Chapter 12

25.5K 282 26
                                    




Mathew's POV

Hindi ko alam kung gaano na ba katagal si Kreanne sa cr. Kanina pa siya nagsabi na naiihi siya pero hanggang ngayon hindi pa rin nakakalabas. Hindi ko alam kung iniiwasan niya lang ba ako o tumatae na ba siya e.

"Kre, ang tagal mo naman diyan!" sigaw ko habang nakahiga sa kama niya. Nabuburyong na ako at wala akong magawa. Gustong-gusto ko na makita ang mukha niya habang inuungol ang pangalan ko.

"Hanggang gaano ka ba katagal dyan?" tanong ko at kumatok na sa pinto. "Kreanne!" pagtawag ko pa sa kanya dahil hindi naman niya ako sinasagot. Nilapat ko ang tenga ko sa pinto para marinig kung ano na bang ginagawa niya, pero walang ingay sa loob.

"Bukas 'yan!" sigaw niya mula sa loob kaya hindi na ako nagdalawang isip pang buksan ang pintuan. Tumambad sa'kin ang hubad na katawan ni Kre. 

"Sabayan mo akong maligo." at sa isang iglap, katabi na agad ako ni Kreanne sa ilalim ng shower.

"Kanina pa kita hinihintay, alam mo ba 'yon?" tanong ko sa kanya pero nginitian lang niya ako. Kumuha siya ng shampoo at inilagay 'yon sa buhok ko. Minasahe niya ang anit ko ko sinigurong lahat ng buhok ko ay malagyan ng shampoo.

Nakakabakla mang aminin pero kinilig ako sa ginawa niya. Napangiti na lang ako sa ginagawa niyang pag-shampoo sa buhok. Maingat niyang ginagawa na parang ayaw niya akong masaktan. Ginaya ko rin ang ginawa niya at shinampoohan ang buhok niya. Pero mas mahirap linisan ang buhok niya kaysa sa'kin.

Narinig ko ang bigla niyang pagtawa kaya nabaling ang atensyon ko sa mata niya. "Mahirap ba? Kunot na kunot na noo mo oh!" Natawa na lang din sa naging tawa ni Kre dahil totoong nahihirapan na akong ayusin ang pag-shampoo sa buhok niya.

"Ang haba na pala ng buhok mo." kumento ko habang patuloy na inaayos ang pag-shampoo ng buhok niya.

"Magbanlaw na tayo ng buhok." Nakangiting sabi niya at binuksan na ang shower. Matapos naming mag-shampoo ay nagsabon na kami ng katawan. "Talikod ko." utos niya sa akin na ginawa ko naman. Naramdaman ko ang marahan na paghilod niya sa likod ko. Nagpatuloy kami sa ginagawa namin na paliguan ang isa't isa.

Hindi ko alam na sa ganito kasimpleng paraan magiging kuntento na ako. Pakiramdam ko ang saya-saya ko kahit na ganito lang ang ginawa naming dalawa.



Kreanne's POV


"Mathew, pa'no kapag nabuntis ako?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos-haplos ang braso niya. Nakababad na lang kami ngayon sa bathtub. Nakasandal ang likod ko sa dibdib niya.

"Eh di may anak na tayo." maikling sagot niya pero natuwa ako. Akala ko hindi man lang niya ako sasagutin at ayaw niyang magkaanak kaming dalawa.

"Ilan gusto mo maging anak?"dagdag kong tanong sa kanya. First time naming makakapag-usap tungkol sa mga ganitong bagay.

"Dati ang gusto ko isa lang pero habang tumatagal, gusto ko nang tatlo. Ayaw ko kasing maranasan nilang malungkot dahil wala silang makalaro." mahinang sagot niya at binigyan ng halik ang batok ko.

"Pa'no kung hindi ko kaya ng tatlo?"

"Alam mo, ikaw pa rin naman ang masusunod dahil ikaw ang manganganak." medyo natatawang sinabi niya.

"Kung tatlo ang gusto mong anak, kulang tayo ng kwarto."

"Edi 'yong kwarto gawin nating kwarto ng magiging anak natin. May isa pa tayong guestroom, 'di ba? Ayun din kwarto na nila." Kumakabog ang puso ko ng malakas dahil di ko akalain na magiging sagot niya sa mga tanong ko.

"Naisip mo na ba kung anong pangalan ng mga magiging anak natin?"

"Gusto ko kung magkakaanak ako ng lalaki Mathew Jr. Pero kung babae, Kerrane para katunog ng Kreanne." Gusto kong maiyak sa sobrang saya. Di ko akalain na nag-isip na siya ng pangalan para sa magiging anak namin. 

"Kre, bakit?" tanong niya nang bigla akong humarap sa kanya.

"I love you, Mathew." tanging naisagot ko na lang at hinagkan na siya.

My Nasty HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon