CYRA
Napangiti ako nang maramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan.
Miss na miss ko na kayo..
Nakapikit akong ngumiti habang tumatama ang bawat patak nito sa mukha ko. Ang ulan ang tumutulong sa 'kin na itago ang nararamdaman ko.
It's always there..
watching my grief for years.
Mama..
Papa..
Kunin n'yo na po ako..
Please.. isama n'yo na lang ako sa inyo.
Sa tuwing umuulan 'yan lang ang palaging ibinubulong ng isip ko.
Ang bagay lang na 'yan ang hiling ko.
I wish i could just disappear and leave everything behind.
Napadilat ako nang biglang tumigil ang mga patak na 'yon, at doon nakita ko nanaman ang mukha ng lalaking 'yon.
"Sabi na nagpaulan ka nanaman. Hanggang kailan ba ako magdadala ng payong para sa 'yo, ha?"
Tyron.
Hindi ko na nga alam kung kailan nagsimula.
Basta sa tuwing umuulan...
naroon na lang siya.
May dalang payong.
Parang trabaho niyang bantayan ako.
Hindi ko nga s'ya close o kilala manlang dahil dito ko lang s'ya nakikita sa park.
Pangalan n'ya lang ang alam ko dahil paulit-ulit s'yang nagpapakilala sa 'kin pero hindi ako nagpapakilala dahil wala akong interes sa kanya. At isa pa, naiinis ako sa ginagawa n'yang 'yan.
Pinipigilan n'ya kasi akong makasama sila Papa.
"Umalis ka na, hindi kita inuutusan o pinipilit na payungan ako kaya pwede ba..." tinignan ko s'ya nang diretso sa mata. "Umalis ka."
Imbis na umalis ay ginantihan n'ya lang ako ng isang ngiti.
Bwisit.
Kailan ko ba mapipikon ang lalaking 'to para lubayan na ako?
Ngumisi s'ya at inilagay ang isang kamay n'ya sa kanyang bulsa.
"Ibang klase ka talaga mag-thank you."
Iniwas ko lang ang tingin ko at yumuko.
Makulit s'ya at alam kong hindi s'ya aalis sa harap ko ngayon.
Dahil palagi n'yang ginagawa 'yan.
Isang taon na simula nang mawala si Mama at Papa pero pakiramdam ko isang araw pa lang ang nakalipas matapos ang pangyayaring 'yon.
Hanggang ngayon kasi masakit parin.
"Si Shane ang kailangan ko."
Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang mahinang tawa n'ya.
"Ano bang mayroon sa taong 'yon at s'ya palagi ang hinahanap mo."
Hindi ko s'ya sinagot.
Hindi ko gusto si Shane.
Kaibigan ko lang s'ya at s'ya lang ang kaisa-isa na taong pinagkakatiwalaan ko sa lahat.
Simula nang mawala sila Papa, s'ya lang ang nagparamdam sa 'kin na hindi ko kasalanan ang lahat.
Bata palang kami noong makilala ko si Shane sa park na 'to.
Ang lugar na 'to ang naging comfort zone ko dahil dito ko nakilala ang taong walang ginawa kung hindi pagaanin ang loob ko at iparamdam sa 'kin na importante ang buhay ko.
Si Shane 'yon
Si Tyler Shane Loyola.
Nag-angat ako ng tingin nang biglang bumagsak sa lupa ang payong na hawak n'ya.
"A-ano bang ginagawa mo?" Tanong ko pero ngumiti lang s'ya.
"Sinasamahan ka."
Baliw ba s'ya!? Mamaya ako pa ang sisihin n'ya kung sakaling magkasakit s'ya!
Tumayo ako at dinampot ang payong n'ya. Kinuha ko ang isang kamay n'ya at ipinahawak 'yon.
"Ayokong maging dahilan ng sakit mo." Sabi ko na lang.
Hindi s'ya sumagot kaya tinignan ko s'ya na nakatulala pala sa kamay naming dalawa kaya agad kong binawi 'yon.
"Umuwi ka na."
"Umuwi ka narin."
Bakit ba napaka pakielamero ng lalaking 'to.
Hindi n'ya naman ako kilala.
Aalis na sana ako pero natigilan ako sa sinabi n'ya.
"Cyra."
Nagulat ako nang banggitin n'ya ang pangalan ko.
Paano n'ya nalaman 'yon..
Hindi ako sumagot at tumalikod na ulit pero hindi pa ako nakakahakbang nang magsalita s'ya ng bagay na mas ikinagulat ko.
"Gusto kita."
At sa unang pagkakataon..
"Gusto kita, Cyra Jade Deleon."
Tumibok ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
-ToBeContinued-
Serence94
