Joana's POV
Andito ako Ngayon sa likod ng building D, hinihintay ko kasi si kheira yung nabangga ko kanina.
Nakaupo ako at nakasandal sa pader ng building, Hindi naman madumi ang sahig dahil sementado ito at malinis.
Habang naghihintay, nasipan kong kumain muna Kaya nilabas ko na yung kong burger sa bag, buti na lang nagbaon ako bago umalis sa bahay, nilabas ko rin yung baon kong tubig at uminom doon.
Habang kumakain may nakita akong isang babae na nakayuko at Panay ang lingon sa kung saan.
Siguro si kheira na yun dahil sya lang naman ang hinihintay ko.Tumingin sya sa akin at Hindi ako nagkamali sya nga yun, tumakbo sya at naupo sa tabi ko.
“Oh! Bakit parang may pinagtataguan ka? May humahabol ba sayo?”natatawa kong tanong. Nagulat naman ako ng bigla syang naiyak saka tumango, Ewan ko pero bigla ko syang niyakap at hinagod ang likod nya, Napahagulgol naman sya ng iyak.
Humiwalay na ako sa yakap at hinarap sya.
“ano ba kasing problema?”tanong ko, pinunasan nya ang luha nya at bumuntong hininga.
“Joana ipangako mo sa akin na ikaw at Ako lang ang pwedeng makaalam nito please?”Sabi nya sabay kuha ng baon kong tubig at ininom iyon. Hinayaan ko na lang sya dahil mukhang Hindi pa sya kumakain.
“Oo, ipinapangako ko” sabi ko saka hinawakan yung dalawa nyang kamay.
“Alam mo kasi, may pinsan ako nag~aaral din sya dito at kabilang sya sa seven prince na
Sikat na sikat dito sa buong Royal high university. Ang seven prince na iyon ay ang mga kinababaliwan ng mga kababaihan. Ang myembro ng seven prince ay sina Loureang,erick,james, Sean,Renz,paulo, and justine”
Huminto sya at tumingin sya sa buong paligid. Na parang nagmamasid na baka may makakita o makarinig sa amin.
Bakit Kaya? Talaga bang mga prince ang mga yun?😕“Si Justine ang pinsan ko Joana. At imbes na ipagmalaki ko sya, kinaiinisan ko pa sya, dahil sa pangpapahiya nya sa akin, Dahil isa akong nerd at ikinahihiya nya ako kasi Hindi nya ako tanggap dahil sa nerd ako. Binansagan ako ng mga estudyante na 'shy princess' dahil mahiyain ako at lampa. Araw-araw tuwing papasok ako binubully ako ng mga estudyante, at lahat ng yon ay kasalanan ng pinsan kong yun.”Biglang tumulo ang luha nya at sumara ng Mariin ang mga kamay nya.
“noong nakaraang taon, ako ang nakuhang tutor nya pero Hindi sya pumayag dahil galit sya sa akin. Namatay kasi ang mga magulang nya at ang papa ko ang sinisisi nya, na aksidente sa isang car accident ang mga magulang nya dahil papunta iyon sa birthday ng papa ko, at ang sabi nya kung Hindi daw inimbita ni papa ang mga magulang nya edi sana buhay pa hanggang Ngayon ang mga magulang nya. At ng malaman nyang dito Ako nag~aaral binully nya ako ng 5 araw hanggang sa pinigilan sya ng mga kaibigan nya. Pero kahit na tumigil sya sa pangbubully sa akin, pumalit naman ang mga estudyanteng nakasaksi sa pangbubully sa akin ng pinsan ko” humihikbing salaysay nya habang umiiyak. Bigla tuloy akong naawa sa kanya ganon pala mang bully ang seven prince na yun. Kahit tumigil sila may papalit pang mga estudyante na walang ginawa kundi ang manghusga.
“tahan na hayaan mo tutulungan kitang makalayo sa mga nangbubully sayo” sabi ko saba ngiti.
“t-talaga? Tutulungan m-mo ako?” sabi nya saka pinunasan ang luha nya at tumingin sa akin.
“paulit-ulit?”sarkastikong sabi ko
“salamat” at niyakap nya ako. Tumugon ako sa yakap nya.
“O sya Tara kumain na tayo” sabi ko saka tumayo at nag-unat.
“sige”sabi nya saka tumayo at pinagpag nya ang sarili.
“Ayan dapat ganyan nakangiti Hindi nakasimangot papangit ka kapag nakasimangot”sabi ko na nakapagpatawa sa among dalawa.
••@room••
Nandito ako sa room at nagsusulat. Last subject ko na ang science Kaya magsipag na para makauwe ng maaga.
Wala yung katabi ko, Kaya Hindi na ako masyadong naiilang, Malay ko sa kumag na yun kung saan nag punta yun.
*rrriiinnnggg*(wag kayong ano tunog ng bell yan😂)
“okay class tatapusin na lang natin bukas!, Class dismiss” sir.
Niligpit ko na ang gamit ko at lumabas na ng room, pero bago Ako makalabas napahinto ako ng naalala ko na may sasabihin pala si kumag Kaya lumabas na ko at bumaba.
*********
♥this chapter is under editing♥
Comment and vote pls..
Sorry sa wrong grammar at typos
Sorry po kung maikli lang..-Mich
BINABASA MO ANG
Into The Bad Boy's Heart
Fiksi Penggemar"Sean Andrei " sya ang lalaking nagpasaya sa akin at minahal ko.. Pero ang problema Hindi nya ako mahal.. Dahil para sa kanya isa lang akong matalik na kaibigan o best friend.. Alam kong masakit ang nararanasan ko ngayon pero lahat yun titiisin ko...