Two

188 8 14
                                    

Complicated. 

Lourica.

Napahawak ako sa dulo ng lamesa ng bahagya akong mahilo. Alright, that's because of  the heavy rain last night.

"Ate, okay ka lang po?"

Napatingin ako kay Kayler na nakapasok na pala sa kusina. Nakasuot ito ng uniporme pang eskwela. Ngumiti ako sa kanya at iniabot ang baon niya na naihanda ko kanina.

"Okay lang ako." Nakangiting sambit ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na puno ng pagaalala. My brother knows me too well and he always wants me to be honest with him.

Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. Alam kong sa akin siya humuhugot ng lakas kaya hindi ako pwedeng mahina.

"Okay lang si ate, Kayler." He sigh like an old man who's carrying a big burden on his back. Bahagya akong umiling. Hinalikan niya ako sa pisnge at tuluyan ng nagpaalam.

Nanghihina naman na umupo ako sa isa sa mga upuan bago ilang ulit na huminga ng malalim. Ipinagpatuloy ko ang pagaayos sa kusina, ang paghuhugas ng pinggan at ang pagluluto ng makakain nila. Natigil lang ako ng may mararahas na kalabog sa pinto.

"BUKSAN MO 'TONG PINTO! ANO BA?!"

Napalingon ako sa maliit naming pintuan na konti nalang ay bibigay na.

"Sandali lang po!"

Pinunasan ko ang kamay at nagmamadali na pumunta sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang lalaking amoy alak at sigarilyo. May ilang butas ang lumang damit niya.

"Papa." Akmang aalalayan ko siya ng marahas na iwaksi nito ang kamay ko.  I bit my lowerlip.

"Huwag.. huwag mo akong hahawakang malandi ka." Wala sa wisyong sambit nito sa akin.

"Pa, tara na po sa loob."

Sinubukan kong abutin ang braso niya para maalalayan siya pero noong oras na dumampi ang balat ko sa balat niya ay ang pagtulak nito sa akin palayo. Marahas, puno ng galit. Nanlilisik ang mata niya at nagbabanta na tumingin sa akin

Bahagya akong dumaing ng tumama ang tagiliran ko sa isang cabinet. Tiningnan ko si papa na masama ang tingin sa akin at pilit na tinutulungan ang sarili na makapasok sa bahay.

Isang klase ng tingin ng isang ama na hindi kinikilala ang anak.

Diniinan ko ang hawak sa tagiliran ko.

"Sabi ko naman sayo.. huwag mo akong hahawakan. Katulad ka ng nanay mo.. parehas malandi." Paulit ulit na bulong niya. Ilang ulit pa siyang natumba  bago siya tuluyang bumagsak sa isa sa mga lumang sofa.

"Malandi! Putangina!"

Hindi na ako nagsalita at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa. Pagkatapos ay tinungo ko ang kwarto ni mama bago nagpakawala ng ilang malalalim na buntong hininga.

"Ma?"

Kumatok ako ng tatlong beses bago tuluyan itong binuksan.  Maliit ang kwarto, may isang kama na sapat para sa isang tao at ang mga gamit at damit na nakasalansan sa iisang gilid. Nakita  ko si mama na nakaupo at natingin sa lapag.

"Ma, kakain na tayo.."  masuyo kong sambit pero nawala ang ngiti ko ng makita ang kalagayan nito.

"Ma!"

Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kanya at marahas na hinila ang palapulsuan niya at nakita ang mga bagong hiwa doon.

Sinubukan niyang hawiin ang kamay niya kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa braso niya.

"Ano bang iniiisip mo ma?" Itinulak niya ako ng malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. Itinago niya ang kamay sa likod. I stared at her for a couple of seconds before forcing a smile.

"Ma, hindi na ako magagalit.. l-lilinisan lang natin.." Her body relaxed as I softly held her hands.

Kumuha ako ng isang damit sa gilid at pinunasan ang ilang dugo dito. I harshly closed my fist when my hands doesn't stop trembling..

Naninikip ang dibdib ko. Lumunok ako ng ilang ulit bago tiningnan sa mata si mama.

Her loving eyes that once held mine was now replaced with blank emotion. Gone was those sweetest and glowing smile she make everytime she sees me..

Inayos ko ang buhok niya at inipit ang ilang hibla no'n sa likod ng tenga niya. Ngumiti ako kay mama.

"Ma, kain na tayo."

Tumango lang siya at sumama sa akin palabas ng kwarto. Pagkatapos niyang kumain ay kaagad ko siyang inayos para makatulog na.

Inayos ko ang pagkakakumot ni mama bago hinalikan siya sa noo. Bahagya kong hinaplos ang braso nitong may bago na namang mga hiwa. Ang peklat na patong patong.

"Ma, I love you.."

Ito yung mga panahong gusto kong hilingin sa Diyos na marinig ang iloveyou's  ni mama. Katulad ng dati.. noong kami pa ni Kayler ang rason kung bakit gustong-gusto niyang mabuhay.

I'm tired. Paano ko panghuhugutan ng lakas ang taong hinang hina na? I harshly bit my lowerlip at marahas na pinunasan ang traydor na luha na tumakas sa mata ko.

It was because of a realization I did almost three months now and up until now, I can't accept the fact that my mother wants to die.. she really wants to die.

×

Stop Over [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon