Chapter Five: Larks Blade

121 9 0
                                    

M.A: TLEOM 5

Alexa Fantamore

Nagising ako dahil may naramdaman akong ibang tao sa kwarto ko. At ang nakakainis na sakit sa ulo ko.

"You were asleep for eight hours. Hindi sakto ang nabigay na gamot sayo kagabi kaya masakit ang ulo mo" sabi ng isang boses.

Nakita ko si Tita Selene na naka-upo sa couch malapit sa kama ko.

Pinilit ko namang tumayo pero kumirot ang ulo ko kaya bumalik ako sa pagkakahiga.

I hate this. A weakling every morning!

"Wag ka muna tumayo." utos niya. Malamang. Di nga ako makatayo tapos patatayuin niya pa ako?

Tinignan ko ang wristwatch ko. Late na?

Unti-unti naman akong tumingin sa'kanya habang siya ay titig pa'rin sa'akin.

"You're not gonna scold me for being late?" tanong ko.

Umiling siya at ngumiti. "Nope. Sinabi narin sa'kin ni Sofiya na bantayan ka. Binantayan ko rin ang tulog mo para alam ko kung ilang oras dapat." sabi niya.

"What?" simpleng tanong ko.

"Sabi ni Sofiya, you need exactly ten hours of sleep. If not, you'll experience headache, nausea, bleeding and chestpain."

"Okay--"

"But for me you'll experience mood swings hahahaha!" tawa niya pa.

Tinitigan ko lang siya. "Funny?" tanong ko. Unti-unti naman siyang tumigil at umiling. Ano bang nakakatawa dun? Weirdo.

"Pero yun nga. You won't be able to attend your class every morning dahil sa kondisyon mo. Babaguhin ko ang schedule mo. You'll have three classes a day."

"Three? Pero dati six. Ang konti naman" sabi ko at tinignan ang inabot niyang schedule.

"Ayaw mo nun?" tanong niya.

Ngumisi lang ako. "Sayang katalinuhan" sabi ko kaya natawa siya.

"Yan lang ata ang namana mo kay Sofiya" nakangiting sabi niya.

"Hmmm."

"Anyway. For your first class. You'll have your own weapon. Kay Ms. Wency yun. "

"Para saan?" tanong ko.

"Para sa katulad mo. Hindi pa alam ang ability" sabi niya.

Tumango lang ako. "For your second class. Balita ko matagal mo ng kilala si Dianne, diba? Kasama mo sila sa second class mo. Hindi katulad sa mortal world. Walang specific subject dahil about abilities ang pag-aaralan niyo"

Ang weird. Wala silang math or science for more knowledge? Advantage pala na galing ako sa mortal world.

"Last, training. Kay Ms. Jenny" sabi niya

"Sinong kasama ko?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala. Personal class ang first and third class mo. Ikaw lang mag-isa" sabi niya.

"Why is that?"

"Gusto ko" sabi niya naman. Pake ko?

"Tsaka sila ang nagsabi non. Ibabawas sa five hours na vacant nila ang two hours na klase mo."

"Five hours? " bulong ko.

"Madaming professors ang academy. Wag kang magtaka. And besides. Kaya sila nagvolunteer kasi...gusto lang nila. Kaya magbihis ka na! You have 30 minutes to prepare." sabi niya sa'akin at tumayo.

Magia Academy: The Lost Enchantress Of MagiaWhere stories live. Discover now