Chapter 6

27.4K 281 26
                                    



Pakiramdam ko ang init ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano pang iisipin ko dahil kanina pa hindi lumalabas si Mathew doon sa kwarto niya. Tinuloy niya kaya? Nakakahiya talaga. Ano kaya pakiramdam kung kami na gumagawa no'n? Gentle ba siya or rough? Shit.  Mahina kong tinuktok ang ulo ko para matigilan ako sa kaiisip ng mga ganoong bagay.

"Para kang pinagsakluban ng langit at lupa dyan. Kumain ka na." Bungad sa'kin ni Mathew. Umupo na siya sa upuan na katapat ko. Sinimulan na kaagad niyang kumain habang ako hawak-hawak lang ang kutsara't tinidor. Wala akong gana. "Gusto mo bang ako ang magpakain sa'yo?"

"Kakain ako mag-isa." sabi ko sa kanya at nagsimula ng kumain pero mabagal lang. Nang matapos na kaming kumain, hinugasan ko na lahat ng pinaggamitan namin at nilinis ang mesa. Ang magaling kong asawa hindi man lang ako magawang tulungan at nandoon na ka'gad sa sala, nakahilata.

Matapos kong maglinis sa kusina, dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Humiga ako sa kama pero sobrang init pa rin dahil sa mahina nga ang buga ng aircon at ang maliit kong electric fan dito ay ganoon din.

Lumabas ako ng kwarto na pawis na pawis. Pumunta ako ng garden para doon na lang magpalamig tutal malakas ang hangin ngayong araw. Humiga na ako sa duyan at ipinikit ang mata. Gusto ko na lang matulog ngayong araw.

"Aww!" daing ko nang mahulog ako. Tinignan ko kung sino ang naghulog sa akin at nakita ko ang demonyita.

"Nasaan si Mathew?" tanong niya na halatang masaya sa pagkakahulog ko. Napakasama talaga ng ugali nitong babae na 'to. Hindi ko alam ba't pa siya pumunta dito.

"Tanungin mo siya 'pag nakita mo." Nagtataray kong sabi habang inaayos ang sarili ko.

"Where's Mathew?" Taas kilay niyang tanong sa akin at mukhang iritado na. Pasalamat siya at mas matangkad siya sa akin dahil kung hindi, binugbog ko na siya.

Naglakad ako papasok ng bahay. "Mathew!" unang sigaw ko pero wala na siya sa sala kaya dumiretso na ako sa hagdan. "Nandito si Ex-dinosaur mo!" sigaw ko pa bago tuluyang pumasok sa kwarto ko. Ayaw ko nang makita pa ang babaeng 'yon. Baka lalo lang masira ang araw ko. Magtitiis na lang ako sa init ng kwarto ko.


Mathew's POV

Narinig ko ang sigaw ni Kreanne na nandito ang Ex-dinosaur ko. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang dinosaur.

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Lexine na nakaupo sa sofa. Bumaba ako ng hagdan para malapitan siya. Na-miss ko rin 'tong ex ko. Hindi ko alam kung paano niya ako napatawad sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya dati para pakasalan si Kreanne.

"Hello, Mathew!" bungad niya sa'kin nang makababa ako ng hagdan at niyakap ako. "Kamusta? Are you okay with the ugly duckling wife of yours? She's childish."

"I'm fine as always. How about you?" Tanong ko at umupo sa tabi niya. Ngumiti ako sa kanya ng matipid.

"I'm fine... like you." sagot niya at ngumiti pero hindi umabot sa mga mata niya.

"How are you and Alfred?" Tanong ko sa kanya pero bigla na lang siyang umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko bukod sa haplusin ang likod niya ng paulit-ulit. Hindi ako sanay mag-amo ng umiiyak. 

"Nakipag-break na ako kay Alfred." Humahagulgol na sabi niya. Siya ang nakipaghiwalay pero siya ang umiiyak?

"Bakit?"

"I saw him with her ex and it hurts. I hate both of them. I thought he loves me. Then, why did he just meet up with that freaking girl? I hate it." Paliwanag niya na hindi man lang tumigil sa pag-iyak.

My Nasty HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon