Chapter Three

44 14 41
                                    

This Chapter is dedicated to Na-Chii 😂😁😀
"Minsan sa kanta mo nalang talaga maaring balikan ang mga masasayang ala-ala na pinagsamahan n'yong dalawa!"✌✌✌✌

#TimeMachine💔💔💔💔💔

PAPUNTA ako ngayon sa condo ni Nixon gusto ko s'yang kausapin baka sakaling makuha pa sa maayos na usapan ang pag hihiwalay namin kagabi. Pagod lang siguro sya kaya n'ya nabitawan ang mga salitang iyon kagabi. Tama tama baka pagod nga lang ito maaga pa naman malamang nasa bahay pa iyon. Nakasakay na ako ng taxi ngayon papunta sa condo nito. Galing ako sa bahay ni Jhaz doon kasi ako nagpalipas nang sama ng loob sila lang kasi yung makakapitan ko pag ganitong lugmok ako.

Pagka-baba ko nagbayad na muna ako ng taxi bago ako dali-daling tumakbo sa building nila.
Pumasok na agad ako sa elevator at pinindot na ang floor kung saan ito mismo tumutuloy.
Hindi ko mapigilang kabahan ngayon narito na ko para kasing may kakaiba parang bigla ayoko nang tumuloy pa.
Kanina kopa tinatawagan si Nixon pero ring lang ng ring ang cellphone n'ya. Hindi naman s'ya gano'n agad s'yang sumasagot sa mga tawag ko agad din yan nareply pag nagtetext ako pero ngayon kahit isa sa mga nabanggit ko wala. Gano'n naba n'ya ako talaga kinamumuhian? Gano'n ba kalala ang kasalanan ko sa kanya? Sabagay hiniwalayan n'ya na nga ako eh kaya bakit pa nga ba nito sasagutin ang mga tawag at mensahe ko sa kanya.

Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na narito na pala ako sa mismong floor ni Nixon kaya dinalian ko nalang ang paglalakad para makarating na agad at nang maka-usap ko na s'ya.
Narito na ako sa tapat ng pinto n'ya nagdadalawang isip parin ako kung kakatukin ko ba o bigla ko nalang papasukin tutal nasa akin pa naman ang susi na binigay n'ya sa akin noon.

Sa huli ay nagdesisyon akong katukin na lamang ito.
Ayoko naman na kung ano pa sabihin n'ya sa akin gayong kakabreak n'ya palang sa akin kagabi. Oo s'ya lang ang nakipagbreak hindi kopa naman kasi tinatanggap at wala akong balak tanggapin ang pakikipag hiwalay nito sa akin.

Kakatok pa lamang sana ako ng bigla na lamang may babaeng lumabas sa condo nito mukhang nagmamadali siya at seryoso ang tingin nitong humarap sa akin. Maganda siya pero mas maganda naman ako ng di hamak sa kanya, sexy din pero mas sexy ako syempre, maputi rin pero mas makinis ako at matangkad siya sa akin well hindi man ako matangkad atleast mabait naman ako okay na'ko ro'n!

"Hey' you are? Trixie am i right? Nixon's Ex Girlfriend!" Nagtanong pa kunwari alam din naman pala, sabay ngisi nito sa akin na parang nanunuya. Nagulantang naman ako hindi ko alam kung ano ang sasagot ko. Hindi ko alam kung ano ba ang iisipin ko kung bakit narito ang babaeng ito sa loob ng condo ni Nixon parang nanikip bigla ang dibdib ko.

"Yeah!" Iyon lang ang tangi kong naisagot at binigyan ko ito ng walang ganang tingin. Pasalamat s'ya wala ako sa mood makipag bangayan sa kanya ngayon kung hindi naku baka sinungal-ngal ko na ito kanina pa sa pag ngisi nito sa akin!

"Oh okay! Well anyway nasa loob si Nixon tulog pa medyo nagkasarapan kasi kagabi kaya hindi kona ginising!" At muli nanaman itong ngumisi na parang nang-aasar. Para namang nag akyatan lahat dugo ko sa bumbunan ko sa mga tinuran nito. Kaya naman sinamaan ko na ito ng tingin baka sakaling sa ganoong paraan ikamatay na nito agad ang mga tingin ko sa kanya SANA NGA!

"I gotta go now bye may pupuntahan pa kasi ako eh!" Paalam pa nito na parang may paki-alam ako!

At iniwan na nga ako nito na nag aalburoto sa galit dahil sa mga pinagsasabi n'ya. Nang mahimasmasan ay muli ko'ng pinihit pabukas ang pinto at agad hinanap ng mga mata ko ang taong dahilan kung bakit ako sobrang nasasaktan ngayon.
Tumungo ako sa silid nito dahil malamang natutulog pa nga ito at saktong pagbukas ko ng kanyang silid ay siya namang pagbangon nito na mukhang kagigising lang.

"T-trixie? W-what are you doing here?" Halata na kinakabahan nitong tanong sa akin. Pasimple naman nitong iginala ang kanyang tingin sa loob ng silid.

Tumayo at titigan lang siya ang tangi kong nagawa. Gustung gusto ko nang umiyak pero pilit ko parin nilalabanan. Masakit palang makita ang mahal mong may kasama ng iba hindi lang simpleng kasama dahil ayon na rin sa nakikita ko ngayon kay Nixon ay mukhang nagkasarapan nga ang mga ito kagabi kasama ng haliparot na babaeng iyon kanina.
Ang sarap magmura kasi naman oh halos hubad parin si Nixon til now! pero hindi kasi ako yung tipong palamura. Masakit ako magsalita minsan pero hindi ako palamura.

"So kamusta ang performance level ng bago mo pumasa ba ? Mas magaling ba siya? Mas masarap ba siya kaysa sa akin ha Nixon? Kaya ba atat na atat kang iwan ako dahil sa letseng babae na yon? Sumagot ka naman hindi ganitong para akong nakikipag usap sa hangin!"
Napaka bigat ng pakiramdam ko kaya ganto nalang reactions ko. Galit, sakit at lungkot halu-halong emosyon.

"Pasensya kana kung masyado akong nasasaktan ngayon. kasi naman Nixon kagabi kalang nagpasabi na ayaw mona tapos ngayon may iba kana agad? Ang matindi ay nagkasarapan pa kayo kagabi ayon sa babaeng nakasalubong ko kani-kanina lang. syempre hindi naman ako tanga para sabihing wala nga kayong ginawa dahil kita naman sa itsura mo ngayon na meron nga!" Habang sinasabi ko sa kanya ang nasasa-loob ko ay nanatili naman itong nakatungo ni wala manlang akong makuhang sagot mula rito.

"Nixon alam mo ba na sobrang sakit ng ginagawa mo sakin ngayon? Masaya kanaba dahil naka-ganti kana sa pambabaliwala ko sayo? Ganito ba talaga ang gusto mong mangyari?" Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang mga luha ko.

'Mahal na mahal kita Nixon at kahit pa nabaliwala kita noon ay hindi sumagi sa isip ko yang katarantaduhan na ginawa mo ngayon. Hindi mo ba inisip manlang na pupuntahan kita at makikita ko yang kagaguhan mo ha? Ang unfair mo naman kasi Nixon wala pang 24 hours tayong nagbibreak tapos nakipag s*x kana sa iba? Bakit hindi ba ako sumapat sayo?" Sunud sunod na tanong ko sa kanya kasabay din ng pagdaloy ng mga luha ko sa aking mga pisngi. Ang sakit sakit lang dahil wala manlang akong makuhang paliwanag sa kanya. Napa upo nalang ako ro'n dahil feeling ko nanghihina nanaman ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Mahabang katahimikan muna at tanging paghikbi ko lang ang namayani. makalipas ang ilang sandali naramdaman ko naman ang paglapit nito sa akin kaya dahan dahan ko itong tiningala at mababakas sa mukha nito ang pagsi-sisi.

"I'm so sorry Trix hindi ko sinasadya lasing ako kagabi. Pumunta ako sa bar after kitang iwan sa Resto sobrang bigat kasi ng dibdib ko ng iwan kita wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Kaya doon ako pumunta at nagpaka-lasing pagkatapos nakita ko ang mga kaibigan ko ro'n at ipinakilala nila sa akin si Phoebie pagkatapos non wala na akong matandaan pa. Hanggang magising ako ngayong umaga at mabungaran kita kahit pa alam ko naman kasama kong umuwi rito si Phoebie kanina kaya sobra akong naguilty and im so sorry for that Trix ikaw lang ang mahal ko!" mangiyak-ngiyak naman nitong saad pero wala masakit talaga eh kung kagabi nawasak ang puso ko ngayon halos durug na durog na. Dinaluhan ako ng yakap nito subalit umiwas ako.

"Alam mo ba kung bakit ako narito Nixon?" Turan ko rito nang salubungin ko ang mga titig nito.

"Kasi gusto ko pa sanang ayusin ang gusot sa relasyon nating ito. Pero mukhang wala na atang pag-asa dahil mukhang ayaw mona talaga!" Pagka-sabi ko no'n ay tuluyan na akong umalis sa silid nya nang umiiyak.

Ganito nalang ba? Wala naba itong katapusan? Grabe naman kasi ohh torture much eh!

BACK TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon