Pain

1.4K 55 2
                                    

Pagkalabas nilang dalawa sa loob ng bar, agad nyang pinunta si Maine sa kabilang kwarto.

Agad nyang inhiga si Maine sa kama.

"Maine dito ka muna susunduin ko lang si Angela sa baba."

Hindi nya sinagot ang binata. Pagkalabas nya sa kwarto agad nya itong ni-lock para hindi makalabas ang lasing na dalaga.

Agad nyang pinuntahan si Angela sa lobby. Pagdating nya doon, nakita nya si James na pinipilit ang bata na sumama sa kanya.

"Baby, Halika na. Matulog na tayo sa kwarto."

"Ayoko."

"Sige na."

"Sir, wag nyo pong palos pilitin ang bata lalo na't lasing po kayo."

"Wag kang make-alam dito. At hindi ako lasing bobo."

Lumapit si RJ sa kanila.

"Hayaan mo na ako na bahala dito."

"Pero sir..."

"I'm Richard. Ako ang kasama ng batang to kanina."

"Sige po sir."

Pinaghiwalay nya ang bata at si James. Pinalayo nya ang bata para hindi sya madamay kung may kaaway man nya ang lalakeng to.

"Bro, ano bang problema mo??! Kanina ka pa sa bar ha!!! Kung hindi mo kami iistorbahin ng bagong girlfriend ko, aagawin mo naman tong anak ko... Fuckboy ka ba at papatulan mo pati bata."

Hindi nya mapigilan ang sarili at naubusan na sya ng pasensya kay James kaya nya ito sinuntok sa tyan.

"Sir tama na po.."

Pang-aawat ng isang receptionist.

"Eh gago 'to eh!!!"

"Ako bang tinutukoy mo bro??!"

"Ikaw nga!!! Tanga ka ba??!! Alam mong may girlfriend ka tapos papatulan mo ang kasama ko, sinong mas fuckboy sa atin? Di ba ikaw?!"

"Wala akong girlfriend. Sinong nagsabi nyan sayo??!"

"Si Angela."

"Huwag kang maniwala dyan!!"

"Paanong hindi ako maniniwala sa kanya eh anak mo sya. Isa pa yan may anak ka tapos pinabayaan mo lang sya dito ng buong araw ng mag-isa dito walang amang nag-aalaga."

"Wala ka nang pake dyan. Responsabilidad ko sya kaya wag kang sumapaw pa."

Dahil sa galit nya sa lalakeng kaharap, tumawag na sya ng pulis.

"Bantayan nyo yan."

****************************

Pagdating ng mga pulis, agad nilang dinala si James sa prisinto. Sumama ang manager ng hotel, si Angela at si RJ sa mga pulis.

Ayon sa kanilang pinagkasunduan, hindi makakalabas mg prisinto si James hangga't hindi nya nababayaran lahat ng agrebyado na ginawa nya sa loob ng hotel. Kukubin nadin ni RJ si Angela at aampunin. Pagbalik nya sa Manila, ilalakad nya ang mga papeles na kailangan para maging legal ang pag-ampon nya sa bata..

Pagkabalik nila sa hotel, dumiretso sila sa kwarto ni Maine at RJ. Naka-antok si Angela sa byahe kaya nya tinabi si Angela kay Maine. Pagkalagay ni RJ kay Angela, napamulat si Maine.

"Sino ka"

"..........."

"Ah ikaw yung staff sa dito. Anong kailangan mo dito sa room namin."

"Maine......"

"Kilala mo ako??! Dahil kilala mo ako, may sasabihin ako sayo pero secret lang natin to ha. Tungkol to kasi sa katrabaho ko, karibal sa mga projects, kasama ko dito sa Batanes para gawin ang isang project kapalit ng promotion, at ngayon sya na yong taong nagpapaikot dito ( turo sa isip ) at nagpapatibok dito ( turo sa puso )."

"Sino sya??"

Kunwaring hindi sya si RJ.

"Si Richard Faulkerson Jr. pero tinatawag namin syang Chard o kaya RJ. Di ba pangalan palang gwapo na sya."

"........."

"Alam mo, ang bilis nyang magpa-inlove sa mga babae. Yung tipong, pagnakikita mo sya parang malalaglag ang underwear mo pero pagpinakita nya yung dimple nya parang mahihimatay ka sa kagwapuhan nya."

"........."

"Pero sa kabila ng pagkakaribal namin sa trabaho, hindi ko matanggal yung nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko magawang awayin sya. Promise ko nga sa sarili po, pag ako ang girlfriend nung lalakeng yun."

"Ano pa ang alam mo sa kanya.?"

"Eto sigurado akong magugulat ka dito. Actually nangyari lang to kaninang umaga."

"Anong nangyari."

"Nakita ko sya kung paano magselos. Nung nakikipag-usap ako sa kaibigan kong si James, nakita ko yung galit nya sa akin dahil nga don nag-away kaming dalawa.  Umanin nga sya na mahal nya ako pati ako inamin ko na din. Pero ang masakit parang hindi nya ako mahal."

"Bakit mo naman nasabi yan?!"

"Kasi ako nakakaramdam ng pagmamahal mula sa kanya."

"Nagpapakita naman siguro sya pero hindi mo lang makita dahil mas ina-atupag mo yang pagtratrabaho."

"Hindi eh."

"Ang isipin mo nalang na one day mag-eeffort syang magbigay ng mga bagay na nagpapakita ng pagmamahal."

"Sana nga."

"Sige Maine matulog ka na."

"Hihintayin ko pa sya para makapag-sorry ako sa kanya."

"Bukas na. Maiintindihan nya yun, wag kang mag-alala."

'Alam ko na kunhg paano kita pasasagutin'

******************************

A/N: 😄😄😄😄 sorry super late UD .. busy kasi ako dito sa amin..

If you had suggestions for the plot of the story kindly pm me on facebook Cessa Paraoan or dm me in twitter @cessa_23 and follow nyo narin ako...😜😜😘😘

Tenerife SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon