Chapter 9

26.5K 297 45
                                    



Kreanne's POV

Napalanghap ako ng malalim na hininga bago humikap at nag-inat-inat sa kama. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita si Mathew na kalalabas lang ng banyo. Kitang-kita ko ang pagpatak ng tubig mula sa buhok niya papunta sa matipuno niyang katawan. Mukhang masarap ang pagiging almusal ko ngayon ah.

"Ayaw ko." naputol ang pagpapantasya ko sa asawa ko nang marinig ko ang sinabi niya. Nasabi ko ba ng malakas ang nasa isip ko? Nakakahiya! Gusto ko na lang na lamunin ng lupa. "Mag-ayos ka na. Nakakadiri ka." pag-irap niya pa bago tuluyang pumunta sa harap ng closet at nagsuot ng damit.

"Bagong ligo ka lang ang arte mo na." Pagmamataray ko sa kanya at padabog na bumangon ng kama. Ang aga-aga, ang lakas manlait ng butihin kong asawa.

"Paanong hindi aarte eh ang dugyot mo kanina. Napuno ng laway mo 'yong damit ko, pati nga muta mo pinunas mo pa sa'kin." Naiinis niyang sinabi sa'kin habang tinitignan ako ng masama.

Shit. Masyado na ata ako naging kumportable na katabi siya matulog. Nakakahiya! Dalawang linggo pa lang kaming nagtatabi lagi matulog tapos ganito na agad ako sa kaniya. "Sinungaling!" sigaw ko sa kanya bago tumakbo papunta sa cr.

Agad-agad akong humarap sa salamin para makumpirma kung nagsasabi ba siya ng totoo at oo nga. May bakas pa ng tuyong laway sa baba ko at muta sa ilalim ng mga mata. Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon sa kanya.

Wala naman na akong mapapala kung magpapalamon ako sa pakiramdam ng kahihiyan kaya mas minabuti ko na lang maligo.

-


"Good morning Ate Igay!" Pagbati ko sa kanya nang makarating ako sa dining area. Naglilinis siya. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng dining area kaso...

"Good morning din. Kain ka na." Mahinahon at magalang na pagbati sa'kin ni Ate Igay.

"Nasaan po si Mathew?" Tanong ko.

"Nando'n sa garden, tapos na kumain. Tagal mo daw kasi bumaba." sabi sakin ni Ate Igay at pinagpatuloy na ang paglilinis.

"Ate Igay, sabayan mo na lang po ako kumain. Wala akong kasabay eh." Paghingi ko ng pabor sa kanya at binigyan siya ng nagmamakaawa mukha.

"Tapos na ako kumain. Pinakain na ako ni Sir Mathew. Sorry, Kre. Sige kain ka na." Paghingi niya ng paumanhin at umalis na. Bakit lagi nila akong iniiwan? Tadyakan ko sila eh. Huhu

Padabog akong umupo sa hapag-kainan. Hindi ko na inisip pa ang sama ng loob ko at nagsimula nang kumain. Hindi ko man inaasahan ay naparami ako ng kain. Pakiramdam ko gutom na gutom ako at matagal na hindi pinakain. 

Nagiging matakaw na ako. Baka mamaya tumaba ako.


Mathew's POV

Natatawa ako kay Kreanne habang kinukuhanan siya ng litrato habang kumakain. Napakalakas kumain ng babaeng 'yon. Hindi ko alam kung nakailang beses siyang kumain uli. Ang cute-cute niya rin habang nakalobo ang pisngi niya na puno ng pagkain.  Hindi ko akalain na simpleng ganito lang ay mapapangiti ako ng sobra.

Mukhang enjoy-enjoy niya ang pagiging mag-isa doon sa kusina. Sumasayaw-sayaw at humming pa habang naghuhugas ng mga ginamit niya sa pagkain niya. Matapos niyang maghugas ay lumabas na siya doon. Sinundan ko naman siya papasok ng bahay at nakita kong umakyat na siya pabalik ng kwarto namin.

Akala ko pa naman makukulit ko hindi pala. Ang boring dito sa bahay. Wala akong magawa at sumakto naman sa pag-ring ng cellphone ko.

"Oh gago bakit?" sagot ko nang makitang si Alfred ang caller.

My Nasty HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon