ᴅᴇᴅɪᴄᴀᴛᴇᴅ ᴛᴏ:PrincessInari
×Zaine's POV×
Hinila ako ni Gabriel papunta sa first class namin. Tiningnan ko ulit ang relo ko nang mapansin ko na 3 minutes nalang bago mag-umpisa ang klase.
"Bilisan na natin Gab! Ayaw 'kong malate!" sigaw ko sakanya nung huminto siya bigla kaya nabanggaan ko siya sa likod niya.
"Oh? Bakit ka huminto? Bilisan na natin!" sabi ko sakanya habang hinihila siya.
Parang baliw na ata 'to si Gabriel ah?
"Classroom natin 'to baliw ka Zaine" iritadong sabi sakin ni Gabriel.
Pumasok na ka-agad si Gabriel sa loob ng classroom namin at umupo sa pinaka-likod kasama sina Kurt at Joshua habang ako umupo sa tabi ni Maxene.
After 5 minutes dumating na si Ms. Valencia.
"Good Morning class, sorry if I'm late. I had an emergency back at home" sambit ni Ms. Valencia habang lumalakad papunta sa lamesa niya sa harapan. Pina-upo niya kaming lahat at kinuha ang kanyang mga gamit ang inilagay sa lamesa niya.
After an hour of a boring class break na namin. Tinext ko si Gabriella na sa garden kami mag-kita.
To Gabriella:
"Hey Ella, sa garden tayo mag-tambay."
Pagka-tapos ko na itext siya dumiretso na ako sa garden nung may humila sakin paharap sa kanya nung bigla niya akong isampal ng malakas.
"Oh ano Zaine Andrea Arzadon? Hindi pa ba sapat? Oh ito pa" Sasampalin niya na sana ako nung may humawak sakanyang kamay.
Inangat ko ang ulo ko habang nasa kanang pisngi parin ang kamay ko.
"Anong balak 'mong gawin sakanya Vanessa?" Sambit niya kay Vanessa habang hawak-hawak parin ang kamay niya.
"Anong kailangan mo Gabriella?" binitawan na ni Ella ang kamay ni Vanessa at hinila ako palayo sa kanya.
Ano ba ang problema niya sakin? Wala naman akong ginawa ah? Baliw ba siya? Addict?
First day of school palang may kalaban na ako dito. I'm just a typical girl here at Rosewood you know.
"Ano ba ang ginawa mo Andrea?" sabi ni Gabriella.
"Wala naman eh" napayuko ako sa statement na yun.
Totoo naman talaga na wala akong ginawa eh. Inosente po ako dito eh.
"Oh sige. Naniniwala ako kasi bestfriend kita ha? You can't lie to me right" sabi ni Gabriella at agad na inabot sakin ang isang sandwich.
Bestfriends kami ni Ella since we were little, pati parents naming dalawa bestfriends. Meant to be talaga kami maging bestfriends. May isa 'rin kaming bestfriend si Erica pero lumipat na siya sa London.
After 30 minutes tapos na ang break namin. Tinext ko si Gabriel kung sino ang 2nd class namin.
To Gabriel:
"Hoy Mr. Arrogant, sino next class natin?"
Na-send na yun at after 3 minutes nag-reply naman siya.
From Gabriel:
"Kay Mr. Rodriguez, diba favorite teacher mo siya? Nasa class 629 siya."
"See you there ;)"My cheeks turned to a crimson red from the 2nd text he sent, Aba ang landi nitong lalake na 'to ah? Gosh ang choosy ko pa.
Linagay ko na ang phone ko sa bulsa ng slingbag ko. Sht nakalimutan ko pala ibigay kay Gabriella ang phone niya, baka mamaya nalang.
Lumakad na ako papunta ng room 629, ang ganda pala ng view dito sa 3rd floor. Dumiretso na ako sa room at pumasok.
After the classes uwian na pero pumunta muna ako sa library para maka-basa ng wattpad. "Parang umiba ata ang library ah?" may mga chandelier na kasi, wow Rosewood.
Humanap ako ng pwesto ko na maganda ang lighting para makita ako ni prince charming ko charot!
Our Love Story ang binabasa ko si missalienauthor ang sumulat. Hala jusko ang gwapo ni Kevin at Ashton! Nagka-goosebumps ako sa statement dun na,
"Ashton is glaring at me"
Baka nag-seselos siya kay Kevin, Oh my. Bagay sila si Ashton diba? Parang baliw ako dito sa library na parang nasapian ng demonyo.
"Uh miss? Ok ka lang ba?" sabi ng isang tao sa harapan
"ha? Uh oo bakit?" shemays gwapo.
Gwapo nga. Tiningnan ko ang name tag niya sa uniform, Daniel Carter Manayag? Bagay sakanya ang pangalan niya.
"Parang baliw ka kasi diyan by the way, I'm Daniel" sabi ni Daniel at inabot sakin ang kamay niya para makipag-shake hands.
Inabot ko na rin ang kamay at nag-shake hands. "I'm Zaine but call me Andrea" sabi ko sakanya at ngumiti.
Tiningnan ko relo ko, 4:00 na pala! Kumaway ako kay Daniel at umalis na.
Sa basketball court ako ngayon, may nag-text kasi sakin na pumunta ako dun 4:00 sharp!
From 09*********
"Pumunta ka sa basketball court, 4:00 sharp"
"May surprise ako para sayo baby girl ;)"Hala jusko baka i-rape ako nito! Grabe naman ang intensyon mo Zaine wag kang ganyan.
Umupo ako sa bleachers habang hinihintay ang nag-text sakin. Napa-tingin ako sa pintuan nung may pumasok na babae.
Si Vanessa Rose Constancia
×Gabriel's POV×
"Josh, sabihan mo nga 'yang demonya mong kapatid na pabayaan na ako" iritado kong sabi kay Joshua.
Lumalakad kami ngayon papunta sa basketball court.
"Grabe ka naman Gab, demonya talaga?" sambit ni Joshua "Ah! May joke ako para mapa-ngiti kita!"
Inirapan ko siya pero tumango nalang ako.
"What is the color of a burger?" tanong niya sakin.
"Ano nga ba?" tanong ko sakanya
"BURGUNDY!"
Tumawa si Joshua ng malakas at hina-hampas hampas ang likod ko.
"Ha ha ha. Nakakatawa ka talaga Joshua." Napakunot ako nung tumigil si Joshua sa paglalakad.
"Grabe ka naman Gab, ano ba ang ginawa ko sayo na para igawa mo 'to sakin? Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako?" sambit ni Joshua habang kinuha ang tubigan niya and poured the water in his eyes for fake tears.
"Oo panget ka, ang dra-" hindi ko natuluyan ang sasabihin ko nung may narinig akong sigaw galing sa basketball court.
Tumakbo ako papunta sa basketball court at iniwan si Joshua sa pwesto niya. Sumisigaw na si Joshua na hintayin ko siya pero hindi ako kumibo at patuloy parin ang pag-takbo ko papunta sa sigaw.
Babae ang boses, familiar ang sigaw.
"AHHHHH! Please! Wala naman akong kasalanan sayo Vanessa!"
Si Zaine?! At si Vanessa?!
Mas lalong bumilis ang takbo ko papunta dun. Pumasok na ako dun. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"VANESSA!"
TO BE CONTINUED.....
••••••••••
Hala ano kaya ang ginawa ni Vanessa? ⊙ω⊙ syempre alam ko kasi ako gumawa ng story ble! Naaawa ako kay Joshua, hindi man lang tumawa si Gabriel sa joke niyo ╥﹏╥ May Jisoo bless you Jin este Joshua.
P.S isang chapter muna ang pinost ko kasi napagod ako kahapon sa Island hopping namin.
- TaestheticYoongix_
Comment down below ang gusto magpa-dedicate hehe (-^〇^-)
YOU ARE READING
First Love
Teen Fiction[Original Version] First love never dies right? This is when a girl fell in love with her bestfriend's brother. Will the boy feel the same way? Your first love doesn't have to be your first kiss or first date. It is the person that you will never tr...