CHAPTER TWENTY

1K 20 2
                                    


VANA

"Tyler, kumain kana."

Kumatok ako sa pinto ng pamangkin ko.

"T-tita, hindi po ako nagugutom." Narinig kong sagot n'ya.

"Basta kung gusto mo kumain, may pagkain sa baba."

Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Tyler.

Napabuntong hininga ako at nagpasya na bumaba na, pero natigilan ako nang madaan ko ang pinto n'ya.

Tyron ko.

Dalawang linggo na ang nakalipas matapos nung libing n'ya.

Dalawang linggo narin na tahimik ang bahay na 'to.

Halata ko na iniiwasan ako ni Tyler matapos n'yang I-kwento sa'kin lahat ng nangyari.

Inamin n'ya ang ginawa ng anak ko para sa kanya at hindi ko sinisisi ang pamangkin ko.

Dahil hindi n'ya 'to ginusto.

Walang may gusto.

Wala parin kaming balita sa pinapahanap nila Raven, Kaibigan ni Tyron. Hindi rin daw kilala ni Tyler kung sino ang gumawa non sa kanila.

Muling tumulo ang luha ko nang pagpasok ko, bumungad sa'kin ang mga kuha n'ya kay Cyra.

Mahal na mahal n'ya talaga ito.

Sa pagkawala ni Tyron.. hindi ko alam kung pa'no ako magsisimula. Alam kong lahat kami na malapit sa kanya ganun ang pakiramdam. Pero hindi pa tapos ang lahat.

May Tyler at Cyra pa sa buhay ko.

At alam kong ayaw ng anak ko na nilulugmok ko ang sarili ko kagaya nung nawala ang papa n'ya. Pipilitin kong maging matatag.

Para sa dalawang bata na 'yon mabubuhay ako.

Alam kong ganun din sila.

Lalo na si Cyra.

Hindi na nagparamdam pa ulit sa'kin ang batang 'yon matapos ng libing. Wala akong balita kahit napakalapit n'ya lang sa'min. Alam kong hindi sila maayos ngayon ni Tyler. Balak ko din bumisita ngayon sa kanya dahil para ko narin s'yang anak.

Kakayanin naming lahat 'to.

Nagpasya na akong pumunta kila Cara, Tita ni Cyra. kukumusta lang ako sa lagay nila.

Nang pagkatok ko, pinagbuksan ako ng hindi pamilyar na mukha. Babae s'ya at kahawig ni Cyra. Mukhang s'ya ang ate na sinasabi sa'kin ng batang 'yon.

"Nand'yan ba ang tita Cara mo?" Nakangiting tanong ko.

"A-ah opo, pasok po kayo."

Nakangiti akong tumango at tinanggap ang alok n'ya.

Bumungad naman sa sala nila si Cara na may kausap na babae.

"She's having Major depressive disorder."

Nabaling ang tingin ni Cara sa'kin. Agad akong lumapit nang akmang tatayo pa s'ya para sa'kin. Pinaupo ko nalang s'yang muli at tumabi ako sa kanya.

"Kumusta si Cyra?" Tanong ko kay Cara habang hawak ang mga kamay n'ya.

Nakita ko ang pangingilid ng luha n'ya at binigyan n'ya ako ng malungkot na ngiti.

Naintindihan ko naman ang ibig n'yang sabihin kaya hindi na ako nagtanong pa.

Hinarap namin muli ang kanina lang na babaeng kausap n'ya.

Sad Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon