NAKARATING din ako sa Restaurant kung saan kami madalas mag-date ni Nixon sa may Q.C.
pagbaba ko ng uber ay tumakbo na ako agad late na late na kasi ako pasado 10pm na usapan namin may dinner dapat kami ng 8pm pero pass 10 na.
Kaya pag pasok ko sa Resto ay napansin kong mangilan-ngilan nalang ang mga tao pero ang boyfriend ko tahimik lang at matyaga na naka-upo at naghihintay sa pagdating ko kaya dali-dali ko ito'ng nilapitan hindi ko mababakas sa mukha nito ang saya ng makita ako seryoso lang itong nakatingin sa akin."Hi Babe! sorry na late ako kasi naman may pinuntahan pa kami nila Jhaz and Rica tapos traffic pa kaya ngayon lang nakarating pasensya na talaga babe Hindi na mauulit promise!" Hinging paumanhin ko rito. Hinalikan ko s'ya sa pisngi para naman hindi na s'ya mabeastmode tsaka ang bait ng Babe ko hindi ako matitiis n'yan well 2 hours late lang naman ako pero kaya pa 'yan 5 hours nga kina-kaya n'ya
love naman ako n'yan kaya alam ko hindi yan magagalit sa akin.Pero lumipas ang ilang sandali hindi parin n'ya ako kini-kibo manlang kaya tumabi na ako sa kanya upang tanungin kung anong problema nito.
"Babe are you okay?" May problema ba tayo??" tanong ko pa. malamang may problema ito pag ganitong hindi ako kinikibo ng lalaking 'to ay may dinadala itong mabigat."Trix, kailan ba ako magiging una sayo?" Agad nitong tanong sa akin kaya medyo kinabahan ako kasi naman Babe ang endearment namin pero bigla nalang akong tatawagin sa pangalan ko. Nakaka pagtaka lang hindi ba?
" Ano ka ba babe you're my first sa lahat nakalimutan mo na ba ?"Natatawang tugon ko nalang kunwari sa kanya baka sakaling mag iba ang kanyang mood.
"Alam mong hindi 'yun ang ibig kong sabihin Trixie so stop playing around!" Pagalit nitong saad sa akin kaya talagang kabang-kaba na ako ngayon. Kaba is real na talaga pag ganitong galit si boyfie.
"Ano nga kasi bakit hindi mo kasi ako diretsuhin? Bigla ka nalang nagagalit d'yan. Nagsorry naman ako ah?" Bulyaw kong tanong nalang sa kanya dahil sa inis ko. Ayaw ko pa naman yung susungitan ako bigla.
"Kelan ba ako magiging una sayo 'yung mapapasama sa mga priority mo? Sabi mo mahal mo ako pero bakit ganito Trix mas inuuna mo parin sila o yung ibang bagay kaysa sa akin ano ba talaga ako sayo? paghihintayin mo nalang ba ako palagi huh? Sakin Trix alam na alam mong ikaw ang nag iisa sa puso ko bukod sa parents at kapatid ko, ikaw ang inuuna ko palagi pero bakit ako Trix palagi mo nalang pinag hihintay palagi nalang ba akong huli sayo? Sa tuwing may dates tayo kung hindi mo ako sisiputin dahil may biglaang lakad kayo o may over time ka late ka naman ng ilang oras tapos after ko maghintay sayo tama lang yung 30 mins sa ating dalawa kailangan na kitang ihatid kasi pagod kana!" Sunud-sunod na hinaing nito sa akin hindi ko alam ito pala yung mabigat na dinaramdam nya.
'Trix naranasan kong maghintay ng 5 hours dito mismo sa kaka-hintay lang sayo naranasan kong magutom kasi gusto ko sabay tayong kakain dalawa pero hindi mo ata napansin 'yun sa sobrang busy mo eh? Ganoon na ba talaga ka hectic 'yang schedules mo at hindi mona ako maisingit manlang ?" Nakikinig lang ako sa kanya kasi alam kong tama s'ya alam kong may punto ang lahat ng mga sinabi n'ya at wala akong naihandang paliwanag para rito kaya hindi ko maipagtanggol ang sarili ko parang 'yung kaba ko kanina may kapupuntahan at natatakot ako sa kahihinatnan ng mga sinasabi n'ya sa akin ngayon na para bang may ipina-pahiwatig itong 'di maganda.
"Trixie Do you still Love Me? Kasi kung Oo bakit ganito hindi na kita maramdaman eh! O baka naman kahit na kailan hindi mo talaga ako minahal Trix?" Parang may sumisipa sa dibdib ko sa mga salitang binibigkas nito. Nagsimula ng manubig ang mga mata ko kaya medyo napayuko ako.
"Ayan iiyakan mo nanaman ako Trix tinatanong lang naman kita kasi naman nasasaktan din ako. 'yung puso kong ipinagkatiwala ko sayo ng dalawang taon parang pinipira-piraso mona eh sa pamba-balewala mo sa akin!" Litanya pa nito.tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko.
"I'm sorry sa lahat ng nagawa ko Babe I Love You and i really do kaso may mga pagkakataon lang talaga na hindi ko maiwan katulad nalang nang studies ko ang trabaho ko Nixon may pamilya akong sinusuportahan hindi naman kami mayaman katulad n'yo eh!" Paliwanag ko rito na mukhang kahit kailan hinding-hindi n'ya maiintindihan.
"Ayan tayo sa mga pagkakataon na ganyan na gan'to naman. Trix napapagod din naman ako maghintay sayo nasasaktan din ako na mas inuuna mo sila kaysa sa akin nandu'n na tayo sa parteng working student ka at sinusuportahan mo ang Pamilya mo ang akin lang naman ay 'yung sana lang mabigyan mo rin ako ng kahit kaunti mong oras!" Madiin parin nitong turan sa akin na humi- himay sa kaloob-looban ko.
"So napapagod kana sa akin Nixon? Ganoon nalang ba yon? Ganoon mo nalang ba isusuko ang lahat ng mga pinagsamahan natin?" Umiiyak kong tanong sa kanya.
"Oo Trix siguro we need time to rest, we need space baka sa pagkakataong ito malaman natin ang mga pagkakamali ng bawat isa!" Tugon nito ni hindi n'ya ako matignan sa aking mga mata dahil sobra na ang luha ko.
"Mahal kita Babe huwag naman ganito oh? Aayusin ko yung mga pagkaka-mali but please don't do this to me?" Maka-awa ko pa.
"I'm sorry Trix pero sa tingin ko kailangan natin pareho ito lalo kana. mahal kita pero parang ayaw na magwork nang relationship na ito kasi 'yung isa sa atin hindi na nagbibigay pahalaga, sana maunawaan mo na kailangan din natin magkahiwalay para malaman natin ang halaga ng pagmamahalan nang dalawang tao. Sa isang relasyon kasi hindi lang sapat ang mga salitang Mahal kita dahil kailangan din nito ng trust, time and effort!" Hinawakan n'ya ako sa pisngi habang nagpapa-alam s'ya sa akin
"Yun kasi ang kulang Trix yun ang wala ka! I Love you but we both need this hindi para magka sakitan pa pero para matuto tayo." Daig kopa ang sinasaksak ng punyal sa puso sa sakit nang nararamdaman ko ngayon.
Dali-dali na itong tumayo at nag-wan ng pera sa mesa bago ako iwan mag isa kung saan n'ya ako unang minahal pinasaya ro'n n'ya rin ako iniwan ng wasak na wasak ang puso. kung sanang pwede ko pa maibalik ang oras aayusin ko na talaga kaso mukhang pagod na talaga s'ya sa akin. Ganoon ba ang pag ibig nakaka pagod na? Nakaka-pagod ba akong mahalin?
Hindi naba pwedeng ayusin bigyan man lang nang pagkakataon kahit isa nalang aayusin ko na talaga huwag lang gan'to na parang sa pag alis n'ya ngayon katapusan na rin ng mundo ko.
BINABASA MO ANG
BACK TO ME
ChickLitHighest Rank: #87 in Chicklit 5/09/17 Sawi series#2 [Trixie] KAPAG nagmahal ka pahalagahan mo, Huwag na huwag mong hahayaan maagaw pa ng iba ang Taong pinaka mamahal mo dahil kapag binitawan ka nito sa mismong kapabayaan mo baka ikaw mismo ang umuwi...