Prologue
The start
In a world where a powerful enchantress was born. The girl who was born to protect and save her world from danger.
She grew up in a place where the mortals live. A world where people don't believe in magic.
Her eyes, her hair and everything about her...they can't change the fact that she's different.
"Joseph! Dumadami na ang kalaban sa labas ng academy!" sigaw sa'akin ng asawa ko.
Nag-aalala naman akong tumingin sa'kanya. Hindi ko siya hahayaang lumaban dahil kakasilang lang ng aming prinsesa.
"Kailangan na ako doon. Tumakas na kayo!--"
"Kailangan ko bang sabihin na hindi kayo makakatakas o halata na 'yon?" napatigil kami ng marinig ang malalim na boses ng isang lalaki.
King Xavier
Mabilis kong itinago sa likuran ang mag-ina ko. Ang hari ng kalaban namin. Darmians.
"Tumigil ka na! Hinding-hindi ko ibibigay sayo ang anak ko!" galit na sigaw ko sa'kanya.
Bigla nalang itong tumawa ng malakas kaya mas lalo kong lumayo. Hindi dahil sa halakhak niya ngunit dahil sa galit na nakikita ko mula sa'kanya.
"Sino bang nagsabing kukunin ko ang anak mo?" sabi niya sa'akin.
"Ano bang pakay mo?! Marami nang namatay! Tigilan mo na 'to!"
Lumapit ito sa'amin kaya patuloy kaming lumalayo. Ang mata nitong asul ay unti-unting naging lila.
"Hindi ko na kayo kukunin. Dahil dito palang ay kukunin ko na ang buhay niyo kapalit ng buhay ng mag-ina ko." diing sabi nito.
Mabilis naman akong lumuhod sa'kanya. "Huwag. Pinagsisisihan ko na yun. Huwag mo nang idamay ang pamilya ko, Xavier"
Tumawa nanaman ito at nakaramdam ako ng itim na usok na nagpatayo sa'akin.
"Pinatay mo ang Asawa at ang Prinsesa ko. Pinatay mo narin ako, Joseph. 'Yun ang kapalit ng buhay na kinuha mo dahil sa inggit, kapangyarihan at ang leche mong dahilan!" sigaw niya sa'akin.
Nang nakita kong lalapitan niya ang mag-ina ko ay agad akong lumapit sa'kanila at gumawa ng harang sa'kanila bago gumawa ng portal.
"Hindi! Dito lang kami. Sabay-sabay tayong aalis dito--"
"Kayo ang pakay niya. Iwan niyo na ako dito. Hihintayin ko kayo. Sige na, mahal ko" bulong ko kanya at pinunasan ang luha sa'kanyang mata. Hinalikan ko ang noo ng anak ko bago sila tuluyang mawala sa paningin ko.
"Umalis ka na" sabi ko kay Xavier.
Bigla nalang itong ngumisi sa'akin. "Yan talaga ang pakay ko. Dahil mas gugustuhin kong makitang hindi kayo magkakasama" sabi nito sa'akin at tumalikod na.
Nagtataka ko siyang tinignan. "Ano?!"
Bahagya siyang tumingin sa'akin bago umiling. "Tinuruan akong magmahal ng isang Larmian. Tinuruan niya akong magpahalaga ng buhay. Ito ang ginagawa ko ngayon. Kahit pinatay mo ang asawa't anak ko. Mas gugustuhin kong sundin ang puso ko at iyon ang sinabi ng asawa ko" sabi niya at nagpalabas ng usok.
Ang kani-kaninang sirang silid ang maraming dugo ay naging maayos at nabuhay ang mga estudyante sa labas. Umaasa akong babalik ang mag ina ko pero hindi.
"Ang ilusyon na yan ay mangyayari dapat ngayon. Pero ang digmaang ito ay mauulit kung may isa sa inyong gagawa ng ikagagalit ko." pagbabanta niya at unti-unti nang nawala.
"Salamat" huling sabi ko bago siya mawala.
"Masyado pang maaga para magpasalamat ka, Joseph. At baka ang huling sasabihin mo sa'akin ay 'pakiusap'"
YOU ARE READING
Magia Academy: The Lost Enchantress Of Magia
FantasyImperfect life Life full of lies Unlock the magic (EDITING) Date started: April 26, 2017 Date completed:-------------