Chapter Seven:

2 0 0
                                    

Alexa
Napapairap ako sa mga studyanteng nadadaanan ko dahil usap-usapan ang ilang taong dadating daw.

Bakit ba big deal yun? I don't care anyway.

Dirediretso lang akong naglalakad papunta sa library ng academy habang unti-unti ng naiinis sa mga tingin nila.

Pagkadating doon ay wala naman akong balak magbasa. Umupo lang ako sa pinakasulok ng library. Gustuhin kong mang ibalandra sa lahat na tulig ako pero mas trip ko ang pwesto na to.

Sa ilang oras na nakatunganga lang ako, naisip ko naman. Paano kaya nagawa 'tong mundong to? Bakit may ganito. Saan nanggaling ang kaangyarihan nila.

Do I need to know mine?

Kung meron ako, ano naman yun? Saan ko nakuha? Fu-king shitness.

"This is bullshit. " bulong ko at napailing nalang.

Napatingin naman ako sa paligid at napabuntong hininga. Nakakamiss rin pala ang mga naiwan ko sa mortal--

"U-Umm. Ate A-Alexa? "

Agad naman akong napatingin sa babaeng tumawag sa akin. Mas bata ito kung titignan.

"What?" tanong ko.

"P-Pinapatawag po kayo ni Ate Dianne. " sabi niya sabay takbo. Napailing nalang ako.

Maganda naman ako. Bakit ba sila natatakot? Tsk.

***

"You're here." nakangiting sabi ni Dianne. Di ko lang siya pinansin at humiga sa sofa.

Aware ako na may ibang tao sa kwarto nila pero wala akong pakielam.

"Alexa. " tawag niya sa'akin.

"O? "

Napadaing ako ng bigla nalang may humila sa'akin para umupo. Anak ng--

"Problema mo? Leche ka." iritang sabi ko sa'kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Wow. Sino ka para sagot-sagutin ang Prins--"

"Shut the fuck up, woman. I don't even know you. "

Napasinghap naman ang mga kasama niya. Tinignan ako ng babaeng may itim na buhok. Halatang nainis siya. Pikon.

"What?! You! Sino ka ba?! Saan mo napulot yan Dianne? Beautiful bitch. "
Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Thanks for the compliment. " sabi ko lang at tinignan si Dianne na naka face palm sa harapan ko.

"Why did you call me? Sinasayang mo oras ko. " walang emosyong sabi ko at tumayo na. Nakakadalawang hakbang palang ako ng hinila niya ang buhok ko at pinaupo.

"What the fu-k. Not my hair!! You--"

"Subukan mo ulit akong murahin. " banta niya.

K. "Damn you--"

"ALEXA?! Saan mo ba natutunan yan?! " gulat at hindi makapaniwalang sabi niya.

I shrugged.

Umupo nalang ulit ako at tinitigan sila isa isa.

"Bakit mo ba ako tinawag?" tanong ko.

Magsasalita na siya pero pinigil ng babaeng itim ang buhok.

"I'm Syline Cera. I'm one of the royalties so if you're my hater or fan, just back off." masungit na sabi niya.

Tinitigan ko lang siya. "Aanhin ko pangalan mo? Stupid. " magsasalita na sana siya ulit pero tumili ang isa pang babae. What the--

"Hello Ate!! I'm Hanna Harmain. Kapatid ko si Ate Gianna. Nice too meet you! " masiglang bati niya at nilahad ang kamay.

Tinitigan ko lang siya kaya balewalang binawi ang kamay. Walang bakas nag pagkakapahiya.

Niyugyog niya si Gianna. "May dyosa sa harapan ko, Ate!" sigaw niya.

Pshh.

"Syempre, nakatingin ka sa'akin. "

"Hindi ikaw. Assuming ka, Ate."

Nagbangayan ang dalawa kaya tumayo na ako. Hindi ko naman inasahan ang lalaking tumayo rin.

"Pinapatawag tayong lahat ni Headmistress. Tigilan niyo na yan." walang ka emosyon emosyong sabi niya.

Napasimangot ako. I hate this type of guy.

Lumingon siya sa'akin. "Casper Phyrom. Prince of Phyro Kingdom." yun lang ang sinabi niya at lumabas.

As if I care.

***

Habang naglalakad ay nakahiwalay ako sakanila pero dumikit sa'akin si Dianne.

"So... Kamusta ang Mortal realms? " tanong niya.

"Mortal realms padin. " tamad na sagot ko sa'kanya at agad na umiwas ng babatukan nanaman ako nito.

Hindi nalang ako umimik at hinayaan siyang magsalita.

"Alam mo, maganda dito. Madaming bagay na hindi mo makikita doon. " nakangiting sabi niya.

O... Kay? Ano bang pake ko doon?

Imbis na makinig sa mga sinasabi niya ay mas nag enjoy pa ako na samaan ng tingin ang ilang lalaking nakatingin sa'akin.

Hahahaha. Ang masaya lang... Walang nakakakilala sa'akin dito.

May ilang babae namang iniirapan ako pero hindi ko lang pinansin. Kaysa naman irapan ko din.

Nagpapapansin na nga, papansinin ko pa?

Magia Academy: The Lost Enchantress Of MagiaWhere stories live. Discover now