Drunk

1.5K 57 2
                                    

"RJ, I love you too"

Hindi nya parin lubos ma-isip na mahal rin Maine si Richard akala ko hindi ganon kalalim ang pagtingin ng dalaga para sa kanya. Akala ni Richard na isang paghanga lang ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya.

Dahil sa gulo ng isip nya,iniwan nya si Maine  sa loob ng kwarto. Iniwan nyang  umiiyak sa loob at  pumunta sya sa lobby ng hotel. Don napansin ko ang batang nakilala namin sa aeroplano at sa buffet area. Linapitan ko ang bata.

"Angela?!"

"Hello po."

"Parang wala kang kasama at malungkot ka.?"

"Kasi po si Daddy iniwan ako dito sa hotel."

"Iniwan ka? San naman sya nagpunta?"

"Sabi nya sa akin may Emergency lang daw sa negosyo nya dito."

"Kelan pa sya nawawala."

"Kaninang umaga pa po."

Biglang naisip ni Richard ang ginawa ng kanilang ama sa kanilang mag-iina noong bata pa sya.

"Daddy, huwag nyo po kaming iwan".

"Kailangan ko Richard."

"Daddy!! Malulungkot ang Mommy pag-iniwan mo kami.".

"Richard, hindi malulungkot yun. Mas magiging masaya nga sya."

Naramdaman nya ang sakit na dinadamdam ng bata.

Mas naging malungkot ang buhay ni RJ simula noong iniwan sila na kanilang ama. Nagawa ito ng kanilang ama dahil nalaman nito na may ibang kinakasama ang kanilang ina. Nagkaroon din ng galit si Richard sa kanyang ina simula noong malaman nya ito na hanggang ngayon ay hindi parin nya natatanggal.

Naputol ang kanyang pag-iisip dahil nag-riring ang kanyang cellphone. Kinuha nya ito mula sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.

"Hello?!".

"Hello Richard.?!"

"Ma'am Celestine.?!"

"Yes ako nga. Ginagawa nyo ba ang project??!"

"Opo actually andito po kami sa isang tourist destination dito sa Batanes."

"Okay. Eh si Maine nasan sya.?"

"Ahhh.. Andito po."

"Paka-usap nga meron lang akong sasabihin."

"Ahhh... Busy po sya. Busy po."

"Sige, di bale nalang... Dapat maganda ang magiging resulta nito ha."

"Opo naman."

"I need the draft video that you shoot today. Gusto kong masend nyo sa akin mamayang gabi para maayos yung video kung may mali don."

"Sige po Ma'am."

"Bye."

"Bye".

Nataranta sya pagkatapos ng tawag. Agad syang nagpaalam sa batang kausap nya..

"Angela, dito ka lang sa hotel ha??! Wag kang aalis. Pagbalik ko dito at wala ka pang kasama pumunta ka dito or pumunta ka sa room namin. Room no. 239, okay??"

"Sige po. Salamat po bye."

"Bye."

Tumkbo sya papunta sa kanilang kwarto nila. Nadatnan nyang walang tao sa kanilang kwarto.

Tenerife SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon