Stranded.
Lourica.
It's raining hard. Hard enough to make the sorroundings a little foggy and blurry. The sorroundings are wet, too.
Mula sa mga puno na nagsasayaw sa paligid, sa streetlights, ang mga kabahayan. Niyakap ko ang bag ko at lalong sumiksik sa gilid. My breathing was ragged, marungis ang damit and I am soaked with rain.
Kasalukuyan akong stranded sa isang maliit at sira-sirang waiting shed. Walang sasakyan na dumadaan. Maybe because it's 9 pm and it's raining hard. Mariing ipinikit ko ang mga mata ng bumahing ako ng tatlong magkakasunod na beses.
Lord, patulong. Yumuko ako para tingnan yung sapatos kong marumi na at basang basa. Mas lalo kong niyakap ang sarili. Ilang ulit kong binugahan ng hininga ang mga palad ko, baka sakaling maibsan ang lamig na nararamdaman ko.
"Miss? Miss, okay ka lang?"
Nag angat ako ng tingin ng makita ang isang lalaki na balot na balot ng kapote. May hawak na malaking payong at bahagya niya iyong iginawi sa akin para kahit papaano ay hindi ako matalsikan ng malakas na pagulan. I really hope that it will lessen the cold.
"Miss?"
Lord, ito na po ba yung tulong na ibinigay ninyo?
Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa. Alam ko na makapal na jacket ang suot niya sa loob ng kapoteng iyon. Napangiwi ako ng muli akong bumahing.
"S-sorry.." mahinang sambit ko. I bit my lowerlip ng lalo akong ginawin. Pinayungan niya ako habang puno ng pagaalala ang mata niya. It's a bit surprising to see a complete stranger worry to me.
Base sa itsura niya, parang mas matanda siya sa akin ng isa hanggang dalawang taon.
"Saan ang inyo? Namumutla ka na, miss. Ihahatid na kita." Umiling ako.
"Hihintayin ko nalang siguro na tumila ang ulan." Ngumiti ako sa kanya. "Salamat."
Bumuga siya ng hangin at inilibot ang tingin sa paligid, like he's examining the sorroundings.
"Matagal pa bago tumila ang ulan, Miss." Dumako ang matiim na tingin niya sa akin. "Hindi ako masamang tao. Gusto ko lang tumulong."
Hindi ako umimik. Sino ba namang matinong babae ang sasama sa isang lalaki na nagaalok ng tulong at hindi mo kilala sa kalagitnaan ng gabi?
Huminga ako ng malalim. Kung hindi lang naman kasi mahaba ang pila sa bangko na iyon at kung hindi lang sana ako nakatulog kaninang tanghali sa labis na pagod ay hindi ako aabutan ng malakas na ulan at mai-stranded sa waiting shed na 'to.
In short, kasalanan ko pa rin.
"I'm a student at Trend University. Braison Ybanez. Here's my ID. Pwede mo akong sugurin do'n pag may ginawa akong masama sayo." Matagal na tiningnan ko siya.
"Paano kita susugurin do'n kung pinatay mo ako?" Amuse na tumingin siya sa akin at mahinang natawa.
"Multuhin mo ako." Nakangiti niyang sambit. Tiningnan ko siya na parang sira.
Sa tingin niya ba ay makakatulong yung mga ganuong biro sa ganitong sitwasyon? Oo na, cute siya. Matangkad, maputi. Pero hindi parin ako sasama sa kanya.
Umiwas ako ng tingin kahit gusto ko siyang titigan ng matagal. Shems, baka biglang matakot sa akin at baka ako pa ang pagisipan ng masama.
"Miss, seryoso. Ihahatid na kita."
Hindi ako umimik. Hindi naman na tumatalsik ang ulan sa pwesto namin kasi mahina na ito kumpara sa lakas niya kanina. Humina ang pagulan kahit konti.
"Kung ayaw mo, ito."
Iniabot niya sa akin ang payong. Pinanuod ko siyang hubarin ang kapote na suot niya, nanlaki ang mata ko ng sinunod niyang hubarin ang jacket niya.
"T-teka, anong ginagawa mo?"
Nagangat siya ng tingin pero itinuloy niya ang paghubad ng jacket niya. Bumungad sa akin ang itim niyang sando, shems. Hindi ako ready.
Umiwas ako ng tingin at muntik na kultusan ang sarili sa iniisip. Nagulat na lang ako ng isuot niya sa akin ang jacket niya bago muling isuot ang kapote sa sarili niya.
"Kung ayaw mong ihatid kita, sasamahan na lang kita dito hanggang sa makita ko na makaalis ka ng maayos."
He stood one feet away from me. Hindi ako nakaimik. Wala siyang ginawang kahit na ano sa akin, o hawakan man lang ako.
He just stood right there, next to me.. eyes on the wet and foggy road. Nagre-reflect nag ilaw ng streetlight sa mukha niya. Sa itim na itim at medyo magulo at basang buhok niya.
I should not let my guard down, I should not trust him.. I shouldn't trust a stranger's smile. I know, I shouldn't let him do this things but here I am, shamelessly admiring him who's watching the rain.
...and that's how I met him.
I never thought that one heavy rain could change everything.
×
BINABASA MO ANG
Stop Over [REVISING]
RomanceZEMBLANITY #1 Lourica Bree considered herself halfdead. She has been living her life sorrounded by darkness not until she met Braison Ybanez. She never thought that one heavy rain along the empty and wet foggy streets where the sorroundings seems...