya ng kaniyang palda. Nang huminto sila sa harap ng isang gate ay bumaba muna siya sa pagkakakapit. Hinihingal na napayuko't napahawak siya sa kaniyang dalawang tuhod dahil sa pagod sa pagtakbo at biglang pagkapit sa hinahabol.


"Young lady..." napaayos siya ng tayo nang may humintong sasakyan sa harap ng dalaga at pinagbuksan ito ng pinto at nang makapasok ang dalaga ay dali-dali rin siyang pumasok roon.

Behind Her Nerdy Eyeglasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon