Chapter 4

29K 343 30
                                    



Kreanne's POV

Hindi naman siguro masamang sundin ang kaibigan, di ba? Kaya heto ang suot ko ngayon ang sleeping dress na ang igsi-igsi pero syempre nag-shorts ako kaso maigsi rin.

Gabi na nga naman kaya pumunta na ako sa higaan ko at nahiga na. Matutulog na sana ako nang may maranig akong nabasag. Agad naman akong lumabas ng kwarto at tinignan kung saan nanggaling 'yong tunog.

Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si Mathew na natataranta habang nililinis 'yong nabasag na vase. Halatang inis na inis siya. Kanina lang nagalit pa siya sa akin na careless, tignan mo nga naman kung sinong mas tanga sa'ming dalawa.

"Aray!" Daing niya kaya agad naman ako lumapit sa kanya at may dugo. Hinawakan ko ang daliri niya at pinisil para malabas ang bubog. Naalala ko kung ano ang ginawa niya kanina sa garden kaya agad ko rin sinipsip ang daliri niya. 


Mathew's POV

Kakain sana ako dahil gutom na gutom na ako pero itong lintik na vase nahulog. Natamaad ng siko ko pagkainat ko. Hindi ko malaman kung sinong naglagay niyan sa gilid ng lamesa. Sino ba namang tanga ang maglalagay ng vase gilid kung saan mas madaling matamaan. Putris na yan kailangan ko pa tuloy linisin.

Habang linilinis ko 'yong nabasag na vase, nabubog ang daliri ko pero nagulat ako nang lumapit sa'kin si Kreanne na naka sleeping dress na ang igsi-igsi. Pinisil niya ang daliri ko atsaka sinipsip. Tang-ina naman oh. Ang alam ko kanina ang lamig pa. Bakit ngayon ang init na? Ughhh!

"Kreanne. Tama na. Lilinisin ko pa 'to." sinabi ko bago hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Dali-dali kong dinakot ang mga bubog. Kailangan kong malibang para hindi malalaswang imahe niya ang pumasok sa isip ko. Unti-unti na akong nahihirapan kontrolin ang sarili ko. 

"Matulog ka na ha. Baka may mabasag ka pa ulit." Pagpapaalala sa'kin ni Kreanne bago siya magmadaling umakyat at pumasok sa kwarto niya.

Matapos kong kumain, pumanik na rin ako sa kwarto ko. Gusto ko ng matulog pero gising na gising pa ang junjun ko. Hindi ko malaman kay Kreanne kung bakit kailangan niya pang magsuot ng ganoong dress sa harap ako samantalang hindi naman niya ako hahayaan na maka-score sa kaniya. Palibhasa kasi hindi niya alam kung anong hirap ang dinaranas ko ngayon.


Kreanne's POV

Wala na akong ibang ginawa buong araw kundi ang tumakbo palayo kay Mathew. Lagi na lang akong nagkukulong dito sa kwarto ko. Hindi ko malaman kung bakit bigla-bigla na lang nagbago ang tingin niya sa'kin porke nagpalit ako ng way nang pananamit.

Hindi pa rin ako makatulog kahit halos isang oras na akong nakahiga dito sa kama. Hindi ko na alam kung anong klase pa ng pwesto ang kailangan kong gawin para lang makatulog na ako. Kanina pa akong pabaling-baling dito sa kama. Init na init ang katawan ko kahit na naka-aircon na ako at napakanipis na ng suot kong pantulog.

Narinig kong bumukas ang pinto. Gusto kong silipin kung sino pero alam ko naman sa sarili ko na si Mathew lang naman 'yon dahil kaming dalawa lang naman ang nasa bahay.

"Bakit nandito ka sa kwarto ko?" tanong ko sa kanya at bahagyang bumaling sa kanya. Nakita ko ang medyo pagnginig ng kamay niya bago niya iyon itinago sa bulsa ng shorts na suot niya. Aminin ko man o hindi, ang macho ng asawa ko lalo na't shorts at sando lang ang suot niya ngayon.

"Asawa kita kaya pwede akong pumasok dito sa kwarto mo." sagot niyang napakayabang. Ito talaga ang ugali niyang ayaw ko. Akala mo siya lang ang may karapatan sa napakaraming bagay.

My Nasty HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon