Six

142 4 0
                                    

Life

Lourica.

No matter what you're going through, someone has it worse.

I tend to believe on this saying for a couple of years, to console me, or to keep my self on fighting.

But now? I don't think it will work. Siguro, napagod na akong maniwala na kahit anong bigat na nararamdaman ko, may mga tao parin na mas malala ang pinagdadaanan.

I started questioning myself, why it has to be me?

Bumuga ako ng hangin bago muling tumingin kay Kayler na nakaupo sa pangatlong baitang ng hagdanan.

He's hugging his knees, eyes on the wall, and tears are kissing his cheeks. Suot parin nito ang uniform niya.

"Kyler.." nagangat siya ng tingin sa akin.

"A-ate, bakit?" Bahagyang kumunot ang noo ko. Humakbang ako papalapit sa kanya at wala sa sariling napatingin sa pinto ng kwarto ni mama.

"Nakita ko si mama, sinasaktan yung sarili niya. B-bakit?" Nahigit ko ang hininga.

"Alam mo ba ito ate? Bakit hindi mo siya pinipigilan?! Bakit hinahayaan mong saktan niya ang sarili niya?! Yan ba ang rason kung bakit palagi siyang nakakulong sa kwarto niya?" I closed my fist not being able to move.

He found out.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakatingin kay Kayler. Nanginginig ang mga kamay nito at namumutla ang labi.

Sinubukan kong magsalita pero umiling ito sa akin ng paulit-ulit. Marahas na pinunasan niya ang mukha bago umalis. Bumuga ako ng hangin.

Maingat at dahan-dahan akong pumunta sa kwarto ni mama. Naabutan ko siyang natutulog. Kapansin-pansin ang benda sa wrist nito. Siguro ay sinubukan ni Kayler na gamutin ang sugat niya.

Tahimik na umupo ako sa gilid ng kama ni mama. I wanted to recharged. Masyado akong nanghihina, hindi ko alam kung ano ba ang dahilan kung bakit parang wala na akong lakas.

Kayler found out about mom. The last thing that I wanted to happened. Gaano ba ako kasamang kapatid para hayaan na mangyari lahat ng ito?

Napahawak ako sa dibdib ko. Naninikip, sumasakit at kumikirot. That emotional pain you can feel physically.

"Ma, ano ng gagawin ko ngayon?" I whispered. "Kayler caught you. Bakit mo ba kailangang gawin to? Bakit kailangan mong saktan yung sarili mo? Gusto mo ba talagang mamatay? For what reason? We're still here.." humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

"I really hope that Kayler is enough reason for you to choose living."

Bahagya ko siyang hinalikan sa noo bago dumeretso sa kwarto ko. Pagod na ibinagsak ko ang katawan sa kamabat ipinatong ang braso sa mga mata.

I took out my phone ng magvibrate ito. It was a text from Braison asking if I'm already home. I gently pressed the call button.

"Lourica, miss mo na ako kaagad?" He laughed.

Wala sa sariling napangiti ako.

"Asa ka." My voice cracked. Tuloy tuloy sa pagtulo ang luha ko.

"That's savage." He tsked. "Anyway, may sasabihin ka? What happened? May masakit ba sayo?"

Lahat, masakit.

"Come on, Lourica. Tell me. May problema ka ba? O magpapaturo sa notes? May exam ka ulit?" Natawa ako sa mga sinabi niya. Umayos ako ng upo at pinunasan ang mukha ko.

Tumikhim ako ng ilang ulit.

"Wala. Busy ka?"

Let's talk some more. Gusto ko pang marinig yung boses mo. Gusto ko pang marinig yung tawa mo.

"Medyo. Tawag ulit ako mamaya, okay? May tatapusin lang ako."

"Sige. Pahinga ka ha?" I closed my eyes.

"Inom ka ng tubig. Pag di ako nakatawag, matulog ka na. Huwag magpupuyat. Okay?"

"Yes po." Braison laughed bago i-nend ang call. Napatitig ako sa screen ng cellphone ko bago ako humigit ng malalim na paghinga.

Kinuha ko sa drawer ko ang isang envelope. Paulit-ulit na binasa ko ang nakasulat sa papel. Mariing ipinikit ko ang mga mata.

"Okay, Lourica. Kaya mo yan." I smiled. Pinirmahan ko ang letter. Isa-submit ko na lang ito bukas.

Inipit ko sa isa sa mga notebook ko ang papel at inilagay iyon sa bag ko. Wala ng atrasan. Inabot ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang numero.

May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin mapipili. Halimbawa, ang mga magulang natin. Hindi natin pwedeng piliin kung sino ang magiging ama at ina natin. Kung anong lahi tayo maipapanganak.

O mga pangyayari na walang ibang option kundi sumuko o di kaya naman ay hayaan na mangyari ang mga dapat mangyayari.

Inihiga ko ang katawan sa kama at ipinikit ang mga mata. Hindi na bago sa akin na marinig ang pagiingay at pagwawala ni papa sa labas. Ang pagkabasag ng mga plato, ang sigaw at ang pagmumura nito.

Life is all about living. It's all about experiences. Life is all about laughters, smiles, jokes and cries. It's all about pain and on how you overcome difficult circumtances. Life is life.

But can you even call it life when you're barely breathing? Walang gana akong natawa ng may marealize.

It's wasn't death that suffocates us. It's life..

×

Stop Over [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon