It's you.
Lourica.
What to do? Hanggang ngayon ay nakatitig parin ako sa white envelope na dumating kanina. It was from a university that I applied to. Gusto kong mag college. Isa ito sa mga agenda na ginawa ko two weeks ago, nagapply sa iba't ibang universities baka sakaling makakuha ng scholarship.
Honestly, tumigil ako ng tatlong taon sa pagaaral. Dapat ay third year college na ako ngayon. It sucks.
"Ate? Ano yan?"
Nagangat ako ng tingin at nakita si Kayler na may hawak na isang basong tubig. I looked at him, he has the kind of-good-boy-look. From his clean cut hair, fair white skin, and a height not appropriate for a 16 years old boy. Matangkad siya para sa 16, habang ako napagiwanan. Life is unfair.
"You passed."
Nanlalaki ang mata na tumingin siya sa akin. Palaki ng palaki iyon kasabay ng bahagyang pamumula ng pisnge niya at ang pagangat ng dulo ng labi niya. Gwapo naman 'tong kapatid ko, I wonder kung may girlfriend na 'to.
"Ate, you passed!"
Kumunot ang noo ko. What?
"Ate, kailangan pa ba kitang buhusan ng malamig na tubig para maintindihan mo ang sinasabi ko?" Iwinagayway niya ang letter na laman ng envelope. Yung bagay na hindi ko man lang mabuksan kanina ay nasa kamay na niya.
"Huh?" Umirap siya sa akin at iniharap ang letter. Marami pang sinabi pero nakapako ang mata ko sa invitation na nagyaya sa akin na pumasok sa university na iyon.
"Eh?" I looked at Kayler. "Dapat masaya ka pero bakit umiiyak ka na?" I didn't know... mabilis na pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanya.
"Nakapasa si ate mo." Natawa siya sa sinabi ko bago umiling iling.
"Nakapasa ka din sa pa-scholar ni Kapitan. Two years free tuition sa mapipili mong course ate. May 25% off din sa misc. fee, pero tingin ko ay hindi padin sapat para sa gastusin araw-araw." Sunod-sunod na sambit niya.
"Kayler, may sapat na ipon ako para sa'tin. Kaya di mo na kailangang intindihin iyon."
Seryoso siyang tumingin sa akin bago inilapag ang envelope sa lamesa. Humila siya ng isang upuan at umupo doon, bale nasa harap ko siya at may lamesa sa pagitan namin.
"Bubugbugin mo na naman ang sarili mo sa pagta-trabaho ate? Alam mo naman na ma--" umiling ako dahilan para mapahinto siya.
"I'm okay. Okay ako at malakas. Kaya pagaaral mo dapat ang iniisip mo. Iyon na lang ang maipagmamalaki mo, Kayler.." umiwas siya ng tingin.
"Hayaan mo akong magtrabaho ate, tutulungan kita.." sinamaan ko siya ng tingin.
"Kayler, magaaral ka. Hindi ka magta-trabaho. Kung gusto mong makatulong, pagbutihin mo."
Inis na dinampot ko ang envelope at pumasok sa kwarto namin ni Kayler. Double deck, si Kayler ang nahihiga sa itaas habang ako naman sa ibaba.
Akmang hihiga ako sa kama ng may maalala. Hindi pa pala kumakain si mama. Lumabas ako ng kwarto pero napahinto din ng makitang nagtatawanan si Kayler at mama. Si Kayler ay nagku-kwento ng mga nangyari sa buong araw niya habang sinusubuan si mama.
Si mama naman ay minsan tumatawa at kapansin pansin na itinatago niya ang braso para hindi ito makita ni Kayler. She cares for Kayler and that's enough for me.
She talks to Kayler and that's enough. She smile for Kayler and that's enough. Atleast, bukod sa akin ay alam kong kinakapitan din ni Kayler si mama.
I harsly closed my eyes and suddenly, I clutch my chest. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang kwarto at kaagad na inilock iyon. Isinandal ko ang sarili sa likod ng pintuan.
Nagsimulang manlabo ang paningin ko. Five minutes.. it took me five minutes to finally hold and fixed myself. Bumuga ako ng hangin.
It's okay, Lourica.. it's okay. You're gonna survive. You're going to survive.
Monday came and I get myself ready for the university's briefing about the school's rules and regulation, laws and uniforms. I am able to met new students too, pero katulad ng ibang mga bagong istudyante, I felt left out.
May sari-sarili silang group of friends kung saan sila sila lang din ang nagku-kwentuhan. I smiled at the thought of my old friends way back in junior highschool. Kamusta na kaya ang mga iyon? Naalala kaya nila ako?
Nililibot ko ang tingin sa paligid ng tumigil ang mata ko sa isang pamilyar na bulto ng lalaki. He's wearing a white shirt and he seems so formal. Nakapaskil ang ngiti niya sa labi.
Halos mapaatras ako ng bigla siyang nagangat ng tingin at lumingon sa gawi ko. Naramdaman niya yata ang tingin ko sa kanya. Huli na para umiwas ng tingin.
His eyes locked into mine.. kumabog ng malakas ang dibdib ko. Everything became silent at parang bumagal ang ikot ng mundo. I can't move. I can't look a way.
He recognize me.. I know he recognize me because he's starting to step closer.. slightly closing our distance.
Tumigil siya sa harap ko, enough for me to get a hold with myself and to breath.
"Hi," he smiled. "It's you."
"Pwedi ko na bang malaman kung anong pangalan ni Miss Waiting?" Braison Ybanez..
I smiled as I raised my right hand asking for a shake hands.
"Lourica Bree, Mr. Kapote."
Nauwi sa pagtawa ang ngiti niya bago inabot ang kamay ko.
"Braison Ybanez, Miss Waiting."
I know that one single person could change your whole life. I'm not aware that I am able to met that person, too soon.
×
BINABASA MO ANG
Stop Over [REVISING]
Storie d'amoreZEMBLANITY #1 Lourica Bree considered herself halfdead. She has been living her life sorrounded by darkness not until she met Braison Ybanez. She never thought that one heavy rain along the empty and wet foggy streets where the sorroundings seems...