CHAPTER EIGHTEEN

815 22 5
                                        


CYRA

Isang linggo narin pala ang lumipas.

Napangiti nalang ako habang naalala ang gabing 'yon.

First kiss.

Masaya akong s'ya ang una ko at sana..,

S'ya nadin ang maging huli.

Nandito ako ngayon sa park at hinihintay s'ya. Dito n'ya daw ako susunduin dahil may gusto s'yang ipakita sa 'kin. Sa totoo lang, maaga pa ako ng fifteen minutes.

Biglang nag-vibrate ang phone ko at agad kong sinagot 'yon nang makita ko kung sino ang tumatawag.

"Tyron--"

"I love y-you.."

Nagtaka ako sa ibinungad n'yang salita sa 'kin.

Bakit ganun 'yung boses n'ya.

May mali.

"I love you.." mahinang sagot ko pero alam kong narinig n'ya.

Ito ang unang pagkakataon na nasabi ko sa kanya 'yon.

Hindi ko alam pero may nagtulak sa 'kin para sagutin agad ang tatlong salita na 'yon mula sa kanya

Tatanungin ko pa sana s'ya kung ayos lang ba ang pakiramdam n'ya pero agad na naputol 'yung tawag. Rinig na rinig ko kasi ang paghinga n'ya kanina.

Bakit parang may hindi tama. 

kinakabahan nanaman ako.

Tinawagan ko ulit ang phone ni Tyron pero busy na 'yon.

Ayan ka nanaman sa mga iniisip mo, Cyra.

Tahimik nalang akong naghintay sa kanya pero mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang 6:20 na hindi parin s'ya dumadating. 6:00 pm daw kami magkita dito. Sabi n'ya pa nga sa 'kin kung kaya n'yang agahan, aagahan n'ya. Kaya din ako hindi saktong six pumunta dahil akala ko nandito na s'ya.

6:30.

Hindi na ako mapakali kaya napagpasyahan kong puntahan na si Tyron.

Walking distance lang naman ang basement nya mula dito, kaya mabuti pang pumunta na ako. Hindi kasi ako makalma.

Habang naglalakad ako papunta doon, bigla akong sinalubong ng isang malakas na tunog ng ambulansya. Natigilan ako at halos maramdaman ko ang hangin na dala ng sasakyan na 'yon nang makalagpas 'yon sa 'kin.

Kasabay ng hangin na 'yon ang pagbilis nang tibok ng puso ko.

Lumingon ako at tinitigan 'yon hanggang sa mawala na 'yon sa paningin ko.

Huminga muna ako ng malalim at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Ilang minuto pa ng paglalakad ko biglang bumuhos ang hindi ko inaasahan.

Isang malakas na ulan. 

Bakit naman ngayon pa? 

Kung kailan naman hindi ako nakapagdala ng payong.

Naghanap ako ng masisilungan at nang may makita akong bus stop, agad akong sumilong doon.

Hindi ako pwede magpaulan. 

Hindi na.

Magagalit s'ya sa 'kin.

Siguro hihintayin kong humina 'tong ulan. Ite-text ko nalang si Tyron na papunta na ako sa kanya.

Inilabas ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-type, pero hindi ko pa 'yon nase-send nang may tumawag na unknown number. Kunot noo kong sinagot 'yon.

Sad Beautiful TragicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon