CHAPTER SIXTEEN

805 19 4
                                    

CYRA

"Grabe ka Tyler, hindi ka manlang nagtira ng fries?"

"Ang bagal mo kasi."

"Hindi ako mabagal, sadyang matakaw ka lang."

Natawa nalang ako sa pag-uusap nila.

Kanina pa nila pinagtatalunan ang naubos na fries, akala mo naman babalik 'yon sa ginagawa nila.

"Ang dami-dami pang pagkain d'yan." Sabi ko.

Sumimangot naman si Tyron.

"N-niluto mo kasi 'yun." Nahihiya n'yang sabi.

Binato s'ya ni Shane ng balat ng orange sa mukha at tumawa.

"Pa-cute kay Jade ba! Hahaha!"

"Ay, loko ka ah!"

Ano ba naman ang magpinsan na 'to. Hindi talaga sila matahimik kapag magkasama.

Sumandal nalang ako sa puno at pinagmasdan sila. Humiga naman si Tyron at Shane sa damuhan habang naka-unan sa ulo nila ang kamay nila.

Nagkayayaan kaming mag-picnic dahil minsan nalang kaming magkasama simula nung pasukan. Sabado din ngayon kaya walang pasok.

"Kumusta 'yung crush mo na hindi ka kilala? Napansin ka na ba?" Tanong ni Tyron kay Shane na may halong pang-aasar.

Narinig namin ang pagbuntong hininga ni Shane bago sumagot.

"Kilala na n'ya 'yung banda namin. Lalo na 'yung vocalist. Okay na sa'kin 'yon."

kitang-kita ko ang lungkot n'ya habang sinasabi 'yon.

Sana balang araw mapakilala s'ya sa'kin ni Shane.

"Torpe mo, magpakilala ka kasi." Tyron.

"Oo nga." Pagsang-ayon ko.

"Hindi madali sa'kin, hindi naman kasi s'ya basta babae lang sa school."

Mukhang may gusto na talaga si Shane sa kanya, at masaya ko doon. Sana lang maging malapit sila sa isa't-isa.

"kung ako sa'yo, magpapakilala na ako."

Tinignan ako ni Tyron nang sabihin n'ya 'yon at sinenyasan na parang sinasabi na makisakay ako sa pang-aasar n'ya kay Shane.

"Tama ka. Mamaya ligawan na 'yon nung nagugustuhan n'ya." ako.

"Mas lalo ka kawawa." Tyron.

"Palagi mo silang makikita kapag may practice kayo." Ako.

"Sweet sila." Tyron.

Nagpipigil nalang kami ni Tyron ng tawa namin dahil pakunot nang pakunot ang noo ni Shane sa pinagsasabi namin.

"Hanggang tingin ka nalang." ako.

"Tapos---"

Hindi na n'ya pinatapos pa si Tyron at padabog s'yang bumangon sa pagkakahiga n'ya.

"K-kayo nga tigilan n'yo ako!"

Sabay kaming humalakhak ng tawa ni Tyron dahil pulang-pula ang mukha ni Shane sa inis dahil sa pang-aasar namin. Kulang nalang umiyak na.

Sad Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon