Chapter Five

22 6 3
                                    

Dahil uso ang sakit ngayon(basag puso💔💔💔) kailangan kong ilabas 'to 😂😂😂✌✌✌ paumanhin sa matagal na paghihintay  😊😊😊

....

Iyak lang ako ng iyak, Matapos kong kantahin ang song number ko at nagmadali na akong pumasok sa ladies room nitong bar upang doon ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. 
tila ba kusang nagbalik lahat ng ala-ala naming dalawa. simula sa una naming pagkikita hanggang sa huling araw na sinabi niyang mahal na mahal niya ako pero pagod na siya. Masakit parin talaga dahil pakiramdam ko wasak na wasak ang puso ko ngayon.

Akala ko naman magkaka-ayos pa kami, akala ko pwede pang subukan akala ko lang pala 'yon. Dahil  'yung akala kong mahal na mahal n'ya ako ay isang kasinungalingan lang pala.

Bakit, ano ba ang wala sa akin na kailangan n'ya pang hanapin sa iba?
Ako parin ba ang may pagkukulang kung siya mismo ang hindi  makontento?
I can do better, i'll do anything and everything just to make him happy.  pero wala hinanap n'ya parin sa iba.
Hindi ko makuha ang point niya na kaya siya nakipag-hiwalay sa akin ay dahil hindi kona siya mabigyan ng oras pero ang totoo kaya siya nakipag-hiwalay ay dahil hindi na ako sasapat pa.
Sinisi ko pa naman ang aking sarili kaya niya ko iniwan pero mali pala ang ginawa ko.

Unfair? Oo napaka-unfair niya. Kaya nga ko nandito sa bar ngayon para kahit papano e, malimutan ko siya.
Subalit parang nanadya naman yata ang tadhana. Dahil paglabas ko ng C.R ay siya namang salubong ko sa nag-haharutang mga nilalang na ang sakit sa mata tila ba siyang-siya pa sila at walang paki-alam sa mundo. napahinto naman ako sa aking kinatatayuan nang matitigan ko ang lalaking kilalang kilala ko.
Mukhang nakilala rin ako nito agad dahil napahinto rin ito sa pakikipag harutan sa babaeng kasama niya. At sa pagkakataong iyon ay napatingin narin sa akin ang babae na kumapit na parang tuko sa lalking katabi nito.

"Oh, ikaw 'yung pumunta sa condo ni Nixon, am i right?" Turan nito na may bahid ng landi sa kanyang tinig.

"So are you stalking him?" Dugtong pa nito.

Napa-irap naman ako sa sinabi nito.
Tiningnan ko lamang siya nang masama at iniwas kona rin agad dahil ayokong mapansin nito ang mugto kong mata. Pasalamat ka wala ako sa mood ngayong gabi kung nagkataon sinapak kona 'yang pagmumukha mo. Bulong ko na lamang sa aking isipan.
Niyakap at hinalikan pa nito si Nixon bago pumasok sa loob ng ladies room.

"Wait me here, Baby!" Anang natural na malanding babae.

Dali-dali ko nalang nilagpasan si Nixon upang hindi na ako lalong magpuyos oa sa galit.
Pero lintik naman, may humablot pa sa braso ko kung kailan nagmamadali akong lumabas.

"Wait, Trix!" Anang baritono nitong tinig na sobrang namiss kona nang sobra.

"Can we talk?" Dalian ko naman pinagpag ang kamay nitong nakahawak sa braso ko at muling bumaling dito.

"For what? Para ipamukha sakin na may iba kana? Para paulit-ulit ipa-alala sakin na hindi ako deserving?" Gusto kong maiyak habang kaharap ko siya ngayon o any moment maaring bumagsak ang luha ko dahil kaharap ko siya.

"Ang lakas mo rin maka-gago, ano? Kaka-break mo lang sakin . Wala pang 24 hours pinalitan mona ako agad? Ganyan ka ba talaga ka selfish? Ni hindi mo man lang inisip na hindi pa ako pumapayag sa supposedly break up natin dalawa naghanap kana agad ng iba?! Hindi mo manlang ako inisip  kung handa na ba akong pakawalan ka? Hindi ka man lang nabahala sa kung ano mararamdaman ko kasi wala kang paki-alam!?" Wala na tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Sobrang bigat lalo pa ngayon na kaharap ko siya.

"No. hindi gano'n, trix! Di'ba ipinaliwanag kona sa'yo ang lahat na hindi ko sinasadya? I love you! Ikaw ang mahal ko. One night stand lang 'yung nangyare samin ni---" hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nito sapagkat nawindang na siya sa sumunod na naganap. isang sampal ang umigkas sa pisngi ni Nixon at hindi sa akin 'yon nanggaling kundi sa babaeng kasama nito kani-kanina lang.  Nakalabas na pala ito sa ladies room kaya naman naabutan niya ang aming munting talakayan at mukhang nag-aalburoto na ito sa galit. 'Yung kaninang luha ko na hindi ko mapigilan sa pag-agos ay parang kusa nalang huminto para bang gusto kong matawa sa dalawang kaharap ko ngayon.

"How dare you,Nixon! Paano mo nasasabi ang lahat ng iyan kung sa bawat ungol mo pangalan ko ang binibigkas mo?!!" Tila naman natilihan ako sa mga narinig ko. 'Ako lang pala ang mahal,ah!?' Lintik nagpupuyos ang damdamin ko ngayon gusto ko nang tumakbo palayo pero ang mga paa ko walang lakas para makisama at sundin ang iniuutos ko.
Bigla nalang akong hinarap nito at pinagduduro.

"And who do you think you are?  The stalker Ex-Girlfriend,
na habol ng habol kay Nixon!?
Miss, May i remind you na wala nang kayo, kaya huwag kanang umapela pa! At gusto kolang din linawin sa'yo na matagal kanang niloloko ng gago na ito kaya kung ako sa'yo hinding hindi ako maniniwala sa mga pinagsasabi niyan!" Isa pang hirit nito bago barahin ni Nixon.

"Will you please,  shut the f*ck up? I love her And yes i only used you!"  Singhal ni Nixon sa babae.
Pakiramdam ko matutumba na ko sa kinatatayuan ko ngayon. Parang bigla nalang namanhid ang puso ko sa naririnig ko. Para namang nawala lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon kay Nixon. Hindi kona maintindihan pa ang dapat kong maramdaman.

"W-what???
Do you want me to stop, huh?! Why, dahil totoo, Nixon? Fine! Pero tandaan mo 'to ninyong dalawa na hinding hindi kayo magkakabalikan. Dahil hindi ako papayag!!"  Anito na may pagbabanta bago nagmartsa paalis. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko. Kung matutuwa ba ako dahil hindi n'ya sinundan ang babaeng iyon at sa pambabara nito, O masasaktan dahil sa mga narinig ko?

" Sorry Trix, di'ko sinasadya sorry sa mga sinabi n'ya hindi totoo 'yon.
Mahal na mahal kita 'yan ang totoo!" Determinado nitong saad bago ako yakapin ng mahigpit.
Aaminin ko namiss ko itong yakap niya sa akin pero dapat ba akong maniwala rito kung harap-harapan na akong pinag mumukhang tanga?

"I love you Babe, please patawarin mo ako? Ayusin natin, please please??" Ramdam ko ang sakit sa tinig nito na talagang nag mamaka-awa na.
Napa-hagulhol narin ako dahil hindi kona talaga kaya pang tikisin itong nadarama ko. Mahal ko ang taong ito at siya lamang ang paniniwalaan ko. Kaya naman ginantihan ko rin ito ng yakap. Tuluyan nang naglaho ang galit ko sa kanya ng maramdaman ko ang pag-hikbi nito yakap-yakap namin ang isa't at nag-iiyakan.

"Gusto kong ibalik 'yung dating tayo Trix, maari ba?  I came here just to say how sorry i'am,
noong sinaktan kita doble ang pagsisisi ko no'n kaya nagkanda-loko loko ang sitwasyon ko. Sorry about that babe?" Madamdamin nitong turan sa akin. Pinakikinggan ko lamang ito dahil gusto kong marinig kanyang paliwanag.

" Hindi mo ako nakita kanina dahil nasa sulok ako pero ikaw kitang-kita kita, narinig ko rin ang pagkanta mo. The way you sung that song talagang tumatagos, babe. Ramdam na ramdam kita. nasa stage ka palang gusto ko nang lumapit sa'yo para punasan ang luha mo at para yakapin ka nang mahigpit pero ayokong sirain ang number mo kaya hinintay kong matapos ka.
Kaso may umeksena pa kaya nang susundan sana kita ay hinarang naman ako ni Beth at 'yun nga yung tagpong naabutan mo kanina.
I'm so sorry Babe hindi ko talaga sinasadyang saktan ka." Muling saad nito habang yakap-yakap ako nang napaka-higpit.
Tango lang ang tugon ko rito. Dahil hindi pa rin maampat ang luha ko at ayaw parin kumalma ng puso ko hanggang ngayon.
Gusto ko munang magpahinga sa bisig nito dahil sobra ko siyang na-miss. sasamantalahin kona muna itong pagkakataong itong magka-yakap kami.

"I Love you too, Babe." Mga salitang lumabas sa aking bibig nang hindi kona mapigilan pa. Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit nitong yakap sa akin.
Sana ganito nalang kami na wala ng mang-iiwan at wala ng maiiwanan pa.

...

A/N: aayusin ko pa lahat ng mga stories ko para kahit dito manlang may maayos ako.😂😂 chos.
Kung may reklamo kayo maari'y magkomento lamang po  tatanggapin ko 'yan 😊😊😊

minsan kasi 'yung akala natin ayos na marami pa palang mali at kulang kaya ang siste pumapangit. parang relasyon din yan na kapag nasira na mahirap ng ayusin pa lalo na't ikaw talaga ang nagkulang...😂😂😂💔💔💔

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BACK TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon