Panimula

66 21 27
                                    

Minsan hindi natin aakalain na kung sino pa yung taong nagmamahal sa atin nang subra-sobra ay sila pa 'yung taong mang-iiwan sa atin ng hindi natin inaasahan.
Dahil ba sa napagod na silang mahalin tayo?
Dahil ba sa nasasaktan na sila sa pambabalewala natin? Dahil ba sa hindi natin sila mabigyan nang oras o dahil ba sa 'di na sila kontento sa pagmamahal na binibigay natin para sa kanila?

Ano ba ang dapat gawin para bumalik ang dating pag-ibig na nawala na?
Minsan kasi may mga bagay tayong nagagawa para sa pag-mamahal na kahit mahirap at imposible ng bumalik ay sumusubok parin tayo dahil nga sa mahal natin sila.
Sapagkat napaka-hirap isuko nu'n at nagtatyaga nalang tayong mag-hintay para sa kanila kahit pa mag-mukha na tayong tanga.

Aaminin ko naging tanga ako nasaktan ko siya dahil napabayaan ko ang pagmamahal na nilaan n'ya para sa akin pero hindi ko kailanman sinayang ang pag ibig na iyon sapagkat minahal ko rin s'ya ng lubos.

May pagkakataon nga lang na hindi ko sya mabigyan ng oras dahil mas nauuna ko ang iba at oo maling-mali ako du'n aminado naman ako talaga. pero masama naba magka mali ngayon?
Nasaktan ko siya pero mas nasaktan ako nang iniwan na n'ya ako!

Ako si Trixie Ferer minahal, pinahalagahan, at prinotektahan nang lalaking mahal na mahal ako NOON. Subalit binalewala kolang kaya sobrang sakit simula ng iniwan na n'ya ako.
Akala ko kasi mananatili lang s'ya sa tabi ko 'di ko akalain na mapapagod din siya gaya ng iba.
Yung mga pangako n'yang 'di na n'ya ako iiwan du'n ako kumapit kasi akala ko totoong may Forever kami. pero wala pala nagkamali lang ako masakit kasi kung sino pa ang nangako s'ya rin pala ang misnong pumako.......

Hindi ba dapat kapag napagod magpahinga lang? Hindi ba pag sinabing break time out lang muna? Pero hindi  'yung break n'ya literal na winasak ang puso ko. Wala man lang akong nagawa hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon.
Dapat pag sinabing break ipahinga molang ang puso mo Hindi yung bigla ka nalang bibitaw kasi ayaw mo ng masaktan at bigla ka nalang mang-iiwan!

Pero paano mo pa nga ba mababawi ang isang taong mahal mo kung napunta na ito sa iba, kung may pananagutan na ito sa iba?
Napaka-sakit isipin na 'yung lalaking mahal na mahal ka noon ay napunta na lamang sa iba dahil sa kapabayaan mo mismo.

Paano ko tatanggapin 'yun na tila ba kay bilis ng mga pangyayari ? Kaka-iwan n'ya pa lamang sa akin pero ano na ngayon may pananagutan na agad ito sa iba?
Ang sakit naman lahat nalang instant ma pa pagkain man inumin pag-ibig ngayon pati pagkakaro'n ng anak madalian na rin?
Sadyang nakakaloko ang tadhana kasi kung kailan gusto mo ng maisa-ayos ang lahat tsaka naman may mangyayaring 'di mo inaasahan.

Huli na nga ba ang lahat o may natitira pang pag-asa para maka-bawi sa mga pagkakataong nabalewala dahil sa katangahan ko noon???

......................................................

Heto ang kwento ni Trixie na isa sa mga Bff ni Jhaz sana po basahin nyo parin kahit medyo waley ang datingan 😂😁😀
Maraming maraming salamat po😘😘😘😘😘😘

BACK TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon