Chapter 4

3.5K 158 34
                                    

Dedicated to @princessjade_15. Nagustuhan ko yung ginawa mong tula (kung tula nga ba yun hahaha). Salamat sa effort.

°°°°

"Are you out of your mind? Papatay ka ng hindi mo man lang i-imbestigahan ang background niya?!" Galit na tanong ni Enzo sa kanya nang malaman nito ang balak niya.

"No need, Enzo. Kilala ko siya. Mayabang at hambog ang lalaking 'to'." Turo niya sa larawan ni David na nasa folder.

"Hindi yan basehan para patayin mo siya. Tell me, Blair. Gaano mo siya kakilala? Ano'ng pangalan ng mga magulang niya? Saan siya nakatira? May mga kapatid ba siya?" Hindi siya nakasagot sa tanong nito. "See? Hindi mo siya kilala." Nagpalakad-lakad ito sa loob ng kanyang opisina. "Matinik si Mendoza. Gaya mo, malinis magtrabaho. Kayang-kaya ka niyang hulihin kong gugustuhin niya."

"Kung totoo yang sinasabi mo, bakit hindi pa niya ako nahuhuli hanggang ngayon?"

"Dahil nag-quit na siya sa trabaho. At walang nakakaalam kung ano ang dahilan niya."

Umangat ang isang kilay niya. "Nagquit na pala siya sa trabaho, ano pa bang ikinatatakot mo?" Ngumisi siya ng nakakaloko. "Don't tell me, naduduwag ka?"

"Of course not!" Mabilis na depensa nito.

"Then what?!"

"Blair..." Mahinahon na ang boses nito. "Hindi naman sa naduduwag ako. Malakas at mabilis si Mendoza, baka hindi mo kayanin."

"Hindi ibibigay sa akin ni Madame ang trabaho kung hindi ko siya kaya. I think, I'm his match." Tumayo siya at naglakad palapit sa bintana. "Kung ayaw mo akong tulungan, ako na lang mag-isa ang gagawa. Kaya ko ang sarili ko."

"Blair, he's one of our investors. Malaki ang mawawala sa atin kung mamamatay siya."

Tumawa siya ng pagak at umiling. "Get out. You don't want me to get mad, right?"

"But Blair..."

"I said get out!" Humarap siya at pinanlisikan ito ng mga mata. "Lumabas ka na. Bago pa magdilim ang paningin ko at makalimutan ko kung sino ang nasa harapan ko. Baka mamalayan ko na lang na butas na pala ang bunbunan mo."

Narinig pa niya ang pagbuga nito ng hangin at bagsak ang balikat na lumabas ito sa opisina niya.

Paglabas nito ay pabagsak siyang umupo sa kanyang swivel chair at nahulog sa malalim na pag-iisip.

Ano bang ikinatatakot ni Enzo? Ano bang mayroon sa 'yo, David?"

Sinulyapan niya ang larawan ni David na nasa ibabaw ng mesa niya. Dinampot niya ito at tinitigan.

Maliit lang talaga ang mundo. Parang kailan lang noong pinutulan niya ito ng preno, tatlong taon na ang nakakalipas.

Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon. Iniluwa niyon si Enzo.

"Enzo..."

"Pumapayag na ako." Sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Tutulungan kita sa pagpatay kay Mendoza. Gaya ng dati, ako pa rin ang magiging mata mo. Basta ipangako mo sa akin na palagi kang mag-iingat."

Napangiti siya. "Sure?"

"Yes." Lumapit ito sa mesa niya at iniharap sa kanya ang bitbit nitong laptop. "Nalaman kung dadalo si David sa event na ito mamayang gabi. Dito ka pupuwesto." Tinuro nito ang isang building. "Sakto yan sa bintana. Sasabihin ko sa isa nating tauhan na doon sa tapat ng bintana kausapin si Mendoza. Ako naman, maghihintay lang sa sasakyan, iha-hack ko lahat ng CCTV."

Mukhang naplano na nito ang lahat bago siya kausapin. "Thank you."

°°°°°°

"Isuot mo ito." Inabot sa kanya ni Enzo ang isang smart watch.

Kumunot ang noo niya. Nakatingin lang siya sa relo na nasa kamay nito. Nagdadalawang-isip kung tatanggapin o hindi.

"Kunin mo na. In case of emergency. Kung sakaling kailanganin mo ang tulong ko, pindutin mo lang ang red button."

Mabilis niyang kinuha iyon. "Salamat." Isinuot niya ang itim na sumbrero bago siya tuluyang lumabas ng sasakyan. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng building habang nakasukbit ang isang bag sa kaliwang balikat niya ngunit hinarang siya ng guard bago pa siya tuluyang makapasok.

"Ma'am, patingin po ako ng bag niyo."

Ngumiti siya at inilapag ang bag sa maliit na mesa. Pasimpleng niyang sinulyapan si Enzo na noo'y hindi pa nakakaalis.

Hinawakan niya ang zipper at dahan-dahang binuksan. Bago pa nito makita ang loob ng kanyang bag, naagaw ang atensyon nila ang dalawang taong bigla na lang nagsigawan sa kanilang harapan.

Lumapit ang guard sa mga ito at sinita. Iyon ang naging hudyat para makalusot siya sa guard.

Eksakto namang bumukas ang elevator kaya tumakbo na siya.

Pagdating niya sa rooftop, inayos agad niya ang mga kakailanganin. Nang makitang okay na, dumapa siya at itinutok sa ulo ni David ang sniper.

Kitang-kita niya ito mula sa maliit na bintanang salamin habang nakikipag-usap sa isang babae. Ito siguro ang tauhan na sinasabi ni Enzo. Akmang kakalibitin na niya ang gatilyo nang lumingon si David sa direksyon niya.

Natigilan siya at agad na napahiga. Nakita ba siya nito? Imposible! Malayo ito sa kinaroroonan niya at madilim sa puwesto niya. Kaya imposibleng makita siya nito.

"Blair! Umalis ka na diyan!" Narinig niyang sabi ni Enzo mula sa earpiece na nasa kaliwang tainga niya.

"Later. Kapag napatay ko na siya."

Dumapa ulit siya at itinuloy ang naudlot na pagpatay. Ngunit pagsilip niya sa day scope ng sniper, wala na si David sa puwesto nito kanina.

Where is he? Fuck!

"Blair! It's a trap! Umalis ka na diyan!"

Narinig pa niya ang mahinang pagmumura nito sa kabilang linya.

"Blair! Paakyat na ang mga pulis diyan!"

Mabilis niyang inayos ang mga gamit at sinuot ang maskara. Nang maisilid niya lahat sa bag ay inilabas niya ang dagger rope at pinatamaan ang bintana ng kabilang building. Nang maramdamang secure na ang tali, tumalon siya.

Narinig pa niya ang malakas na pagbukas ng pinto ng rooftop.

Hindi pa lang siya nakakalanding sa kabilang building nang paulanan siya ng bala.

Dahil sa gulat, napabitaw siya sa tali. Naitukod niya ang isang kamay at tuhod sa magaspang na semento nang mahulog siya.

"Wag mo ng tangkain pang tumakas....." Natigilan siya ng may magsalita sa likuran niya. "Ghost." Dagdag pa nito.

Naramdaman din niya ang isang malamig na bakal na nakatutok sa ulo niya.

Tumawa siya ng pagak at dahan-dahang tumayo. Hindi siya pwedeng magkamali, si David mismo ang nasa likuran niya.

____________
D E Y M Y U U

Beauty is the Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon