Chapter 2: Picture

83 35 3
                                        

ᴅᴇᴅɪᴄᴀᴛᴇᴅ ᴛᴏ:BangtanMellow

×Vanessa's POV×

Andito ako ngayon sa sasakyan ko papunta na sa school. I'm wearing my grey turtle neck crop-top, leather skirt, black heels and lastly my prada bag.

Nakarating na ako sa school at sinalubong ako nila Kaerolyne at Danica. Niyakap ko sila, others think I just use the two of them as my minions pero sa totoo lang? Mahal ko silang dalawa kahit may bitchy akong attitude, everyone has to have friends right?

"Damn girl! You're looking stunning for our first day. Grabe while ako naka crop top, denim pants at converse lang. Sad." Pabebeng sabi ni Kaerolyne.

Ang cute niya talaga.

"Ano ka ba Kae, ang simple nga ng suot mo pero cute parin like your face" sambit ko sakanya habang kinurot-kurot ang mag-kabilang pisngi niya. Nakita ko sa peripheral view ko si Danica na naka-yuko kaya niyakap ko siya ng mahigpit, I feel her smile.

Okay na sana mood ko nung may nakita akong dalawang familiar na mga figures na tumatakbo habang hinihila ng babae ang lalake.

Si Zaine at ang ex 'kong minahal ko ng sobra, Gabriel.

(A/N fast-forward na natin yung nangyari sa basketball court hehe)

"Walang hiya ka Zaine!" sigaw ko sakanya. Naiirita na talaga ako sa babae na 'to. Close sila ni Gabriel since kinder pero umalis si Gabriel nung grade 5 na sana kami.

"AHHHHH! Please! Wala naman akong kasalanan sayo Vanessa!" naka-higa siya ngayon, may sugat na siya sa labi niya dahil sa mga malakas 'kong sampal. I was a good girl when Gabriel broke up with me kasi nakita na ako sa isang club sumasayaw na may kasamang lalake like damn! Lasing ako nun!

"Kulang pa ba yan Za-" Hindi ko natuluyan ang sasabihin ko nung may sumigaw ng pangalan ko.

"Vanessa!" tumingin ako sa taong sumigaw nung nakita ko si Gabriel kasama si kuya sa likod niya na humahanap ng hangin.

"G-gabriel k-kuya" binaba ko kamay ko at yumuko.

Kasalanan mo 'to Zaine Andrea Arzadon! Mag babayad ka! Hindi naman 'to mangyayari kung hindi dahil sa kalandian mo!

×Gabriel's POV×

I can't believe ginawa 'yun ni Vanessa kay Zaine. Of course I care for Zaine, she's like my friend.

Ano ba kasi kasalanan mo Zaine? Hindi mo bah kaya mag self-defense? Kasama ko ngayon si Joshua at Zaine.

"Una na ako Gab, may family dinner pa kami" sambit ni Joshua at kumaway habang nagpapalayo na siya samin tumango lang ako.

Inabot ko kay Zaine ang isang towel. "Oh ito oh. Punasan mo 'yang mga luha mo kasi hindi ako ang pupunas niyan" sabi ko sa kanya, kaya naman kinuha niya nalang ang towel at pinunasan ang kanyang mga luha.

"Tara na? Hatid na kita sa inyo" sabi ko sa kanya at tumayo para maka-punta na sa sasakyan ko. Sumunod naman si Zaine habang nakayuko.

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko 'yon at sinagot ang tawag ni Kurt. Naiwan kasi namin siya ni Joshua sa library na natutulog.

"Hello?" sagot ko

"Bakit niyo ako iniwan dito?!" tanong sakin ni Kurt.

"Mukhang mahimbing kasi tulog mo eh" natawa ako sa hindi ko alam rason, napatingin ako sa paligid ko kasi madilim na. Pinatuloy ko parin ang paglalakad ko at nakarating na sa sasakyan ko.

"Grabe, sana ginising niyo ako!" sigaw ni Kurt

Tiningnan ko si Zaine na parang nawawala na aso, binuksan ko ang pintuan ng passenger seat at pumasok naman siya. Ganoon na din ang ginawa ko sa driver's seat.

"Mamaya ka na tumawag Kurt, may ihahatid lang ako" pinatayan ko siya ng tawag at tiningnan ulit si Zaine, tulog siya. Parang tuta.

Dumiretso na ang tingin ko sa kalsada at pinaandar na ang sasakyan at inihatid na si Zaine sa bahay nila.

×Zaine's POV×

Napadilat ako ng may marinig ako na tunog galing sa tabi ko, tiningnan ko yun at nakita ko si Gabriel na may linalaro na video game.

Pero wait, Bakit nandito siya?! Napatingin ako sa paligid ko ng napansin ko na hindi 'to ang kwarto ko!

"Nasaan ako Gabriel?!" tanong ko sa kanya

"Nasa kwarto ko obviously" sagot ni Gabriel sa akin habang diretso ang tingin niya sa TV.

Demonyo 'to ah! Swerte nga ako kasi andito aki sa kwarto niya pero bakit dito?! I mean the last time that I remember is ihahatid niya ako sa baha-

Binatukan ko si Gabriel at kinukurot. "Ahhhhh! Bastos ka Gabriel! Bakit dito mo 'ko dinala?! Ha?! Don't tell me na-" mas lalo ko siyang sinaktan.

"Gaga pala 'to"

What did he just say?!

"Grabe, bawal over-acting lang ako? For your information Gabriel Marick Reyes, Hindi ako gaga. So tell me, BAKIT ANDITO AKO IMBES SA BAHAY KO?! Explain!" napasigaw ko na tanong sa kanya.

Nakatutok parin ang mata niya sa TV habang ako naghihintay ng kanyang so called, explanation.

"First things first Zaine, Bakit ginawa 'yun ni Vanessa sayo?" tanong sa akin ni Gabriel.

Napakunot ang ulo ko sa tanong niya.

"Hindi ko rin alam kung bakit eh. Ang sabi niya lang 'Walang hiya ka Zaine' ako? Walang hiya? Wala talaga! I'm confident po! Like ang ex mo ang walang hiya, siya pa ang may gana lokohin ka. Siya ang gaga hindi ako Gab, tandaan mo y-" Napatigil ako ng makita ko si Gabriel na sakin lang nakatingin kaya naman tinapon ko sa kanya ang isang unan galing sa tabi ko.

"Anong tinitingin tingin mo diyan? Ang ganda ko 'di ba?" sabi ko sa kanya habang naka ngisi.

"Tss" bumalik ang tingin niya sa TV at pinagtuloy ang paglalaro niya ng mario kart. Gago 'to ah, ang cold.

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko sa kay Gabriel.

Wala niya pa kasi sinabi sa akin kung bakit dito niya ako dinala imbes sa bahay ko.

"Wala parents mo" simpleng sagot ni Gabriel sa akin.

Saan naman sila pumunta? Pinatay niya na ang TV at lumabas ng kwarto kaya napatayo ako at nilibot ang kwarto niya. Habang nililibot ang kwarto niya ay may nakita akong litrato na nakapatong sa desk niya. Litrato niya at ng isang lalake.

Familiar siya sakin eh parang nakita ko na siya. Tinuloy ko na ang pagikot sa kwarto at punong-puno ng pictures nilang ni Gabriella pero napahinto ako sa isa pang litrato,

Picture naming dalawa ni Gabriel nung 7th birthday ko. Bakit pina-frame niya talaga at nasa side table niya pa.

Bakit?

TO BE CONTINUED.....

••••••••••

Hello hello hello! Napa-isip pala ako na hindi nalang every Monday and Thursday ang pag update ko, everytime nalang kung natapos 'kong isulat/type ang every chapter hehe. By the way, pangit ba ang story ko? :(

- TaestheticYoongix_

Comment kayo or i-pm niyo ako kung gusto niyong maka-receive ng dedication from me hehe. Byieeee~

First LoveWhere stories live. Discover now