Chapter 5

28.9K 307 16
                                    



Kreanne's POV

Nagulat ako sa biglang pagdating ng dalawa kong kaibigan. Lagot sila sa'kin! "Mga gaga!" bungad ko sa kanila pagkapasok namin sa kwarto ko. Pinapasok ko muna sila para hindi marinig ni Mathew ang mga pag-uusapan namin.

"Bakit gaga? Musta gabi niyo? Siguro nag-sex na kayo!" sabi ni Jenilyn na sinamahan pa ni Jeninai ng tawa. Para silang mga baliw. May saltik na ata sa utak.

"Lecheng pakana niyo. Sinuot ko yung sleeping dress na binili niyo pero nagshort ako ha. Don't get me wrong." sabi ko at pagtingin ko sa kanila. "Mga gaga talaga kayo!" naisigaw ko na lang bigla at hinampas ang cp ni Jenilyn. Videohan ba naman daw ako.

"My precious phone!" tapos tinignan niya ang cp niya at kunwaring nalungkot. "Video lang eh. Sige na kwento na." Sabi niya na nakabusangot at animo batang nakikinig kay Lola Basyang.

"So ayun nga, ang tagal kong nakahiga sa kama nang biglang pumasok si Mathew sa kwarto ko tapos tumabi sakin at---" Hindi ko na natapos yung kwento ko dahil umextra na ang kalandian nila.

"Wahhh! Tapos sunod nag-sex na kayo. Ilang beses nangyari? Ilang rounds?" Pagtitili ni Jeninai na may kasama pang patalon-talon effect sa kama.

"Omo." Tanging reaksyon ni Jenilyn.

"Gaga! Hindi! Patapusin niyo muna kasi kwento ko. Kagabi nagising ako ng 2:17 am ata? Basta kaninang madaling araw yun. Nakadantay siya sakin tapos nahawakan niya yung boo--" And then again, hindi ko na naman natapos yung sasabihin ko. Naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa mukha ko.

"Tapos ano? Hinubaran ka niya? Masarap ba sa pakiramdam? Ikaw na! Baka buntis ka na ah! Hahaha!" Singit ulit ng magkapatid sa'kin. At kunwari kinilig-kilig sila at nagi-imagine pa.

"Pwede ba? Patapusin niyo muna ako!" Naisigaw ko na lang dahil sa inis. Tumahimik naman silang dalawa. Wala ng umimik. "So ayun nga, nahawakan niya yung buba ko kaya napasigaw ako at pumunta sa sulok tapos lalabas na dapat ako ng kwarto nang hatakin niya ako at nahiga ako sa dibdib niya tapos nung ayaw ko pa

Pinagbantaan niya ako na hahalikan niya ako kaya natahimik ako tapos nung nakita kong tulog na siya. Medyo binababa ko yung katawan ko sa kama kaso bigla siyang nagising at ayun nahawakan niya yung pwet ko tapos speechless na ako.

Tapos nung nagising ako ng umaga. Hawak-hawak niya yung hita ko at nangyari na ang first kiss naming dalawa." Mabilisan kong kwento sa kanila saka nayuko at kinalikot ang kuko.

"WHAHAHAHA! MINANYAK KA NG ASAWA MO!" sabi nilang dalawa sakin na tawa ng tawa at may kasama pang hampas-hampas sa kama. Kulang na lang iluwa nila yung lungs nila at isuka ang vocal chords.

"Kaninang umaga rin. Habang nagluluto ako... hinawakan niya yung pwet ko ulit. Nakakaasar na lalaking 'yon." Sabi ko sa kanila at nagtakip pa ng mukha. Nakakahiya!

"Continue lang dapat ang landi. Malay mo sa susunod na buwan, buntis ka ng gaga ka." Tuwang-tuwang sabi ni Jenilyn na hindi pa tapos sa pagtawa. Hinampas ko nga ng unan. Ayun tumigil din. "Aray ko. Masakit yun ah!" Reklamo niya sa'kin at hinaplos pa ang face. Masakit? Ang lambot-lambot ng unan ko eh. O.A lang talaga.

"Kre! Ang init! Nakabukas ba yan aircon mo?" Reklamo ni Jeninai at nagpaypay pa gamit ang kamay niya in maarte way.

"Kagabi pa nga mainit eh. Pero lumamig naman kanina. Ewan ko! May problema na ata 'yang aircon ko. Siguro hindi pa nalilinis." Sabi ko habang nakatingin sa aircon.

"Kre, kailan ba huling nilinis 'yan?" tanong sakin ni Jeninai at halatang init na init na siya. 

Tinitigan ko yung aircon at iniisip kung kailan huling nalinisan. Hindi ko na kasi tanda eh. Ang tagal na rin no'n. Kailan nga ba 'yon? Taon na ba lumipas? Hindi ko talaga sure. "Hindi ko---"

My Nasty HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon