Chapter 3: Scene

62 33 0
                                        

ᴅᴇᴅɪᴄᴀᴛᴇᴅ ᴛᴏ: whostiffany

×Zaine's POV×

"Bakit dito mo siya dinala? May susi naman siya ng bahay niya eh! Nasa bulsa lang yon ng bag niya. Sana tiningnan mo muna"

"Well sorry kasi hindi ko alam ha"

Ang ingay naman nilang dalawa. Ano ba yan.

Bumangon na ako at kinuha yung baso na may tubig sa side table at ininom yun. "Ang ingay niyong dalawa tsk. Nasira tuloy beauty sleep ko" sambit ko sa kanilang dalawa

Lumapit sakin si Gabriella at niyakap. "Oh my gosh Andrea, Ok ka lang ba? May sugat ka ba? Saan parents mo? Bakit ginawa yon ni Vanessa?" Binatukan niya ako "Jusko Andrea, nagalala ako sayo nung sinabi sakin 'to ni Gabriel"

Sinabi ni Gabriel? Tiningnan ko si Gabriel sa likod ni Gabriella na lumabas na sa kwarto. Problema niya? Gutom siguro kaya bumaba para kumain.

"5:00 na Zaine, bangon na diyan. Maligo ka na pahiramin kita ng damit, ilalagay ko lang ang damit sa kama ni Gabriel. Dumiretso ka na sa baba kung tapos ka na ha?" Utos niya sakin at lumabas ng kwarto, kaya naman sinunod ko ang sinabi niya at naligo na.

《After 10 minutes》

Time check: 5:15

Grabe, umabot ng 5 minutes ang instructions niya sakin. Kinuha ko yung damit sa kama at sinuot iyon. I wore my pin which is my name tag and went down like what Gabriella said.

"Kasya nga sayo mga damit ko hehe" sabi ni Gabriella habang naka ngiti hanggang mawala ang mata niya (A/N not literally guys :) )

"Of course naman Ella. Hindi ako baboy no?" Biro kong sabi kay Ella. "Tara na? Starbucks tayo ulit" ningitian ko lang siya at hinawak kamay niya.

×Kristelle's POV×

Nandito na ako sa trabaho ko at hinihintay ang mga costumers ng may dalawang babae ang pumasok.

"Good Morning Ma'am! What's your order?" tanong ko sa kanilang dalawa habang nakanigiti.

"I'll have the Caramel Macchiato and anong sayo Ella?" tanong ni Ate sa kasama niya.

"Gusto ko ng Salted Caramel Mocha po" sabi sakin ni Ate.

"Sige. Hot or cold po ba yung Caramel Macchiato?" nakangiti kong tanong sa isa.

"Hot po"

Inabutan ko sila dalawa ng papel para masulat nila ang pangalan nilang dalawa. Binalik na nila ang papel at ngumiti sakin at umalis.

'Gabriella and Zaine'

Sinulat ko na ang mga pangalan nila at ginawa na ang mga order nila. Pagkatapos kong ginawa ang order ay tinawag ko na ang pangalan nila.

"Gabriella and Zaine! Gabriella and Zaine!" sigaw ko na tawag sa kanila.

Lumapit ang isa at kinuha ang order nila habang nakangiti. Parang si Pinky siya ng Pristin.

Sunod-sunod na ang pagpasok at order ng mga customer ng may isang babae na naka-shades na may kasamang dalawang babae at dumiretso dito sa counter.

"Good Morning Ma'am! What would be your order?" ngiti kong tanong sa kanya.

Bumulong siya sa isang babae at tumingin sa menu.

"Caramel Apple Spice Espresso" simpleng sagot ng babae sakin.

Mukhang maldita naman.

Bumayad na sila at tumungo na sa lamesa nila. Ginawa ko na rin ang order ni Ms. Vanessa Maldita at linagay yon sa cup. Sinigaw ko ang pangalan ni Ms. Vanessa pero yung kasama niya ang kumuha.

Tumingin lang ako kay Ms. Vanessa habang iniinom ang Espresso niya ng biglang iniluwad niya ang kape.

"What the heck?! Ang pangit ng lasa! Oy! Ikaw!" sigaw niya sakin habang tinuturo ako kaya naman napatingin sa kanya ang mga tao at patungi na rin sakin.

Hala? Ganyan naman talaga yan ang lasa eh. Linapitan niya ako at sinabunutan ng buhok.

×Gabriella's POV×

"Zaine! Nagtext si Erica!" kaya naman napatayo ako.

"Ano sabi?" tanong ni Zain

"Andito na daw siya sa Pilipinas! Sa Rosewood siya lilipat!" sambit ko sa kanya

" 'Di nga! Tara puntah-" hindi natuloy ang pagsalita ng may sumigaw.

Lumingon kaming dalawa sa sumigaw ng makita namin si Vanessa na sinabubunutan ang waiter.

Nilapitan ko ang eksena at iniawat ang dalawa. "Vanessa! Kahit saan ka nalang ba gumagawa ng eksena?!" Tiningnan ko ang babae na sinabunutan niya ng palapit sakanya si Zaine.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Zaine sa babae ngunit tumango lang ang babae na sumesenyas ng oo.

Binalik ko ang tingin ko kay Vanessa ng sumama ang tingin ko sa kanya. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko si Zaine na binigyan ng tubig ang babae.

"I can't believe naging girlfriend ka ni Gabriel, And pwede ba? 'Wag mong idamay dito si Zaine at 'wag ka na rin gumawa ng eksena kung saan-saan!" pakiusap ko kay Vanessa, inirapan lang ako nito.

"Seriously Gabriella? Nakipag kaibigan ka sa isang commoner? Cheap." sambit ni Vanessa habang nakangisi.

Aba sobra na 'to siya ha! Sinubukan ko siyang sampalin ng sumigaw si Zaine. " 'Wag mo nang ituloy ang gagawin mo Ella! Baka mas lalong lumala ang sitwasyon natin ngayon" pakiusap niya sakin habang nakapout lamang. Tumango nalang ako at binalik ang tingin kay Vanessa.

"You'll regret everything you have done at the end of the day Vanessa" Sinamaan ko lang siya ng tingin ng inirapan niya lang ako at umalis kasama ang kanyang mga kasamahan.

Linapitan ko kaagad si Zaine at ang babae.

"Okay ka lang ba miss?" tanong ko sa kanya tanging tumango lang siya. "Ako nga pala si Gabriella, you can call me Ella kasi Gab na ang tawag ng kaibigan ni kuya ko sa kanya" malambing kong sabi at inabot ang kamay ko sa kanya, inabot niya rin ang kanyang kamay upang makipag-shakehands at nginitian ko siya.

At sa mga nagtatanong diyan kung bakit 'Kuya' ang term na ginamit ko kanina ay kasi 4 minutes early na ipinanganak si kuya kaysa sakin kaya ayun.

"Estudyante ka pa ba?" tanong sa kanya ni Zaine at tumango lang 'to. "Saan ka nag-aaral?" tanong ulit ni Zaine sa kanya. "Rosewood po pero transferee po ako na scholar galing sa Golden University" sagot niya samin.

Nagulat kami ng marealize namin na kaklase namin siya sa P.E., Pyshics, Arts at English.

"Omg! Ikaw si Kristelle Sara Tan 'di ba?" masaya kong sambit sa kanya at tumango lang siya ulit. "Aba! Edi good! Sabay na tayo mamaya papunta ng school okay?" Anyaya ko sa dalawa habang tumatalon na parang bata.

Bagong bestfriend? Nice!

TO BE CONTINUED.....

••••••••••

Sorry sa late update guys! Huhu kawawa naman si Kristelle no? Plus dinagdag pa ng isang tweet ang drama ko ng nabasa ko na may 2nd ticket selling pa. MAY PAG ASA PA PARA SA MGA TEAM BAHAY! charot.

P.S. sorry ulit kung late ha? Nagbyahe pa kasi kami huhu I promise na babawi ako! Hehe byieeee~

- TaestheticYoongix_

Comment kayo or i-pm niyo ako kung gusto niyong magpa dedicate hihi.

First LoveWhere stories live. Discover now