Chapter Eight: First Mission

64 6 6
                                    

M.A: TLEOM 8

Dianne Syrine

Napamura nalang ako sa isip ko at agad na hinalungkat ang bag ni Alexa. May sapak talaga sa ulo 'tong si HM! Sasapakin ko na to!

Syempre joke lang yon. As if naman.

Nakita ko naman ang syringe na may lamang dark violet liquid.

Nakita ko ang pag iiba ng kulay ng mga ugat niya kaya mas lalo akong nataranta.

Hindi ito first time, Dianne!

"Here" sabi ni Gianna at ininuro ang part kung saan dapat.

Tumango tango ako at itinusok agad yun doon.

"What the fuck? Ano bang nangyayari?!" sigaw ni Jace habang takot na rin si Lianne na naka-kapit kay James.

"Ano ba?! " sigaw ko kay HM.

Ngumiti naman siya.

"Testing something" sabi niya at lumapit kay Alexa.

"You know she could die!" sigaw ko sa'kanya.

Mahalaga na sa'kin si Alexa. At hinding-hindi ako matutuwa sa ginawa niya.

"Will you let that happened?" tanong niya habang hindi nakatingin sa'akin.

Naglabas ito ng puting panyo at pinunasan ang dugo na tumutulo sa ilong ni Alexa.

Napakurap naman ako sa sinabi niya.

"You knew each other since you were a kid. May pinagsabihan ka ba about doon?" tanong niya.

Nagulat rin sila. Paano--?

"N-No--Meron! Sila Zyline tska Yuna" sabi ko sa'kanya.

Tumingin naman siya sa'akin. "About her condition?" tanong niya.

Umiling ako. "Kay Gianna lang. But--wala naman a-akong alam" sabi ko.

"Why don't you them? Na dati pa, dalawang school na ang pinapasukan mo para lang makasama kay Alexa?" tanong niya at nginitian pa ako

"Wait--Is that true?" tanong ni Syline.

Tumango naman ako. "Yes.. Pero wala namang masama doon ah." pagdadahilan ko.

"Pero bakit?" tanong ni Alex.

"I was attached with her. We became friends. Ayokong mag kahiwalay kami dahil lang magkaiba ang mundo namin." sagot ko sa'kanya.

Unang kita palang namin nun sa subdivision kahit alam ko kung ano ako dito sa Magia world. Hindi naman ako nahiyang lumapit sa'kanya. Ang una ko talagang na meet ay si Renz.

Araw-araw kasi niyang kinukulit si Alexa pero wala lang itong reaksyon.

Magsasalita pa sila pero pinutol na ni HM. "Enough. Pinatawag ko kayo para makausap hindi mag-story telling." sabi niya at umupo sa swivel chair niya.

Hindi man lang kami pina-upo. Grabe talaga.

"I'm sending you to a mission" sabi niya.

Aangal pa sana sila Hanna pero napairap nalang sila.

"With her" sabi niya at tinuro si Alexa.

"Pero bawal siyang mapagod." sigaw ko ulit pero pabulong.  Nakakagigil!

"I know. Kaya nga andyan kayo diba? Especially the two of you." turo niya sa'amin ni Gianna.

"Me?" sabay na sabi namin.

"Yes. Since you know--not exactly. Pero alam niyo naman ang gagawin kapag alam niyo na. Bantayan niyo siya."

"I'll do that even if you don't tell me" sabi ko sa'kanya.

Magia Academy: The Lost Enchantress Of MagiaWhere stories live. Discover now