Chapter Three: The Academy

137 10 0
                                    

M.A: TLEOM 3

Nahihilo akong napadilat sa isang sofa. Oh shit.  Nasaan ako? 

"You're awake. Ang haba talaga ng tulog mo." sabi ni Mommy na nasa tabi ko. Nakita ko rin ang babaeng na
nakatingin sa'akin.

"Hello Alexa!--"

Mabilis akong napatingin sa baba malapit kay Mommy.

"Who the hell are you?" unang tanong ko. Hinampas naman ako sa balikat ni Mommy.

"Sorry, ganyan lang talaga siya" sabi niya at tinignan ako ng masama. Binalik ko rin ang tinging ibinigay niya kaya agad siyang napalunok.

Tsk.

"She's Selene. Headmistress of Magia Academy!! Your new school, Baby" masayang sabi niya kaya napatawa ang babae sa harap namin.

"Call me Tita Selene. Bestfriend ako ng Mommy mo." sabi niya. Hindi ko sila pinansin at tumayo.  Nilibot ko ang mata ko sa malaking opisina na ito.

Tumikhim naman si Mommy. "Mag pakilala ka, Baby" sabi niya sa'akin.

I hate introducing. Pero okay naman siya. Hindi ako sanay na nagpapakilala eh.

Awkward naman siyang tumawa pero halatang nagbabanta. Napairap ako at humarap kay Tita daw.

"Alexa" sabi ko at nilahad ang kamay ko.

Tumawa naman si Tita. "Oh. I don't do shakehands. Beso nalang" sabi niya kaya binaba ko ang kamay ko.

"But I don't do those stuff. Sorry." sagot ko sa'kanya at dumeretso na sa bintana.  Whoa! Ang daming ibon!

Parang nagulat naman si Mommy sa ginawa ko.  Humarap ako sa'kanya at nagtataka siyang tinignan.

"What?" tanong ko. Sa pagtitig niya alam kong gusto niyang gawin yun. "I'm just telling the truth." pangangatwiran ko.

Inirapan ako ni Mommy kaya tumawa si Tita Selene. Madali akong kausap. Tawagin ko daw siyang tita.

"Anyway, welcome to Magia Academy, Alexa. Ang ganda mo pala talaga." 

Tumango lang ako sa'kanya. That's a compliment.  Maya maya ay sila lang ang nagkwe-kwentuhan.

"Syempre!! Manang-mana sa'akin yan, diba?" sabi ni Mommy tumingin lang ako sa'kanya at kinuha nalang ang phone ko.

"Hahaha! Hindi yata eh. Sa'kin talaga nagmana" sabi ni Tita.

"Paano nangyari yun? Anak mo? Anak mo?"

"Sa'kin mo siya pinaglihi! Lagi mo kaya akong utusan non" sabi ni Tita.

Oh gods. 

"Hindi naman kita kinain! Sa apple ko siya pinaglihi" inosenteng sabi naman ni Mommy.

"Tangek. Hindi lang naman sa kinakain yun."

"Pero magkamukha talaga kami"

Ang ingay!

Gusto ko sanang magsabi ng 'hello. Nandito pa po ako' kaso baka madamay ako sa pinagsasabi nila.

"Excuse me. Can I leave?" walang expressiong tanong ko sakanila.

Alanganing ngumiti si Tita Selene sa'akin.

"Sorry. Ito pala yung schedule, locker and roomcard--"

"Ayoko ng may kasama sa kwarto" sabi ko kay Mommy.

Hindi sa maarte pero kasi--

"Nope. Kailangan eh. Hayaan mo na." sagot ni Mommy.

Nakita kong pinagpapawisan si Tita at kinakabahang tumingin sa'akin. Kanina pa siya ah.

Magia Academy: The Lost Enchantress Of MagiaWhere stories live. Discover now