Chapter 8

26.7K 312 38
                                    



Kreanne's POV

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kakaiyak. Sobrang sama ng loob ko ngayon sa asawa ko. Siya na ang may kasalanan, siya pa may ganang magalit. Ganoon na lang kadali para sa kanya na masaktan ako.

Alam ko namang tanga ako at marupok pero sobra naman ata na pagbuhatan niya pa ako ng kamay. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang magtiis at ipaglaban 'tong pagmamahal ko sa kanya.

Bumangon ako ng kama at naghanap ng masusuot ko ngayong araw na 'to. Naiinitan ako. Hindi ko alam kung kailan ko pa mapapalinis 'tong aircon ko. Lagi ko na lang nakakalimutan itawag. 


Matapos kong maligo, lumabas na ako ng kwarto pero natigilan ako sa pagbaba. Nakita kong nasa baba ang nanay ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kung sakaling makita niya kami ni Mathew na galing sa magkaibang kwarto.

"Anak!" sigaw ni Mama galing sa sala. "Bakit magkaiba kayo ng kwarto?" Bungad na tanong niya. Napatingin ako sa kwarto ni Mathew na kalalabas lang at halatang bagong ligo rin.

"Ha?" pagpapanggap kong hindi narinig ang tanong niya kahit na rinig na rinig naman. Sinulyapan ko si Mathew at nakatingin naman na sa akin na para bang nagtatanong kung anong isasagot ko.

"Lumapit nga kayo sa'kin." utos ni mama sa'min. Hindi ko alam kung maglalakad pa ba ako o magtatago na lang ba sa kwarto ko. "Kreanne!" sigaw ni Mama nang hindi man lang ako gumalaw sa kinatatayuan ko habang si Mathew naglalakad na pababa ng hagdan.

Nag-aalangan akong sumunod at nagmano sa nanay ko. Nanlalagkit ang palad ko sa sobrang kaba. "So tell me, bakit kayo magkahiwalay ng kwarto?" masungit pa sa masungit na tanong ng nanay ko.

"Naligo lang po kami sa magkaibang cr." sagot ni Mathew habang nakayuko.

"Mag-asawa na kayo, 'di ba? Dapat sabay na kayong naliligo." 

"Ma! Syempre nakakahiya pa rin." pag-angal ko sa nanay kong nakapamaywang sa harap naming dalawa ni Mathew.

"Kreanne, kilala kita. Magsabi ka ng totoo sa'kin. Bakit kayo magkahiwalay ng kwarto?" Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kilalang-kilala ako ng nanay ko kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. 

"Ayaw niya kasing magkasama kami sa iisang kwarto lang." pabulong kong sagot at naramdaman ko ang pasimpleng pagsiko sa akin ni Mathew. 

"Ano?" sigaw ni Mama. "Mag-asawa ba talaga kayong dalawa? Magsama lang sa iisang kwarto, ayaw niyo pa? Nagkapag-sex na ba kayo?" naghe-hesterical na sinabi ni mama na parang nagra-rap na.

"Opo. Kagabi lang." agarang sagot ni Mathew para lang mapatunayan na nakapag-sex na nga talaga kami.

"Kagabi lang? First time niyo?" gulat na gulat na tanong ni Mama. "Kaya ba ganoon na lang ang lakad mo Kreanne?" at bumaling ng tingin sa akin si mama. Pakiramdam ko nag-iinit na ang buong mukha ko. Hindi ko naisip sa buong buhay ko na idi-discuss ko sa nanay ko ang sex life ko.

"Kreanne!"

"Ma, please. Nakakahiya." bulong ko sa kanya habang binabalingan ng tingin si Mathew na mukhang proud pang malaman ni Mama na nakapag-sex na kami.

"Hindi ko kayo bibigyan ng sustento para sa buwang 'to kung hindi niyo ako kakausapin ng maayos!" Oh shit. Pareho kaming dependent ni Mathew sa binibigay na pera ng magulang ko. Alam ko, alam ko. Hindi na kami bata pa para maging dependent sa mga magulang namin pero isa 'yon sa kondisyon nila. Magsusustento sila sa amin hanggang hindi pa kami nagkakaanak ni Mathew.

My Nasty HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon