Chapter 2

4K 177 58
                                    

Note: Lipat na kayo dito dahil busy akong tao. 😂😂

°°°°°

Taas-noong naglakad si Blair papasok sa isang sikat na Casino. Nalaman niyang dito naglalagi ang susunod niyang target.

"Enzo." Hinawakan niya ang suot na earpiece. "Nasaan siya?"

"Nasa kaliwa mo. Wag kang magpapahalata. Magaling mag-obserba ang mga tauhan niya."

"Copy." Isinabit niya ang ballpen na may camera sa neckline ng damit niya. "Malinaw ba?"

"Oo."

"Ano ang susunod na gagawin?"

"Lumapit ka sa katabi nilang mesa. Gawin mo ang lahat upang mapunta sa'yo ang atensyon niya."

Sinunod niya ang sinabi ni Enzo. Lahat napapatingin sa gawi niya habang naglalakad siya palapit sa katabing mesa ng target.

Agad siyang inabutan ng inumin ng isang waiter ng Casino nang makaupo siya.

Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo saka sinindihan. Nilingon niya ang kanyang target. May akbay itong dalawang babae. Mga babaeng mapang-akit na humahaplos sa dibdib nito.

Nginitian niya ito ng mapang-akit nang magtama ang paningin nila. Nag-dekwatro siya at sinadyang ilihis ang suot niyang maikling palda dahilan upang lumitaw ang mapuputi at makikinis niyang hita.

Talagang pinag-aralan niya kung paano mang-akit ng lalaki.

"Palapit siya sa'yo."

Hindi pa niya nakakalahati ang sigarilyo ng maramdamang may nakatayo sa tabi niya. Tumingala siya.

"Hi. Wanna join me tonight?"

Lihim siyang napangiti nang ang mismong target na ang lumapit sa kanya. Sa pagkakaalam niya'y nasa higit trenta pa lang ang edad nito.

"Sure." Kinuha niya ang alak at sinalinan ang kanyang wine glass. "Let's drink first." Itinaas niya ang kanyang kopita.

Umupo ito sa tabi niya at inakbayan siya. Mabilis ang lalaki. Kaya natitiyak niyang mapapabilis din ang pagkamatay nito.

"What's your name, My Lady?" Maluwang ang ngiting tanong nito.

"Just call me anything you want, Handsome." Ngumiti siya ng matamis at sumimsim ng alak. Dahil mamamatay ka na.

"Bakit ngayon lang napadpad ang mala-dyosang babaeng katulad mo sa lugar na ito?" Hinaplos nito ang pisngi nito.

Humawak siya sa dibdib nito. "Palagi ako rito, Handsome. Hindi mo lang napapansin dahil parati kang napapalibutan ng mga tauhan at ilang babaeng kasa-kasama mo." Dahan-dahan niyang pinadausdos ang mga palad niya pababa sa dibdib nito.

Napaungol ang lalaki ng dumako ang palad niya sa gitnang bahagi ng mga hita nito.

"Let's get out of here." Nahihirapang bulong nito.

Inisang lagok niya ang laman ng kopita bago siya tumayo at hinila ito. Agad naman itong nagpatianod.

Tinahak nila ang daan patungo sa isang VIP room.

"Walang tauhan niya ang nakasunod sa inyo kaya tama ang ginagawa mo."

Sa elevator pa lang ay pinaharap na siya ng lalaki at sinimulang halikan. Hinahayaan niya lang ito sa ginagawa.

Itinulak niya pabukas ang pintuan ng isang silid at sinipa pasara ang pinto. Sinadya niyang i-lock iyon.

Hinapit siya nito at lalong idinikit ang katawan sa kanya. Naramdaman na lang niyang pinisil nito ang pang-upo niya. Napakabilis ng kamay ng lalaki.

Beauty is the Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon