M.A: TLEOM 6
Pakiramdam ko ay nanghina ang tuhod ko at ang buong katawan ko dahil sa sipang tumama sa'akin.
Bakit doon pa?!
Malaki ba galit sa'kin nito?
Kung meron. Ramdam ko...grabe.
"Sh-t. Sh-t! Alexa! S-Sorry!" rinig kong sigaw ni Ms. Jenny at may pinindot na button sa gilid habang natataranta.
"Anong gagawin ko?! May dala ka bang gamot?!" she panicked while putting my head on her lap.
Hindi ko dala ang syringe ko.
Napailing nalang ako dahil bumibigat ang paghinga ko. Bakit kasi ngayon pa?
"Subukan mong pumikit, papatayin kita!" sigaw nanaman niya.
Nakarinig ako ng marahas na pagbukas ng pinto. "S-Selene!!" sigaw ni Ms. Jenny.
"Tabi!" sigaw ni Tita.
"Alexa" bulong niya. "B-Bakit ganito?" bulong niya habang nakatingin sa'akin.
Alam ko naman kung bakit. My veins are turning black and dark violet.
Bago pa ako makapikit ay naramdaman ko na may itinusok na siya sa dibdib ko bago ako tuluyang makatulog.
Selene Darillo
"Ano bang nangyari?" tanong ko kay Jenny na nakatingin na ngayon kay Alexa habang nandito sa kwarto niya.
"Sorry. Nakalimutan ko. Dun ko natamaan. " sabi niya. Napailing nalang ako.
May kumatok naman sa pintuan kaya pinagbuksan ko. Si Wency.
"Selene. Bakit?" tanong niya."Anong weapon ang nakuha niya?" tanong ko sa'kanya. Napabuntong hininga naman siya.
"Larks blade" simpleng sabi nito. Napatingin ako sa mukha nilang dalawa. May hiwa ang pisngi ni Wency habang si Jenny ay may cut sa labi at may mga pasa na 'ring lumililitaw.
"Anong nangyari sa'inyo?" tanong ko. Sabay nilang itinuro si Alexa. At parang batang nakanguso si Wency.
Ayaw na ayaw niyang nasusugatan siya sa mukha.
"Hiniwa niya ako gamit yung blade. Hindi tuloy mabilis gumaling? " sabi ni Wency.
Tinignan ko si Jenny. "Ginamit ko na sa'kanya yung metal bracelet pero malakas pa'rin siya. Tska hindi gumagana ang ability ko sa'kanya kaya napuruhan ako" nakanguso rin nitong sabi.
"Hayaan mo. Mas nasaktan siya sa ginawa mo hahaha!!" sabi ko sa'kanya. Nanglaki ang mata nito.
"Sorry!" sabi niya.
"Kay Alexa. Kaso iba siya. Humanda ka next training hahaha" tawa ko sa'kanya.
Halata namang natakot ito.
"Alam na ba ni Sofiya?" tanong ni Wency. Tumango ako. "May inaasikaso lang sa mortal world. Baka patago namang bumisita" sabi ko.
"Bakit ba hindi nalang siya magpakita?" tanong ni Jenny.
"Hindi ko alam. Ayoko lang na humarang sa mga plano niya"
Tumango-tango naman sila. "Alam ko namang miss na miss niya na yung asawa niya kaya nagpipigil lang yang bumalik" sabi ko at ngumiti.
"Selene" tawag sa'kin ni Wency kaya napatingin ako. "Parang mali yung schedule natin sa'kanya"
"Bakit?"
"Kasi nga. Sabi ni Sofiya. Bawal siyang mapagod. Eh kung everyday ang training niya--"
"Sus! Takot ka lang eh!" tawa ni Wency.
YOU ARE READING
Magia Academy: The Lost Enchantress Of Magia
FantasyImperfect life Life full of lies Unlock the magic (EDITING) Date started: April 26, 2017 Date completed:-------------