Two years passed..
"First day mo sa school na 'yon. Mag-ingat ka ha." Tita Cara.
Tumango ako at lumabas na ng bahay para pumasok sa nilipatan kong school.
Castillones Academy.
Tinatanong ni Tita kung bakit ko naisipan na lumipat bigla samantalang huling taon ko na 'to sa highschool.
Pumasok ako doon dahil gusto kong takasan ang school na 'yon.
At para din sundan ang isang tao.
"Cyra--" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang tawag ni Ate Cyril.
"B-baunin mo 'to." Sabi n'ya at inabot sa'kin ang isang sandwich.
Tinanggap ko 'yon.
"Salamat." Sabi ko at tumalikod na.
Tahimik lang akong naglalakad papuntang bus stop.
It's been two years.
Maraming nagbago.
Sa buhay ko.
Kila Tita Cara at Tita Vana.
Lalong-lalo na sa'min ni Tyler.
Mas binabantayan ako ni Tita Cara at ni Ate. Sa totoo lang, nasasakal na ako sa kanila.
Si Tita Vana naman. Nagtayo s'ya ng shop. Nagbebenta s'ya ngayon ng mga painting. Palagi n'ya rin ako kinukumusta at sa ngayon s'ya lang ang kaya kong kausapin ng matagal.
Kami naman ni Tyler.
We're together. Nakakatawa lang na, kami pero hindi na namin kilala ang isa't-isa. Yes, we're in a relationship but we're not inlove.
And it's my fault kung bakit ganito ang naging sitwasyon namin.
At sa sarili ko naman..
Malaki daw ang pinagbago ko.
Who cares?
Minsan pala okay din na maging makasarili ka.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Tyler. Hindi s'ya sumasagot. Ilang araw na s'yang ganyan kaya naisipan kong I-surprise s'ya sa paglipat ko. Ilang weeks na nang magsimula ang pasukan kaya medyo maghahabol ako ngayon sa klase. Hahanapin ko pa ang room ko.
Tahimik lang ako sa bus nang makatanggap ako ng text mula kay Tita.
It's about those medicines again.
Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko na ng pinapainom nila.
Ayoko na.
Hanggang ngayon kasi binibisita parin ako ng psychiatrist na 'yon. Ayaw n'ya akong tigilan. Pinapakialaman n'ya ako na akala mo s'ya ang nanay ko.
Bahala s'ya.
Napatingin ako nang dumaan ang sinasakyan ko sa bus stop na 'yon.
Sa bus stop kung saan ko narinig ang balitang sumira sa buhay ko dalawang taon na ang nakalipas.
It's been two years since I've lost him.
Two years of watching fireworks without him.
Pero nandito parin s'ya.
Mahal na mahal ko parin.
Agad kong iniwas ang tingin ko, bago pa ako makakita nanaman ng kung anu-ano.
BINABASA MO ANG
Sad Beautiful Tragic
Teen FictionSad. Beautiful. Tragic. That's what the story we had.