KATHRYN'S POV.
Lahat ng yun nasabi ko, di ko inakala. Nabigla lang naman ako. Di ko kayang layuan siya. I'm sorry daniel. Pero... Pero nasabi ko na,
Titiisin ko na lang muna, Mahal kasi kitang ungoy ka, kahit napakasakit na.
---9:30pm----
Nag iimpake na ako ng nga gamet ko, Mauuna na akong umalis sakanila. My family outing pa kasi kami.
Biglang dumating si Daniel..
"K-kath?" -Daniel
Patuloy pa din akong nag iimpake, hindi ko siya pinapansin.
"Kath, Please. Wag ka muna aalis."
"My family outing pa kami. Bumalik ka na sa room niyo, matutulog na ako." Sabi ko.
"Kath please. Mag usap muna tayo." Nagmamakaawa na si Daniel. Pero sorry, kailangan na muna kitang layuan. Magiging okay din naman ang lahat, pero hindi pa ngayon, Pag dating ng panahon.
"Naguusap naman tayo diba?" Sagot ko ng pataray.
"Hayaan mo naman akong magpaliwanag." Sabi niya.
"Wala ka naman dapat ipaliwanag, dapat nga ako ang mag paliwanag dahil nag tago ako sayo ng Secreto."
"Per----"
"Tama na, Daniel. Matutulog na ako."
Di na siya nag salita, umalis na lang siya bigla. Ganito naman to lagi pag nag aaway kami. Bigla bigla na lang umaalis.
----7:45 am----
Nakaready na lahat, Inayus na din ni Seth ang sasakyan, Si Seth, Lester at Nica kasi ang mag hahatid sakin. Si Daniel? Ewan ko. Hindi ko na nakita simula kagabi. Ganyan naman yan.
"Kath tara na." Seth.
"Sandali lang, Naiwan ko yung cellphone ko. Kunin ko lang sa room." Ako.
"Sige." Seth.
Pagbalik ko sa Room namin, nakita ko si Daniel, nakatayo sa bintana, tinitignan pala niya ako sa bintana.
"K-kath." Daniel
Di ko pa din siya pinansin. Deadma pa din. Kailangan e. Pero bigla na lang ako nashock sa sinabe niya.
"Kath. Bakit ba galit na galit ka sakin? Ano ba ginawa ko? Dahil lang hindi ko alam na my mabigat kang pinagdaaanan? Kath ikaw mismo ang hindi nag sabi sakin niyan. Tinanong kita kath, Tinanong kita, tinanong kita kung my problema ba? Ang sagot mo sakin, 'Wala daniel.' Ikaw mismo ang gumawa ng paraan para hindi ko malaman ang lahat, kath. IKAW." Sigaw sakin ni Daniel habang napapaluha na.
Andito lang ako, nashock sa sinabe niya. Bakit nga ba?
"Oo, Daniel. Ako mismo ang naglayo sayo ng katotohanan. Dahil alam ko, kahit sabihin ko naman sayo, wala kang gagawin. Kasi wala kang pakielam."
"Bakit? Pano mo nalaman? Sinabe mo na ba? Nakita mo na ba reactions ko? Hindi pa diba? Kath my pake ako. My pake ako kasi---"
"Kasi ano? Kasi Best friend mo ako? Best friend? Best friend diba?"
"Kat-----"
Biglang nag doorbell si Seth.
"Kath tara na, baka malate ka pa." Seth
"Oo sige." Ako.
"Kath, wait." Daniel.
"Alam ko mag babago na ang pinagsamahan natin ngayon, pero bago mangyare yun, gusto ko malaman mo na----"
"Ayoko na malaman yan, Daniel. Hindi ako interesado." Sabi ko, at umalis na ako. Hindi ko na pinakingan ang sasabihin ni Daniel, kasi alam ko, masasaktan lang ako.
"Pero kath." Daniel
Narinig ko, pero pinili ko pa din mag bingibingihan. Ayoko na. Minsan na akong nasaktan dahil sakanya, Ayoko na maulit pa. Pagod na ko.
"Bakit namumula mata mo, kath? Umiyak ka?" Tanong ni Nica.
"Hindi. Okay lang ako." Ako.
"Kath. Mamimiss kita. Kahit 2 weeks ka lang mawawala. Wala na ako taga gising tuwing umaga. Huehue" Cheska.
"Mamimiss din kita. Haha. Nandiyan naman si Seth, pagising ka dyan." Ako
"Nako. Osiya, sige Bye *Smile*" tapos nag yakapan na kami.
Nagpaalam na din sakin sila Katsumi, Jc, Basta sila. Haha
Hindi na ako lumingon sa Bintana ng room namin, sumakay na lang ako sa sasakyan at sinabi kay Seth na umalis na.
------------------
Pagdating namin sa Airport, andun na agad sila mama. Ako na lang pala hinihintay. Buti na lang hindi late.
"Ma." Ako.
"Nak. Buti dumating ka na."
"Seth, Lester, at Nica, Salamag sa ag hatid. Ingat kayo." Ako.
NagGroup Hug kami. Tapos pumasok na kami nila mama.
------
DANIEL'S POV.
Umalis na siya. 2 weeks bago ko ulit siya makikita. Kaso, makikita ko nga ulit siya, pero hindi ko na magagawa yung dati.
Yung inaakbayan siya habang nag lalakad.
Yung kinakantahan siya pag nagsusungit siya.
Yung hahawakan kamay niya.
Yung hahawakan ko buhok niya tapos sasabihin kong 'ang soft'.
Yung kukurutin ko pisngi niya kasi ang taba.
Yung yayakapin siya bigla pag nainis siya sakin.
Yung susuntukin siya sa balikat ng mahina pag di siya nakikinig sa kwento ko.
Yung hahampasin ko braso niya kasi nangigigil ako.
Yung babatukan siya pag di niya nagets yung joke ko.
Yung dadaganan ko siya pag gising niya kasi ang tagal niya magising.
Yung ngingitian ko siya bago siya umalis.
Yung hahawakan ko leeg niya para lang kilitiin.
Yung sisigawan ko siya ng 'Chan Bernardo, ang shunga shunga mo' pag nadapa or nadulas siya.
Yung tatawanan siya pag nagiging seryoso yung mukha niya.
Yung aasarin ko siya ng 'Nguso' at 'Mukhang biik na Pisngi' pag nakasimangot siya.
Yung sasabihan ko siya ng 'Chan? Ang ganda mo.'
Yung ikikiss ko yung kamay kasi ang lambot.
at higit sa lahat,
Yung sasabihan ko siya ng 'Sige chan, Goodnight. i love you best friend.'
Lahat ng yan mamimiss ko. Hindi ko na magagawa ulit sakanya ang lahat ng yan dahil alam ko, galit siya sakin.
Nagkulang ako. Best friend nga kami, pero hindi ko naibigay sakanya ang tunay na ibigsabihin ng best friend. Sorry Kath.
"It's too late." Naalala ko yung sinabi niya saakin to. Huli na ba talaga ang lahat? Wala na ba talagang Second Chance?
Sorry kung hindi ko maibigay sayo ang tunay na kahalagahan ng totoong best friend.
Dahil hindi ko kaya maging best friend mo, kath.

BINABASA MO ANG
Friends with Hidden Affair
Teen FictionPag ang pagmamahal humingi ng kapalit, Masasaktan ka higit pa sa salitang Sobra. Mahirap mag mahal ng taong iba naman ang mahal. At ang pinaka masakit? Ang nalaman mong hangang kaibigan lang talaga ang tingin niya sayo.