Seven

159 3 0
                                    

Dumbfounded.

Lourica.

"How do you want to be remember when you die?"

The whole class were silent. Napatitig ako sa philosophy professor namin na siyang naghihintay ng kung sino ang sasagot.

"When you die, they're not even going to address you properly. They won't call your name." Inilibot nito ang tingin sa amin.

"Ibaba na ang katawan. Kamusta na ang katawan. Yung patay kila ano. Pupunta kami sa patay. Your name will be replaced by the word body." She paused. "The question is, how do you want to be remembered when you die?"

"If you wanted to be remembered as a good person then be a good person. If you want to be remembered as a happy go lucky and positive person then be one. You can't force them to remember you the way you wanted. You can't force people to believe that you're a good person when you've been acting shit infront of them."

Ipinatong ko ang dalawang kamay sa binti ko bago huminga ng malalim. Napansin ko ang lalong pagtahimik ng klase. Walang nagsalita at lahat ay nakatutok sa susunod na sasabihin ng guro.

Yung ibang walang pakialam biglang umayos ng upo at makinig. It seems like they're guilty for something or, better yet, realization hits them.

"Live, as long as you can live. Nandyan lang naman si kamatayan. Nagaabang sa tabi-tabi." Nagtama ang tingin namin.

May malambing siyang ngiti. Parang isang assurance. "Here's a tip." Ibinaling na nito ang mata sa iba kong kaklase.

"Always be ready to die tomorrow so you would live today." Then the class were dismissed.

Hinintay ko muna na makalabas at umonti ang mga kaklase ko na nandito bago marahan na inayos ko ang mga gamit ko.

Eksaktong pagtayo ko ay ang pagsilip ng kilalang tao sa pinto ng classroom namin. Si Braison na may nakakalokong ngiti sa labi.

Sukbit nito sa balikat ang bagpack niya. Maayos ang pagkakahapit ng puting polo sa katawan niya. Naka brush-up ang buhok nito at sa itsura niya ngayon, parang kagagaling nito sa reporting.

It makes him stand out even more. He's a head turner.

"Hey." Humakbang ako papalapit.

"Choco?"

Iniabot niya sa akin ang isang paper cup kung saan may laman itong hot choco. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya.

Bahagyang nangingitim ang ibabang bahagi ng kanyang mga mata. Sa kabila ng malaking ngiti nito, kitang kita ko ang pagod sa mga mata niya.

"School's draining you?" Magkasabay na naglakad kami papuntang canteen.

"Medyo. Ikaw?"

"Sort of." Natatawang sagot ko.

Nakahanap kami ng pwesto sa canteen. Nang akmang tatayo na siya para mag order ay hinila ko siya paupo para pigilan siya sa gusto niyang gawin.

"Ako na. Okay?"

Nagdalawang isip pa siya pero tumango din kalaunan. Tinapik ko lang siya sa pisnge na siyang ikinasimangot niya.

Natawa naman ako sa itsura nito. Mabilis na nagorder ako ng pagkain naming dalawa para sa lunch time. Pagkatapos ay umupo ako sa upuan sa harap niya, pinagigitnaan kami ng lamesa.

"Kumain ka ng marami." Inayos ko ang mga pagkain sa lamesa. Ibinaba ko rin ang isang bottled water sa gilid nito. 

"Ikaw ang kailangang kumain ng marami. Nangangayayat ka. Grabe, Lourica. Higit tatlong araw lang tayong hindi nagkita pumayat ka na?" Sermon niya sa akin.

Stop Over [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon