Chapter Two

44 17 25
                                    

HINDI Ako maka-paniwalang iniwan na ako ni Nixon. Akala ko talaga isang malaking biro itong nagaganap sa akin. Na hindi n'ya magagawa ang iwanan ako mag isa,
pero ano itong nangyayari ngayon? Panaginip ko lang ba ito o imahinasyon? sana naman may gumising sa akin at isampal sa akin ang katotohanan na wala na s'ya dahil ayoko nitong nararamdaman ko ngayon.
Masakit sobrang sakit na kung maari lang ay wala nalang ganito na sana ay hindi na lamang totoo.

Nang muli akong dumilat ay napansin kong nandito parin ako ngayon sa Resto kung saan n'ya ako mismo iniwan. Halos isang oras narin buhat ng umalis sya at iwan ako dito. kailangan kona lang ba tanggapin na iniwan na nya ako o  hihintayin ko parin s'ya kahit mag mukha na akong tanga ?

Gustung gusto ko syang habulin at mag maka-awa na huwag n'ya akong iwan, pero wala akong lakas ngayon para gawin pa iyon dahil pakiramdam ko lugmuk na lugmok na ako, nanghihina ako ngayon ni walang lakas ang tuhod ko para tumayo. Hindi ko narin mapigilan ang pag-alpas ng mga luha ko kanina pa itong lintik na luhang ito sa kakatulo at nakaka-inis na.
Halos pinag titinginan na ako nang lahat ng mga tao sa loob nitong Resto mababakas ang awa nila sa akin pero wala akong paki-alam kaawaan man nila ako o husgahan basta ako iiyak ko lang itong sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya kahit walang lakas ay pinilit ko parin kunin ito sa aking bag sa pag-aakalang si Nixon ang tumatawag.
Umasa ako'ng babalikan nya parin ako rito sa mismong lugar na pinag-iwanan nya sa akin. Subalit ng tingnan ko kung sino ang tumatawag ay dali-dali ko parin itong sinagot.

"H-hello?" Sagot ko sa tawag ni Jhaz isa sa matalik kong kaibigan.

"Nasaan ka bes naka uwi kanaba? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo ah! Bakit hindi mo sinasagot at bakit ganyan ang boses mo? Ano ba sumagot ka kaya pinag aalala mo ako eh!" Sunud sunod nitong tanong sa akin na nababahala. Patuloy lang sa pagdaloy ang luha ko habang nakikinig sa boses ng kaibigan ko.

"Nandito ako sa R-Resto k-kung san kami madalas ni N-Nixon." Garalgal ang tinig kong turan dito. Halos hindi ko mabigkas ang pangalan nya dahil pakiramdam ko hinihimay ang puso ko.

Maya-maya nakita ko nalang ang mga kaibigan kong huma hangos papasok sa pintuan nitong Resto at dali-dali akong niyakap.
Pakiramdam ko parang gripo ang mga mata ko dahil tuluy tuloy lang sa pag agos ang mga luha ko.

"Anong nangyari?" Halos magka panabay na tanong ni Jhaz at Rica. Gusto ko sanang biruin sila ngayon kaso hindi ko talaga kaya.

"W-wala na kami-i ni Nixon iniwan na nya ko!" Sabay hagulgol muli dahil hindi ko talaga mapigilan ang sakit na.

'Halika na uwi na tayo!" Seryosong tugon ni Jhaz.
Kaya inakay na nila ako palabas ng Resto.

"Sa bahay kona muna kayo Matulog ngayong gabi kailangan natin pag usapan ito." Malumanay na turan muli ni Jhaz. Si Rica tuloy lang ang paghagod sa likuran ko para pakalmahin ako.
Agad din kami nakarating sa bahay ni Jhaz tumigil narin ako sa pag iyak pero hindi parin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.

"Anong nangyari Trix?" Seryosong tanong ni Jhaz ng makapasok na kami sa kwarto nito.

"Kanina lang bago tayo magkahiwa-hiwalay ayos kapa ah? Ano ipapatokhang  naba namin si Nixon o ipapa salvage nalang?" Bigla namang tanong din ni Rica kaya napatingin ako rito ng masama.

"Joke lang ito naman hindi kana mabiro. porke nasaktan bawal na biruin gano'n naba yon ngayon? Grabe naman pala." Gusto kong tumawa pero parang ang hirap ata.

"Iniwan na nya ko girls." Malungkot kong turan.
"Ayaw na nya sa akin girls hindi na niya ako mahal." Muli nanaman akong umiyak

Dali-dali naman akong niyakap ng dalawa kaya napa hagul-gol lang ako. Gusto kong iiyak ito para kahit papaano mabawasan manlang ang sakit na nararamdaman ko.

"Kaya mo yan bes si Nixon lang ang nawala pero kami forever ng nasa tabi mo." Seryoso ng turan ni Rica.

Thankful ako dahil meron akong mga kaibigan na masasandalan. Niyakap kolang sila ng mahigpit para kahit umiiyak ako ay maramdaman parin nilang nagpapasalamat ako dahil nandito sila sa tabi ko ngayon.

"We love you Trix huwag mo masyado papahirapan ang sarili mo dahil lang sa iniwan ka nya. nandito lang kami for you di ka namin iiwan." Pang aalo ni jhaz.

"If he really loves you kahit sobrang busy mo at minsanan lang kayo kung magkita ay hindi dahilan yon para mapagod sya at iwan ka nya. May mga tao lang talagang gusto ng space at enough time to think hayaan mo nalang muna kung kayo nga ang para sa isa't isa edi kayo talaga tadhana na ang huhusga para sa inyong dalawa." Dagdag pa ni jhaz medyo kumalma narin ako sa mga sinabi nito.

"Oh paano shot na this? Teka tingnan ko sa ref mo Jhaz kung merong beer uhaw na uhaw na ko sa mga ganapan dito eh." Wika pa ni Rica at dalian na ngang lumabas ng kwarto ni Jhaz at tumungo sa kusina.

Sana bukas maisip ni Nixon na hindi nya dapat ako iniwan dahl handa akong bumawi sa mga pagkukulang ko sa kanya handa kong ituwid ang mga pagkakamali ko dahil mahal na mahal ko ang taong nanakit ng sobra sa akin ngayon. I Love him more than anything else at handa ko nang patunayan yon kung mayroon pang chance na natitira para sa aming dalawa.

BACK TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon