Sigawan. Tawanan. Harutan. Lampungan. Halikan. Sayawan. Inuman.
Ilan lang yan sa nakikita niya ngayon. Naka-puwesto siya sa katapat na building ng isang bar kung saan kitang-kita ang target. Salamin ang nagsisilbing pader ng naturang bar kaya madali lang para sa kanya ang kanyang gagawin.
Nilagyan niya ng silencer ang bunganga ng baril bago itinutok sa mismong ulo ng target.
Pumuwesto siya ng maayos bago kinalabit ang gatilyo. Tumagos ang bala sa glasswall ng bar at sapul sa ulo ang kanyang target. Nagkagulo ang mga tauhan nito ng matumba ang mismong amo.
Mabilis niyang inayos ang mga gamit. Sinigurado muna niyang wala siyang naiwan na bakas bago nilisan ang lugar. Isinukbit niya ang dalang bag bago tinungo ang kanyang Ducati na nakaparada sa mismong likod ng building.
"Done." Aniya sa suot na wireless earpiece.
"Good."
"Ano nang nangyayari?"
"Nandiyan ka pa ba?"
"Oo."
"Umalis ka na, nagkakagulo na sila. Papunta sila sa building kung nasaan ka."
"Okay."
Isinuot niya ang helmet at mabilis niyang pinatakbo ang kanyang Ducati palayo sa lugar.
Ilang minuto lang ang nakalipas bago niya ipinarada ang kanyang big bike sa garahe ng isang spanish type na bahay.
Tinanggal niya ang suot na helmet at hinayaan ang buhok niyang bumagsak.
Pabagsak na umupo siya sa mahabang sofa at inilagay sa katabi niyang mesa ang kanyang helmet at bag. Ipinatong niya ang isang braso sa kanyang noo at pumikit.
"Pumatay ka na naman ba?"
Hindi na siya nag-abalang tignan ang nagsalita. Boses pa lang nito ay kilalang-kilala na niya.
"Hanggang kailan ka papatay?" Tanong pa nito nang hindi siya umimik.
"Hanggang gusto ko." Simpleng sagot niya.
"Blair, wag mong dungisan ang mga kamay mo."
Naiinis na tinignan niya ang kanyang tiyahin. "Matagal ng nadungisan ang mga kamay ko."
Ngumiti ng matamlay ang kanyang tiyahin. "Wag mong itaya ang buhay mo, hayaan mong ang mga alagad ng batas---"
"Alagad ng batas?!" Galit na tumayo siya. "Siyam na taon. Siyam na taon na ang nakakalipas simula ng walang awang pinatay ang mga magulang ko sa mismong harapan ko. Pero hindi pa rin nahuhuli ang mga taong yun ng mga alagad ng batas na sinasabi niyo!" Hindi niya napigilan ang pagtulo ng ilang butil ng kanyang luha. Siyam na taon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa isip niya ang nangyaring trahedya sa kanyang magulang. "Matagal nang nawala ang tiwala ko sa mga alagad ng batas. Ako mismo ang hahanap sa kanila at ako mismo ang gagawa ng sarili kong batas."
"Nilamon na talaga ng galit ang puso mo." Mahinang sabi ng kanyang tiyahin habang napapailing. "Tumigil ka na sa paghihiganti mo."
Sinamaan niya ng tingin ang kanyang tiyahin. "Matatahimik lang ako kapag nahanap at napatay ko na ang mga taong nasa likod niyon." Umakyat siya patungo sa kanyang silid.
Sinundan siya nito. "Wala yang maidudulot na maganda sa iyo!"
Pinanlisikan niya ito ng mga mata. "At ano sa tingin niyo ang maganda para sa akin?! Ang manahimik na lang sa isang tabi at hayaan ang mga taong pumatay sa magulang ko na malayang pagala-gala sa kung saan?! Habang ako, heto pa rin, nagdurusa at naghahanap ng hustisya?!"
BINABASA MO ANG
Beauty is the Beast
Mystery / ThrillerA pretty face doesn't mean a pretty heart. Sometimes, looks can be deceiving.